CHAPTER 20 Umaga na nang magising ako. Mag- isa lang ako sa kama. Pero ang aking suot na damit ay iba na. Nakasuot na ako ng ternong pantulog na kulay pula. Hindi pala panaginip 'yong nangyari kagabi? F L A S H B A C K “Ako na lang kasi. . .” lumabas ang mga munting hikbi sa aking mga labi. “Hush, baby. . .” maingat niya akong inilapag sa kama. Hindi ko siya binitawan kaya naman ay napilitan siyang humiga na rin sa aking tabi. Nakasubsob pa rin ang aking mukha sa kanyang dibdib at parang bata akong umiiyak. “Just wait, okay? Kaunting tiis na lang, Reyna. . .” bulong nito sa akin at dinampian niya ng halik ang aking buhok. Ilang ulit niya iyong ginawa. “I love you, okay? Hintay ka lang ng kaunti. Malapit na, Reyna. Malapit na. . .” E N D O F F L A S H B A C K Masakit ang aking ulo

