CHAPTER 15 Paalis kami ngayon papunta sa isang lugar dito sa Negros Occidental. Sa Alimatok kung saan matatagpuan ang magandang falls. “Dito na po ako sa bintana, mommy.” Nauna akong pumasok sa loob ng van at pumwesto ako sa pinakagilid. Kasama ko ang dalawang kaibigan ni mommy na sina tita Cherry at tita Sasha. Nagplano sila ng trip at sumama ako sa kanila. Syempre iisa lang ang rason, dahil kasama si daddy Andrew. Siya ang driver ng sinasakyan naming van kaya nandoon sa passenger’s seat si mommy. Ewan ko ba sa magkakaibigang ito at naisipang pumunta sa falls. Buti na lang at sabado ngayon kaya wala kaming pasok. Inaya ko nga si Kevin na sumama sa amin kaya lang ay may iba raw siyang plano at hindi ko na raw pwedeng masira kaya wala akong nagawa kung hindi sumamang mag- isa rito. I ju

