Simula

414 Words
Prologue “SAAN ka galing?” Hindi ko na naiwasang itanong iyon sa kanya ng sinundan ko siya patungo sa kanyang kuwarto. “Alam mo ba kung anong oras na? Bakit ngayon ka lang umuwi? Halos mabaliw na ako sa kakaisip na baka nakatulog ka na naman sa kung saan-saan--“ “Will you stop whining? Naiirita ako sa boses mo!” naiinis na sambit niya at marahas akong hinarap. Napahinto naman ako sa paglalakad ng dahil doon. Agad na bumungad sa akin ang nagbabagang galit sa kanyang mga berdeng mata. I pressed my lips together as I endure the pain surging up inside my chest. Ilang segundo akong napatitig sa kanya bago ko nahanap ang boses ko. “But I was just asking--“ “Oo! Narinig kita. Ano namang pake mo kung saan ako galing, ha?” Kinagat ko ang pang-ibabang labi sa huli niyang sinabi. You’ve heard worst, Tammy. It’s fine, kaya mo namang palusutin ang mga insulto niya sa kabilang tenga mo hindi ba? “I was just concerned. I am your wife--“ “Wife!” he scoffed as he spat those words like he was disgusted. Halos mapaatras ako ng hinarap niya ako ng mabuti. Napansin ko mula kung paano kumuyom ng mahigpit ang mga kamao nito. Muli akong napalunok sa kaba habang ibinalik ang tingin sa kanya. Ngayon, halos panindigan na ako ng balahibo sa paraan ng pagtitig niya sa akin. “Don’t use that word against me, Tamara!” he growled. “Kahit kalian ay hindi kita ituturing na asawa! Gagawin ko ang gusto kong gawin! Uuwi ako kung kailan ko gusto! Pasalamat ka nga at inuuwian pa kita!” he scowled. Iyon lang ang sinabi nito at tinalikuran na ako at nagpatuloy na sa paglalakad patungo sa kanyang kuwarto. Nakasunod lang ang tingin ko sa kanya hanggang sumarado ang pintuan. I swallowed hard the bile starting to form on my throat. Tears started to pool my eyes pero mariin kong kinagat ang labi ko para pigilan iyon. Halos hindi ako makahinga dahil sa sakit na nararamdam ko sa aking puso. Ilang beses ko pa nga bang maririnig iyon mula sa kanya? He was always like that. He never treated me as a wife. Para sa kanya, ako ang pinakamalaking balakid sa kanyang istorya. My heart aches at the thought. Kailan ba kami magkakaayos? Can’t he forgive me for what I did? Ilang taon na rin ‘yon ah? Habang buhay na lang ba akong masasaktan?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD