CHAPTER 41 Gaya ng aming napag- usapan, nagpanggap akong nagulat sa pagdating niya. Nakaplano na 'to. Kung ano ang gagawin namin. Pero nang makita ko siyang galit na galit ay parang gusto kong umatras sa napagkasunduan naming dalawa ni Raver. “D- daddy. . .” tinakpan ko ng kumot ang aking katawan. Kinabahan na agad ako. Paano kong hindi ko kayanin na makita siyang nasasaktan? Hindi ko kayang titigan siya sa kanyang mga mata. Nanghihina ako, parang gusto ko siyang sugurin ng isang mahigpit na yakap at sabihin sa kanya ang lahat. Gusto kong magsumbong sa kanya. “Babe, bakit nandito ang step- father mo?” umakbay pa sa akin si Raver. Kitang- kita ko kung paano umigting ang panga ni daddy Andrew habang nakatingin sa mga kamay ni Raver na naka- akbay sa akin. Gusto ko ng tanggalin 'to. Nak

