"STOP staring at me." Puna ko kay Phillip. Marahan siyang umusog palapit sa akin. "Anong gagawin mo bukas?" Tanong niya. Nagkibit-balikat ako. "I don't know. Siguro maghahanap ng storya na isusulat?" "Yan lang ba ginagawa mo araw-araw? I mean, I get why you're working hard pero hindi habang buhay kang bata at malakas. You should have some fun too. You know, learn how to balance your social life and professional life." Umayos ako ng upo at sumandal sa headrest ng sofa. "What about you? What do you do for fun?" I asked him. "Is that a trick question?" I chuckled. "What?" He bite his lips. "Malay ko bang ina-analyze mo ako ngayon? Kung mali ang sagot ko, maaapektuhan ba nun ang pagtingin mo sa akin?" "Wala akong pagtingin sayo so don't worry." Biro ko. Nanliit ang mga mata niya. "My

