MATAPOS namin umalis sa vacation house, araw-araw na akong busy. We already uploaded the video online and it already got 15 million views! And tatlong araw pa lang ang nakakalipas simula nung pinost namin iyun. That is crazy!
I never felt like this before. Everyone in the office are complimenting me for getting that interview. Finally, bumait na rin sa akin ang manager namin and sabi niya, pag-iisipan niya ang tungkol sa pinasa kong proposal about sa sarili kong show. I want to be the person to produce and write it. Saka may nabuo na akong team sa isip ko. May mga ideas na rin ako. I really hope na i-approve nila yun. Alam kong kailangan ko pa ring i-prove ang sarili ko. But after that hit, I promise not to go down from there anymore.
"Can I ask you a question?" Tanong ni Martin, isa sa mga officemates ko.
Tumingin ako sa kanya. "Ano naman yun?"
Nilapit niya yung upuan sa akin. Tumingin-tingin muna siya sa paligid na para bang naninugurado na walang ibang nakapaligid bago siya nagsalita. "Paano mo napapayag si Phillip Warren sa interview?" Halos pabulong niyang tanong.
I gave him a grin. "It's a secret."
He looked at me suspiciously. "Did you sell your body to him?" He asked very innocently.
Malakas kong pinalo sa braso niya ang hawak kong mga papel. "Are you crazy? Why would I do that? Saka tingin mo ba kahit ibigay ko sa kanya sarili ko, papayag siya sa interview? If I knew that would work, dapat matagal ko na siyang na-interview. Gago."
"So, you tried?"
Pinalo-palo ko siya ulit. Tong gagong toh, kung anu-anong iniisip. "Of course not! Hindi pa ako nababaliw, okey?? Tigilan mo ako sa mga walang kwenta mong tanong. Sumasakit ulo ko sayo."
Kumamot siya sa sariling ulo. "Nagtatanong lang naman." Aniya. "Everyone was really surprise. Simula nung sumikat siya, kahit kailan di siya pumayag sa offers ng malalaking broadcasting companies for an exclusive interview kahit na ba inofferan nila siya ng malaking halaga. So you can't blame me for asking. He's still a man afterall."
Umiling-iling ako. "He's not like that though. Saglit ko lang siyang nakilala but I can tell he's a nice person. So itigil mo na yang walang kwenta mong tanong at baka pagmulan pa yan ng mga walang kwentang rumors. People believe everything pa naman kahit walang bases."
He zipped his mouth. "Okey po."
Babalik na dapat kami sa ginagawa namin nang marinig kong may tumawag sa pangalan ko. Agad kong sinilip iyun. It's one of the building's security guard. Pansin kong may dala-dala ito. Kumunot ang noo ko habang naglalakad siya palapit sa akin. He got everyone's attention. Or I guess, it's more like, the big bouquet of flowers got everyone's attention.
"Ma'am, padala po para sa inyo." Anang guard nang makalapit na sa akin.
Tinuro ko sarili ko. "Para sa akin?"
"Kayo po si Ms. Shantal San Jose, tama? Yun po ang nakasulat dito."
Inabot niya sa akin yung bulaklak. Nagdadalawang-isip pa ako kung tatanggapin ba yun. Sure ba siyang para sa akin toh? Baka naman may dalawang Shantal San Jose dito sa building? I mean, I know almost everyone here pero malay ko naman kung may bago silang hinire na kapangalan ko, diba? They almost fired me afterall.
Pansin kong nakatingin na ngayon sa akin lahat. Lumapit sa akin yung iba kong katrabaho. I feel a little bit uncomfortable. This is the first time I recieved a flower in my place of work. I don't even know if this is allowed. Baka mapagalitan ako ng manager namin dahil dito lalo na't nabulabog ang lahat dahil dito.
"Di mo sinasabi, may boyfriend ka na pala." Anang si Yuna saka pabiro akong siniko.
Naiilang akong tumawa. "I don't have a boyfriend though."
They kept asking me questions habang hinahanap ko kung may card ba na nakakabit sa bulaklak and yes, there is. Agad ko yung kinuha at binasa kung anong nakasulat sa loob.
"You posted the interview without calling me. Should I be disappointed?"
Muntik ko na mabitawan ang hawak na bulaklak. Walang pangalan na nakasulat sa card pero agad kong nakilala kung sino ang nagpadala nito. Iisang tao lang naman ang na-interview ko. It is him. But now I feel guilty. I was too busy since I came back that I forgot to call him. It did cross my mind pero agad din yung natambakan ng trabaho. I feel like a scam. He probably thinks I'm a bad person for posting the video without asking him first! I feel so sorry!
"Who is it??"
Aagawin sana nila yung card na hawak ko pero agad ko yung iniwas at nilagay sa bulsa ko. "It's from my parents. They just wanted to congratulate me." Pagsisinungaling ko.
Agad na nawala ang curiosity nila sa sinabi ko at bumalik na sa kung ano man ang ginagawa nila. Though, the others who are closer to me just looked at me suspiciously. Hindi ko na lang sila pinansin. Nilagay ko yung bulaklak sa mesa at nagpaalam saglit para pumunta ng cr. I think I should call him to explain. Hindi ako matatahimik hangga't napapaliwanag ko sa kanya kung ba't di ako nakatawag.
Pumunta ako kung saan tahimik at walang tao. Medyo nagdadalawang-isip pa ako pero tumawag rin naman. Nagulat ako sa mabilis niyang pagsagot.
"You finally called." Bungad niya.
I bite my lips. "I'm sorry." Mahina kong sambit. "Look, I wanted to call you but... But it slipped my mind. I was too busy with work. Masyadong strikto yung manager namin. Halos di ako makaalis ng desk ko hanggang sa matapos ko yung report. I'm really sorry. I didn't mean to insult you or anything by not calling. I'm really sorry."
I heard him sigh. "It's okey. I understand." Aniya. "Did you like the flowers though?"
"Well... Yes. Thank you. Pero hindi ka na dapat nag-abala. Mas lalo lang akong naguilty dahil sa bulaklak na pinadala mo."
Mahina siyang tumawa. "I'm glad to hear you feel guilty."
"I'm really sorry." Paghingi ko ulit ng paumanhin. "Paano mo nga pala pinadala yung mga bulaklak? Nakalabas ka na ba ng hospital? Isn't it too early though?"
"I'm still at the hospital. I asked my assistant a favor."
Tumangu-tango ako. "How are you by the way?"
"Fine? I mean, I still feel the same. Medyo masakit pa yung mga sugat ko pero unti-unti na naman silang naghihilom. Medyo nakakagalaw na rin ako ng maayos. It used to hurt when I talk pero hindi na ngayon."
"That's good to hear." Sambit ko. "But they haven't caught the criminal yet, is what I heard. That person's DNA and fingerprint is not in the database as well. What are your plans after mo lumabas ng hospital? Siguradong nag-aalala ang pamilya mo sayo knowing na baka balikan ka nung suspek."
"Yeah, yan din ang sabi sa akin ng mga police. They adviced me to hire bodyguards until they catch the suspect. Ayaw ko dapat pero naunahan ako ng mga magulang ko. Now, I have two bodyguards outside the room, guarding me."
I chuckled. "Tingin ko mas makakabuti sayo ang desisyon nila. You just never know what might happen."
Sandali kaming natahimik bago siya ulit nagsalita. "How about you? Anong ginagawa mo ngayon?"
"Well, I'm at work. Actually, kailangan ko bumalik kaagad dahil baka mapagalitan na naman ako."
"Ganun ba? Kailan ka free?"
I shrugged kahit di naman niya ako nakikita. "Sa totoo lang, hindi ko alam. Walang katapusan ang trabaho ko. I'm a journalist. Everyday, may nangyayaring kailangan naming i-cover. People depend on us for news lalo na matapos naming i-post yung interview mo. We gained a lot of followers and subscribers, thanks to you."
"Shantal!!!"
Napatalon ako nang marinig ko ang pamilyar na boses na yun. Hindi ko narinig ang sinabi ni Phillip dahil sa lakas ng boses nito.
"What the hell are you doing? I asked you about the article! Hindi dahil naka-jackpot ka ngayong linggo ay may karapatan ka ng magtamad-tamaran. We have a lot of things to do!"
Yeah, it's my manager, Tom Solomon. I've been working under him for 5 years pero hanggang ngayon hindi pa rin ako sanay sa ugali niya. Minsan, kahit sa panaginip ko, sinisigawan niya ako. He's my nightmare.
"I'm sorry. Pabalik na po." Wika ko saka bumalik kay Phillip. "I'm sorry. I have to go. Thank you ulit sa bulaklak."
Hindi ko na hinintay na sumagot siya dahil baka kaladkarin na ako ng manager namin kung magtagal pa ako dito. I hope he understands. Tom's really scary, man.
LATE na ako nakauwi dahil kinailangan ko mag-overtime matapos lang yung iilang articles na pina-proofread ng manager namin. This time, I made sure na maayos ang lahat bago ko yun pinasa sa kanya. Ayaw kong magkamuli gaya nung huli at baka tuluyan na niya akong tanggalin sa trabaho.
Pagdating ko sa bahay, napansin kong patay lahat ng ilaw. Kinabahan ako. Maaga kung umuwi sina Joey mula sa trabaho so I'm sure they're home. I thought maybe we were robbed. Per agad ding nawala ang pag-aalalang yun nang makita ko sila sa living room, nanunuod ng movie. Kaya naman pala.
"Late ka yata ngayon?" Rinig kong wika ni Torre. "Tambak na naman sa trabaho?"
Naglakad ako papunta sa kanila at pagod na pagod na umupo sa sofa. "Yeah. I'm so tired."
"Wala bang empleyado yang kompanya niyo at ikaw lagi ang pinagbubuntunan ng galit niyang manager niyo? I bet he bullied you again today." Anah namang si Joey.
"You bet. Halos di niya ako tantanan sa kakasigaw niya. God. I think I'll have a nightmare of him again."
"Feeling ko trip ka niyang manager niyo kaya ikaw lagi nakikita."
Pinalo ko si Lana sa braso. "Don't curse me like that. Isipin ko pa lang na totoo ang sinabi mo, kinikilabutan na ako."
Natawa kaming lahat. Naging hobby na yata naming pagtsismisan si Tom tuwing kasama ko ang mga kaibigan ko. It's my way para pagaanin ang loob ko. He's too mean to me, okey? Walang wala tong pagba-backstab ko sa kanya sa mga pagsigaw niya sa akin.
"Anyway, where's Tiffany?" Taka kong tanong. Ngayon ko lang napansin na wala siya dito. Nilibot ko pa ng tingin ang buong living room.
Joey groaned. "She didn't tell you? Tinawagan niya ako kanina. She took a leave of absence again. She used her parents as an excuse but I'm sure it's because of Phillip. I think Tiffany likes him. Hindi makapagpigil ang gaga. Tsk. Tsk."
Nasorpresa ako sa sinabi ni Joey. She likes Phillip? I mean, hindi naman nakakapagtaka yun at wala namang masama kung gusto niya yung tao. I'm just surprise that she'd do something like this for someone she likes? I mean, I never really see her as the type to chase over someone. Well, hindi ko pa siya nakitang magkagusto kahit kanino dati. She dates a lot of men but we all know she never liked them. She only dated them for the sake of dating. So kung gusto niya talaga si Phillip, that is one surprising news.
"Kaya kung ako sayo, Shantal, I'd upgrade my game before it's too late."
Kumunot ang noo ko. "What do you mean?"
Sabay silang umungol. "Come on. We all know you like Phillip too. Muntik na may mabuo sa pagitan niyo kung di lang tayo umalis. I really have a feeling he likes you but Tiffany's pretty too, you know? She's sexy and intelligent just like you. He might fall in love with her if you don't do something."
Sarkastiko akong tumawa. "Hindi ko talaga alam kung saan niyo nakukuha yang mga ideyang yan. I never said I like him. I mean, I like him as a person. He's nice. But that's all it is. Mali kayo ng iniisip."
I can't believe them. Talagang iniisip nilang gusto ko si Phillip? Tss. I never even thought of that. Saka, hindi ako yung tipo ng babae na makikipag-kompetensya sa kaibigan ko para lang sa isang lalaki. If Tiffany likes him, that's great! I'll support her. I want nothing else but for them to be happy. Phillip deserves a woman like Tiffany. They're both good people. Bagay sila sa isa't isa. I sincerely believe that.
"Gusto kong malaman mo na mas boto ako sayo para kay Phillip." Rinig kong wika ni Lana.
"Same. I think you look great together. Habang pinapanuod kayong nag-uusap sa hospital, ramdam ko yung spark." Tugon naman ni Rina.
Ginulo ko ang buhok ko. "Can you guys stop??? God! I don't like him and he doesn't like me! Okey?"
Tumingin silang apat sa akin saka binigyan lang ako ng creepy na ngiti. Sinamaan ko sila ng tingin. Hindi nila yun pinansin at binalik lang ang mga mata sa movie na pinapanuod. God. Sometimes, I can't help but hate them. They're too stubborn. They just believe what they want to believe kahit na di naman yun totoo.
Hays! Ewan! Bahala sila sa iniisip nila. Wala akong pakialam!