CHAPTER 25 “Malandi ka talaga, Reyna!” natawa ako nang pabiro akong sinabutan ni Kevin nang magkita kaming dalawa sa isang coffee shop. Ngayon lang ulit kami nagkita after nung nangyari sa bar. “Hoy, ako lang ba 'yong lumandi? Ikaw din naman, ah? May lalaki ka rin nung iniwan kita.” natatawang sabi nito pero halatang kinikilig. Dalawang araw pagkatapos nung nangyari doon sa bar ay walang mintis ang pagpunta ni daddy Andrew sa condo ko. Kahit ilang minuto lang kaming magkasamang dalawa ay sinusulit na namin. Kinakausap niya pa rin si mommy tungkol sa pakikipagpahiwalay niya rito pero hindi pa rin pumapayag si mommy doon. “E’di tayong dalawa na ang malandi! Aminin na lang natin total mag- kaibigan din naman tayong dalawa.” Wala na kaming pasok ngayon kaya naisipan naming tumambay na m

