CHAPTER 47 “Simula ngayon, hindi kana titirang mag- isa sa condo mo. Dito kana sa bahay para matutukan kita.” yumakap ako ng mahigpit kay mommy at patuloy pa rin sa paghikbi. “Stop crying, masama pa rin ang loob ko sa ‘yo pero hindi kita magawang talikuran.” Alam kong mahihirapan ako kapag nasa iisang bahay lang kaming dalawa ni daddy Andrew pero wala akong magagawa dahil gusto ni mommy na rito na ako tumira kasama sila. At kay Raver naman, hindi siya papayag na magsama na kaming dalawa pero pwedeng dumalaw dito si Raver. Which is in favor with me. “Are you okay, Reyna?” hindi ako sumagot. Sumuka ako nang sumuka sa sink. Nagbukas ako ng refrigerator namin para kumuha ng pagkain pero may nakita na naman akong carbonara kaya naduwal na naman ako. Nagmumog muna ako ng tubig bago ko sin

