CHAPTER 17 TUMAWA ako ng malakas sa kanyang sinabi. Napahawak pa ako sa aking tiyan. Tumatawa pa ako hanggang sa makabalik na kaming dalawa sa cottage namin. “Mukhang masaya ang anak mo, Liezel! Nakita ko kanina 'yong kano na lumapit sa kanya!” sabi ni Tita Sasha habang umiinom ng buko juice. Oh, daddy Andrew, hindi na ako ang bumanggit niyan, si tita Sasha na, ha. Umupo ako sa tabi ni tita Sasha. “Thanks, mom.” Paghingi ko ng pagmamasalamat nang bigyan niya ako ng towel. Pinalibot ko iyon sa aking katawan para hindi ako lamigin. “Tingin nang tingin dito ‘yong kano, oh. Parang gusto ka ng lapitan, Reyna.” Napatingin ako kay Michael na nasa pool pa rin at naliligo. Kumaway ito sa akin nang magtagpo ang mga tingin naming dalawa. Kumaway ako sa kanya pabalik. “’Wag n’yong tinutulak ang

