CHAPTER 33 Nagsimula ang party. Hindi naman pwedeng manatili nalang kaming dalawa ni Kevin na nakaupo doon. Syempre kailangan din naming maglibot- libot upang makipaghalubilo sa mga bisitang nandoon. Simula nang dumating kami kanina, kahit hindi kami magkalapit ni daddy Andrew ay hindi naman umaalis ang tingin ko sa kanya. Sa bawat lingon ko sa kanya ay paiba- iba ito ng mga mesa sa dami ng mga kakilala niyang kailangan niyang batiin. Iba talaga kapag maraming kakilala. “Baka mabali 'yang leeg mo, Reyna. Kanina ka pa lingon nang lingon, hindi naman 'yan mawawala.” narinig kong sabi ni Kevin sa akin. “Manahimik ka nga d'yan!” baka mamaya may ibang makarinig sa kanya. Kanina niya pa ako inaasar na halos hindi ko na raw lubayan ng tingin si Daddy Andrew. “Sa 'yong- sa 'yo 'yan, walang aag

