CHAPTER 43 “What's wrong, Reyna? Okay ka lang ba?” nag- aalalang tanong ni mommy sa akin habang hinahaplos ang aking likod. Sumuka ako nang sumuka na parang kahit mga bituka ko sa loob ay sumama na palabas. What the hell is wrong with me? Sigurado ako dahil na ‘to sa alak na ginawa ko ng tubig. “Drink water, Reyna. May hindi ka ba nagustuhan sa mga luto ng daddy Andrew mo? Masama ba ang pakiramdam mo, anak?” tinanggap ko ang isang baso ng tubig na binigay niya sa akin bago ko siya sinagot sa sunod- sunod na mga tanong niya. “Naparami yata ang inom naming dalawa ni Kevin kagabi, mom.” Sagot ko sa kanya habang nakahawak sa tiyan ko. Nanlaki ang aking mga mata nang makita ko si daddy Andrew sa likuran ni mommy. Nakatitig ito ng mariin sa akin na para bang ini- examine niya ang buong pag

