FINAL CHAPTER

4853 Words
“Ano’ng nararamdaman mo ngayon?” tanong sa akin ni Lexi. Dumating siya kaninang umaga dahil tinawagan siya kahapon ni Nay Sol. Ang check-up pala ay magpapatingin daw sa doktor. Tapos siya na raw ang magpapaliwanag sa akin ng lahat. “Nagsuka na naman ako kaninang paggising ko. Tapos nahihilo pa rin ako hanggang ngayon. Gusto ko pa nga sanang matulog kaya lang pinilit mo naman akong pumunta rito,” nagrereklamong sagot ko. Bahagya naman siyang tumawa sa sagot ko. “Hindi ka ba excited?” kumunot ang noo ko sa tanong niya. “Ibig kong sabihin, iyon bang natutuwa kasi baka magkaka-baby na kayo ni kuya!” napatakip pa siya ng kamay sa bibig dahil medyo napalakas ang boses niya. “Magkaka-baby? Ano iyon?” mataman kong tanong sa kaniya. Masaya namang lumapad ang ngiti niya. “Iyong ganito. Paano ba dumarami iyong mga hayop sa gubat? Halimbawa iyong manok, gano’n?” tanong niya. Nakapirme lang iyong ngiti sa mga labi niya. Mula pa kaninang umaga ay sobrang saya na ang dating ni Lexi. “Nangingitlog. Tapos kapag napisa na iyong itlog niya, lalabas doon iyong maliliit na manok. Iyong inakay daw ang tawag sabi dati ni lola. Meron din kasi kaming mga alagang manok, pabo, pato saka gansa dati,” tugon ko. Lalong nagningning ang mga mata niya. “Gano’n na nga!” bulalas niya kaya napaawang ang mga labi ko. “Ha? Ibig sabihin mangingitlog din ako? Tapos uupuan ko iyong mga itlog araw-araw para malimliman hanggang mapisa?” hindi makapaniwalang tanong ko. Bigla kong nakini-kinita ang hitsura ko at parang ang sagwa naman. Alangan maghubad pa ako at limliman iyong mga magiging itlog ko? Ang pangit naman pala magka-baby. Parang ayaw ko. Pero mas nagulat ako nang halos mamilipit sa katatawa itong si Lexi nang marinig ang sagot ko kanina. Talagang namumula na siya sa katatawa at tinakpan pa ang mukha. Pinanood ko siyang halos hindi na makahinga pero tawa pa rin nang tawa. Naku, lagot! Baka nasisiraan na nga ng bait itong si Lexi. Baka kaya siguro siya ngiti nang ngiti mula pa kaninang dumating sa bahay kasi magulo na ang utak niya? Bigla tuloy akong naawa sa kaniya at hinaplos ang braso niya. “Lexi, ayos ka lang ba? Gusto mo humingi na tayo ng tulong?” ilang segundo pa siyang tumawa nang tumawa bago tuluyang huminto. Pero aliw na aliw pa rin ang histura niya. “Sorry, Iza. Hindi ko lang ma-imagine ang sinabi mo kanina. Hindi ka mangingitlog, manganganak ka ng isang maliit na baby o tao tapos aalagaan mo iyon hanggang sa lumaki,” hiningal pa siyang magpaliwanag marahil ay dahil sa pagtawa niya kanina. “Ah, iyon naman pala! Sana sinabi mo na agad kanina para hindi na ako nalito! Parang sa baboy pala. Manganganak ng maliit na baboy tapos pakakainin araw-araw hanggang sa lumaki,” napapailing na sagot ko. Magulo rin kasi kausap itong si Lexi minsan. Hindi kasi nililinaw. Manok ba naman ang binigay na huwaran, puwede namang aso, baboy o baka. “Oo, parang gano’n na nga. Sorry, Iza,” hinging paumanhin niya. Tumango na lang ako kasi parang lalo akong nahilo sa kaniya. “Miss, wala pa ba si Dok? May lakad pa po kasi ako mamaya,” kapagdaka ay tanong ni Lexi doon sa babaeng nakasuot ng puti. Nars daw ang tawag sa kaniya. “Nandiyan na po, Ma’am. May tinatapos lang po saglit,” magalang na tugon naman no’ng babae. Bigla kong natakpan ang bibig ko. Parang nasusuka na naman ako. Kumikiwal ang sikmura ko, pagkatapos ay parang dumarami na naman ang laway sa bibig ko. “Ayos ka lang ba?” nag-aalalang tanong ni Lexi nang mapansin ang biglang pagyuko ko habang nakatakip sa bibig ko. “N-nasusuka na naman ako,” bulong ko. Nanlaki naman ang mga mata niya at agad bumaling sa nars. “Miss, saan ang CR ni’yo? Nasusuka itong kasama ko,” mabilisan niyang tanong. “Ah, dumiretso lang po kayo roon. Nasa dulo po,” nakangiting tugon naman ng Nars. Nagpasalamat si Lexi pagkatapos ay tinungo na namin ang direksyong itinuro ng nars. Puro laway lang naman ang inilabas ko. Kahit parang babaliktad na ang sikmura ko ay wala naman akong isinuka. Pinainom ako ni Lexi ng tubig. Nang medyo kumalma ang pakiramdam ko ay bumalik na kami sa upuan namin kanina. Pero sa ngayon ay may dalawa nang babae ang nakaupo sa mga susunod na upuan at parehong malalaki ang mga tiyan. May mga katabi silang lalaki na umaalalay sa kanila. “Hello po, bakit po ang lalaki ng tiyan ni’yo? Parang may bola po sa loob, oh” tanong ko. Parehong rumehistro naman ang gulat sa mukha ng mga ito. Ako naman ay nag-aabang ng sagot nila. “Iza!” tawag sa akin ni Lexi. “Pasensiya na po kayo, nagbibiro lang po siya,” dagdag pa niya. Napatango naman ang mga ito at nagkatinginan pa. “Naku, Lexi hindi ako nagbibiro. Bakit ang lalaki ng tiyan nila?” tanggi ko naman agad. Naging alanganin ang hitsura ni Lexi at tila ba nahihiyang tumingin doon sa mga kausap ko. “Miraliza!” hindi na nakapagsalita si Lexi dahil tinawag na ng nars ang pangalan ko. “Pasok na po kayo,” magalang nitong sabi sa amin. Agad naman akong hinila ni Lexi at muli pang humingi ng pasensiya sa mga kausap ko kanina. Bakit kaya siya nagso-sorry, eh, wala naman kaming ginawang masama? Pagpasok namin ay isang matangkad at guwapong lalaki ang nakita naming umupo roon sa may gumagalaw na upuan. May suot itong puti ngunit may iba pa siyang damit sa loob na kulay itim. “Kayo po si Doc Jodie Azaria De Guia?” gulat na gulat na tanong ni Lexi. “Yes. May problema ba?” nakangising sagot naman ng doktor. Hindi ko alam pero parang biglang nagiging kakaiba ang ningning sa mga mata ni Lexi. “Akala ko po babae kayo, Dok,” saad niya sa kakaibang tono. Parang nang-aakit ba o naglalambing? Hindi ako sigurado. “So, who is Miraliza?” bigla ay naging seryoso ang tanong ng doktor. Napatingin ako kay Lexi kasi binanggit no’ng doktor iyong pangalan ko pero hindi ko naman alam kung ano iyong tinatanong niya. “Siya po, Dok. Upo ka na doon, Iza,” udyok naman sa akin ni Lexi. Pero nakatingin lang siya doon sa guwapong doktor at hindi nawawala ang ngiti sa mga labi. Nalilito tuloy ako kung bakit mukha siyang excited. Excited daw ang tawag kapag tila may gusto ka at iyon ang nagpapasaya sa iyo. Masaya siya dito sa doktor? “So, Miraliza? According to your initial infor–” “Pasensiya na, Dok, ha?” biglang singit naman ni Lexi kaya napahinto sa pagsasalita iyong doktor. “Tagalugin ni’yo lang po. Hindi nakakaintindi ng English itong si Iza,” pagbibigay-alam niya. Bahagyang nabigla si dok pero sa huli ay tumango rin. May mga itinanong siya sa akin, pagkatapos ay kinuhanan ako ng dugo. Pinaihi pa nga ako tapos nilagay doon sa maliit na lalagyan. Nakakahiya! Ano kayang gagawin niya sa ihi ko? Hiyang-hiya akong lumabas kanina pero sabi ni Lexi, gano’n daw talaga. “Well, according to the pregnancy test through her urine, she’s positive. Kung mahihintay ni’yo sana iyong sa blood test niya, that could be more accurate. Sabi naman niya ay two weeks ago iyong last menstruation niya kaya medyo maaga pa para ma-determine through these pregnancy test kits,” paliwanag naman ng doktor. Tumitingin siya sa akin pero mas madalas niyang kausap si Lexi. Napapansin ko rin ang tila kakaibang tinginan nilang dalawa. Iyong tingin ni Dok kay Lexi kapag hindi ito nakatingin sa kaniya ay parang kapag tinitingnan ako ni Lexor. Pero kapag nakatingin naman na sa kaniya si Lexi ay nagiging seryoso ulit iyong mukha niya. “Dok, puwede ni’yo naman po akong tawagan para sa resulta. Nagmamadali lang po talaga ako ngayon,” malambing namang saad ni Lexi pagkatapos ay iniabot ang cellphone niya sa doktor. Pinanood kong tanggapin iyon ni Dok at nagtipa roon. “Here. I saved my number,” sabi niya kay Lexi. “I’ll text you, Dok, so you can save my number,” tumaas ang mga kilay ko nang tila pumikit iyong isang mata ni Lexi habang nakangiting nakatingin sa doktor. Ano kayang pinag-uusapan nila? Kanina pa ako walang maintindihan dito. Pero nanahimik na lang ako dahil baka ipaliliwanag rin naman sa akin ni Lexi mamaya. “By the way, congratulations, Miraliza! Sana nga positive din ang resulta ng blood test mo!” tumayo na si dok nang sabihin sa akin iyon. Inilahad niya iyong kamay niya sa akin. Pero agad kong itinago sa likuran ang mga kamay ko at umiling. “Pasensiya na po kayo, Dok. Kabilin-bilinan po kasi ng boyfriend ko bawal ako mahawakan ng kahit sinong lalaki. Salamat na lang din po sa inyo,” magalang kong tanggi. Bahagyang umawang ang mga labi niya at tumingin kay Lexi. Sabay pa silang nagtawanan at inilipat na lang niya ang kamay sa harap ni Lexi. Tinaggap naman iyong ni Lexi at medyo tumagal pa nga ang pagkakahawak-kamay nila. Nagpaalam na kami pero itong si Lexi parang ayaw pa yatang umalis kaya hinila ko na siya. Sabi nagmamadali, tapos ang bagal namang lumakad. Paglabas namin ay puno na ang lahat ng mga upuang naroroon. Marami nang mga taong magpapatingin sa doktor. “Lexi, bakit ngiti ka nang ngiti doon sa doktor? Saka ano ba iyong mga sinabi niya kanina? Ano iyong congrati, conjari, congri… ano na iyong huling sinabi niya?” nalilitong tanong ko. Mahina namang tumawa si Lexi. “Congratulations iyon! Binabati ka niya kasi nga baka may baby na talaga diyan sa loob ng tiyan mo. Baka mamaya o bukas meron na iyong resulta ng blood test. Huwag mo munang sasabihin kay kuya, ha? Surprise natin iyon sa kaniya,” humahagikgik niyang bilin. “Bakit hindi puwede sabihin sa kaniya? Sabi niya dapat walang sekreto sa pagitan naming dalawa,” kontra ko naman agad kay Lexi. Bahagyang umikot ang mata niya. “Surprise nga, eh! ‘Di ba, ipinaliwanag ko na sa iyo kung ano’ng ibig sabihin ng surprise?” tumango naman ako. Surprise iyong may magandang bagay kang nakalaan para sa isang tao na ikasasaya niya. “Ibig sabihin, magiging masaya si Lexor kapag nalaman niyang may baby dito sa tiyan ko?” mangha kong tanong. Sunod-sunod ang tango niya. “Siyempre naman! Ako nga rin excited! Magkakaroon na ako ng pamangkin. Sana kamukha mo para siguradong maganda!” maluwang ang ngiting sambit niya. “Gano’n pala iyon. Sige, hindi ko muna sasabihin kay Lexor,” sang-ayon ko na lang sa kaniya. “Halika na, ihahatid na kita pauwi at lovelife ko naman ang aasikasuhin ko. Ang pogi ni Dok Jodie, ano?” ngiting-ngiting tanong niya. Mariin pa niyang napagdikit ang mga labi niya sa sobrang tuwa. “Oo. Pero para sa akin, mas guwapo pa rin iyong kuya mo,” sagot ko. “Tse! Ito naman! Mas guwapo si Dok Jodie!” pilit niya. Pero agad akong umiling. “Hindi. Mas guwapo si Lexor saka mas malapad ang katawan,” giit ko. “Ah, basta! Hindi matatapos ang araw na ito na hindi ko matitikman iyang si Dok! Mukhang ito na ang araw ng pagbagsak ng bataan ko!” banggit pa niya na nagpakunot ng noo ko. Pero nang tanungin ko siya tungkol sa sinabi niya ay wala lang daw iyon. Hindi ko rin naman daw maiintindihan kahit ipaliwanag niya. Nang sumunod na araw ay sinabi sa akin ni Lexi na positive daw talagang may baby sa loob ng tiyan ko. Ngayon din ang araw ng pagdating ni Lexor kaya excited na ako. Mamayang hapon ang dating niya at namili si Nay Sol at magluluto raw siya para mag-celebrate. Ang ibig sabihin pala ng mag-celebrate ay iyong magsasaya na may mga handa o pagkain. Araw-araw talaga ay marami akong natutuhan. Nagagamay ko na rin ang makisalamuha at mabuhay sa mundong ito. Habang pumipili ako ng isusuot ay nahagip ng mga mata ko iyong bag na naiwan ni lola sa akin. Huminto ako sa ginagawa at kinuha iyon. Lumabas ako ng walk-in closet at naupo sa gilid ng kama. Isa-isa kong inilabas ang mga laman ng bag. Naroroon iyong mga panahi ni lola, iyong panlamig niyang damit at iba pa. Naagaw ang pansin ko sa isa pang maliit na tila envelope. Alam ko na ngayon ang envelope dahil marami na ako niyan ngayon dahil iyon ang pinaglalagyan ng mga ginagamit ng tutor ko. May lamang mga papel sa loob. Hindi ko alam kung ano ang mga iyon pero may isang papel ang nakatupi ng maayos. Binuksan ko iyon at nanlaki ang aking mga mata sa nilalaman. Marunong na akong magbasa kaya napalunok ako nang makitang para sa akin ang Liham. Sa aking pinakamamahal na Miraliza, Bago ang lahat ay nais kong malaman mong ikaw ang pinakamagandang bagay na nangyari sa buhay ko. Gusto ko ring humingi ng tawad dahil itinago kita sa lahat. Siguro ay hindi mo na malalaman ang nilalaman ng sulat na ito dahil ni hindi kita tinuruang magbasa, magsulat at magbilang. Ngunit isang bagay ang sigurado ako, ibinigay ko ang lahat-lahat ng pagmamahal na kaya kong ipagkaloob. Iza, matanda na ako, at ramdam kong papahina na rin nang papahina ang katawan ko. Natatakot akong maiwanan kitang mag-isa at mapahamak dahil wala kang kamuwang-muwang. Ngunit lumaki kang kayang-kayang mabuhay sa kagubatan. At sana ay dito ka na lang din hanggang sa pagtanda mo. Malupit ang mundo at ayaw kong maranasan mo iyon kaya mas pinili kong manirahan tayo sa pinakatagong bahagi na ito. Hindi pa ito nadidiskubre ng ibang tao dahil kami lang dalawa ni papa ang nakakaalam nito. Bahagi kasi ito ng pribado niyang ari-arian. Iza, dito ko na isinulat ang lahat dahil alam kong hindi mo rin naman malalaman. Ngunit kung dumating ang panahong maabot ng kaalaman mo ang liham na ito, sana ay mapatawad mo ako. Sa totoo lang, hindi mo ako lola, Miraliza. Ako ang tunay mong ina. Isa akong matandang dalaga na ginahasa ng tatlong lalaking nanloob sa bahay namin noon at ninakawan kami. Ang pinakamasakit ay pinatay pa nila si papa at inangkin ang lahat ng mayroon kami. Ikinulong nila ako sa sarili naming bahay at ginawang parausan. Ngunit nang magkaroon ng pagkakataon ay tumakas ako at nagtago sa kagubatang ito. Hanggang sa malaman kong nabuntis nila ako. Gustong-gusto ko nang magpakamatay noon pero takot ako sa Diyos. Nilunok ko ang lahat ng pait at pighati. Mas pinili kong buhayin ka. Nanganak akong mag-isa rito sa gubat ngunit naihanda ko ang lahat bago ako manganak kaya kahit papaano ay nabuhay naman tayo ng maayos at mapayapa. Nang masilayan ko kung gaano ka kaganda, labis-labis na napuno ng pangamba ang puso ko na sapitin mo rin ang kalupitang sinapit ko, kaya napagpasiyahan kong dito na lamang tayo manirahan habang-buhay. Hindi ko sinabi sa iyo na ako ang tunay mong ina sapagkat natatakot akong magtanong ka pa ng marami sa iyong pagtanda. Wala akong balak sabihin sa iyo ang tungkol sa bangungot na naranasan ko. Ngunit gayunpaman ay mananatiling ikaw ang naging dahilan para ipagpatuloy ko ang mabuhay. Napakabuti ng iyong puso at sana ay walang manakit nito na gaya sa akin. Mahal na mahal kita, Miraliza. Sa gitna ng aking bangungot ay ikaw ang aking ligaya at kapayapaan. Nagmamahal, Carmeliza Malakas at mabilis ang t***k ng puso ko habang walang patid ang pagtulo ng mga luha ko pagkatapos mabasa ang liham ni lola. Hindi. Hindi ko pala siya lola kung hindi… ina ko. Tunay kong ina! Parang tinatarakan ng punyal nang paulit-ulit ang puso ko sa pagkakataong ito. Lumakas ang mga pag-iyak ko at nanginginig ang mga kamay kong may hawak ng liham. Labis-labis na sakit ang nararamdaman ko ngayon at hindi na ako halos makahinga sa tindi nang paninikip ng dibdib ko. Sa ganitong ayos ako naabutan ni Lexor. Nabitiwan nito ang lahat ng bitbit at agad tumakbo sa tabi ko para yakapin ako. “Love, ano’ng nangyari sa iyo? Bakit ganiyan ang hitsura mo? Bakit ka umiiyak?” sunod-sunod ang nag-aalala niyang tanong. Yumakap ako sa kaniya at lalo pang umiyak nang umiyak. Hindi ko alam kung paano maiibsan ang sakit na nararamdaman ko sa puso ko. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman sa nalaman ko. “Sana ay hindi ko na lang nalaman…” humahagulgol kong saad. Mas bumalong pa ang mga luha ko at nababasa na ang suot ni Lexor. “Nalaman ang ano? Please, baby, sabihin mo sa akin kung bakit ka nagkakaganito. Alam mo namang ayaw kong nakikita kang ganito. Sobra akong nasasaktan kapag umiiyak ka at nahihirapan,” pagsusumamo niya. Hindi ako sumagot at iniabot sa kaniya ang liham. Gulat pa siyang napatitig roon bago tinanggap. Habang tahimik niyang binabasa iyon ay nakayakap lang ang isang kamay niya sa akin. Ako naman ay patuloy lang sa pag-iyak. Matagal din bago ako kumalma at tumahan. Mugtong-mugto na ang mga mata ko at masakit na rin ang lalamunan ko. Nakainom na rin ako ng tubig pero tulala pa ring nakatanaw sa kawalan. “Okay ka na ba? Hindi ko alam kung ano ang sasabihin para mapagaan ang loob mo. Pero gusto kong malaman mong nandito lang ako palagi sa tabi mo. Hindi kita iiwan at mas lalong hindi kita pababayaan. Iyong hindi na magagawa sa iyo ng lola – mommy mo, ako na ang gagawa at mas higit pa,” banayad niyang saad. Napakagat ako sa pang-ibabang labi at napayuko. Muling sumirit ang hapdi sa puso ko at dumaloy na naman ang mga luha ko. “Ang sakit. Lalo ko lang siyang na-miss. Naaawa ako sa kaniya dahil kinailangan niyang danasin ang lahat ng iyon. Hindi ko pa rin maisip kung paano niya kinaya iyon. Hindi kaya siya nasasaktan sa tuwing nakikita niya ako? Ako ang bunga ng kalapastanganang ginawa sa kaniya,” napahikbi na naman ako. Mabilis naman akong ikinulong ulit ni Lexor sa mga bisig niya. Matagal pa kami sa ganoong posisyon bago napagkasunduang lumabas na. Nakadalawang, balik na kasi si Karen at tinatawag kami para kumain. Pero laman pa rin ng isip ko ang sinabi ni Lexor. Wala raw akong kasalanan doon kaya hindi ko dapat sisihin ang sarili ko. Naroroon na rin sina Lexi at ang mommy nila. Ayos na kami ng mommy ni Lexor. Humingi na rin siya ng tawad sa akin at napatunayan niyang ako ang nagsasabi ng totoo. Kaya pinutol na raw niya ang anumang ugnayan kay Tito Leonard at maghihiwalay na raw talaga sila. Annulment yata iyong tawag doon sa paghihiwalay nila. Pagdating namin sa hapag ay napasinghap ako nang makita si Dok Jodie. Nagtataka akong tumingin kay Lexi pero kumindat lang siya sa akin. Kindat pala ang tawag doon sa pagpikit ng isang mata. Ang hirap gawin noong ginaya ko kasi pati iyong kabilang mata ko pumipikit din. “Who is this guy?” medyo mataas ang boses ni Lexor nang magtanong kaya napalunok naman si Lexi. “Kuya, tone down your voice,” pinandilatan ni Lexi ang kuya niya at tila inis na sinisita. Tumaas naman ang kilay ni Lexor at si Dok Jodie ay parang kinakabahan. Medyo halata kasing naging alanganin at asiwa ang mga kilos niya. Ngumiti lang sa akin si Tita Mary Rose na sinuklian ko rin naman. “Hija, bakit namumugto ang mga mata mo? Umiyak ka ba?” pansin ni Tita Mary Rose. Nagkatinginan kami ni Lexor at maging si Lexi at Nay Sol ay biglang nag-alala. “Let’s talk about it later, mom. Just tell me who is this guy beside my sister?” seryosong tugon at tanong naman ni Lexor. Tumayo naman si Dok Jodie. Nakakainis. English nang English itong si Lexor, wala tuloy akong maintindihan sa mga pinagsasasabi niya. “Hi, I am Jodie Azaria De Guia, Lexi’s friend,” tumayo si Dok Jodie at maginoong nagpakilala kay Lexor. Inilahad pa niya ang kamay kay Lexor pero tinitigan lang niya ito. “Kinakausap ka ni Dok!” siniko ko si Lexor at inginuso iyong nakalahad na kamay ng doktor ko. Parang napipilitan pa niyang tinanggap iyon at tumango lang. Naupo na ulit sila ni Lexi at gayun din kami ni Lexor. “Doktor ka? Saka paano ka nakilala ni Miraliza?” masungit pa niyang tanong kay Dok Jodie. Parang naiinis naman si Lexi sa kasungitang ipinakikita ng kuya niya kaya palihim niya itong tinatapunan ng masamang tingin. “Yes. I am an Obstetrician-Gynecologist. Ako ang doktor ni Miraliza kaya kami magkakilala,” nilingon pa niya ako at nginitian. Tumango at ngumiti naman ako sa kaniya. Hindi nakasagot si Lexor at bumaling sa akin. Bumaha ang pagtataka sa mukha niya. “Why would she need a doctor? Is she…” nagtatanong siya pero sa akin nakatingin. Hindi ko rin alam kung ano iyong tinatanong niya. “Yes, kuya! Iyan ang surprise niya sa iyo kaya mayroon tayong maliit na salo-salo rito ngayon!” anunsyo ni Lexi. Nabaling ang atensiyon ng lahat sa kaniya pero si Lexor lang ang tanging nagulat. “Ano’ng ibig mong sabihin?” tila may kabang tanong ni Lexor. “Iza, ikaw na magsabi kay kuya, dali!” udyok naman sa akin ni Lexi kaya tinanguan ko siya. “Lexor, sabi ni Dok Jodie, may baby na raw sa loob ng tiyan ko,” pagtatapat ko kay Lexor. Unti-unting lumaki ang mga mata niya at bumaba ang tingin sa tiyan ko. Awang din ang mga labi niya nang lingunin sina Lexi at muling bumaling sa akin. Malapad naman ang ngiti ko kasi sabi ni Lexi, isa raw itong magandang balita na tiyak magpapasaya sa kuya niya. “Magkaka-baby na tayo?” sa wakas ay nagawa niyang isatinig. Tumango ako nang sunod-sunod. Nagulantang ako nang biglang tumayo si Lexor at sumigaw ng ‘yes’. Pagkatapos ay pinaghahalikan ako sa mga labi ko. Pinupog din niya ng halik ang mukha ko saka ako niyakap ng mahigpit. Hindi pa siya nakuntento at isinayaw-sayaw pa ako sa ere. Napapabungisngis naman sina Lexi at Nay Sol. Ang mommy nila ay nakangiti lang at masayang nakatunghay sa amin. “Ikaw talaga ang pinakamagandang regalong ibinigay ng Diyos sa akin. Thank you, Miraliza! Thank you sa napakagandang balita!” pahayag niya at muli akong pinaghahalikan. “Teka, akala ko ba sekreto lang kapag hahalikan mo ako. Bakit mo ako hinahalikan ngayon, eh, nakikita pa nilang lahat,” nagtatakang tanong ko. Tumawa silang lahat at napapailing pa ang mommy nila. “Kasi hindi na natin kailangan pang isekreto iyon,” malapad ang ngiting sabi niya sa akin. Iyong madalas pala naming gawin ay s*x daw ang tawag. Pagtatalik sa tagalog. Pero ginagawa lang daw iyon kapag parehong gusto ng dalawang tao. “Pati iyong pages-s*x natin hindi na rin sikreto–” mabilis niyang tinakpan ang bibig ko. “Puwera iyon!” mabilis niyang pabulong na pigil sa akin. Humagalpak naman ng tawa si Lexi kaya tinaliman siya ng tingin ni Lexor. Agad naman siyang tumigil pero nakangiti pa rin. Maging si Dok Jodie ay nakayuko pero halata ring nagpipigil ng ngiti. Naging napakamakabuluhan at masaya ng hapunang iyon. Hindi maubos-ubos ang kuwentuhan at tawanan. Hindi na rin, sinusungitan ni Lexor si Dok Jodie pero magpapalit daw ako ng doktor. Ayaw daw niyang lalaki ang doktor ko. Ano naman kayang masama roon? Saka ang bait-bait ni Dok Jodie kaya siya na lang sana. Pero maarte nga itong si Lexor. Basta pinanindigan niyang magpapalit daw ako ng doktor at dapat daw ay babae. Kapag sumasapit ang gabi ay umiiyak pa rin ako sa tuwing maalala ang nalaman ko tungkol sa pagkatao ko. Pero palagi rin namang sinasabi ni Lexor na huwag ko nang isipin iyon dahil tapos na iyon. Dapat daw ay mas matuon ang pansin ko sa kasalukuyan lalo na at nagdadalang-tao na ako. “Makakasama sa baby kapag malungkot ka. Kasi narinig mo naman ang sabi ng doktor mo, ‘di ba? Kung ano’ng mararamdaman mo, dama rin ni baby. Kaya dapat maingat ka. Gusto mo bang malungkot din ang baby natin?” malumanay niyang paliwanag at tanong. Umiling naman ako. Ayaw kong malungkot ang baby ko. Halos araw-araw din ay nanonood ako ng mga video sa internet kung ano’ng hitsura ng baby at kung paano alagaan ang baby habang nasa loob ng tiyan. Maliban sa mga bilin ng doktor ay marami akong napapanood na mga pagkukuhanan ng kaalaman. Lagi ring nakaalalay si Nay Sol at ang mommy ni Lexor para turuan ako. Natutuwa nga ako dahil kahit papaano, hindi ako nangangapa sa dilim dahil maraming tumutulong sa akin. Dalawang buwan pagkatapos naming malamang buntis ako ay mas naging maalaga sa akin si Lexor. Doble-doble ang lambing niya at maya’t maya ay sinasabi niyang mahal niya ako. Nagulat lang ako dahil paggising ko ngayong umaga ay napuno nang mabangong halimuyak ang kuwarto. Nang bumangon ako, kita kong marami palang talulot ng mga bulaklak sa kama at maging sa sahig. Para iyong may sinusundang linya kaya lumakad naman ako para tingnan. Hanggang sa makalabas ako ng silid at pababa sa hagdan ay maraming mga talulot ng iba’t ibang bulaklak. Napasinghap ako nang paghakbang ko sa huling baitang ng hagdan ay biglang lumabas si Lexor na may dalang mga bulaklak na napakaganda ng pagkakaayos. “Good morning, baby!” sabi niya at iniabot sa akin ang bulaklak. Namangha talaga ako dahil sobrang ganda ng mga iyon na nababalutan ng makintab na papel o parang tela. “Para saan ito? Saka bakit ang daming nakakalat na talulot ng mga bulaklak? Pinababango mo ba ang bahay?” tanong ko nang tanggapin ang ibinigay niya sa akin. “Miraliza, puwede bang bigyan mo ako ng legal na karapatang ariin ka habang buhay?” malambing at masuyo niyang tanong. Kumunot naman ang noo ko. “Paano iyon? Sa iyo lang naman talaga ako. Sinabi ko na iyon dati, ‘di ba?” balik-tanong ko naman. Medyo natawa siya. “Yup. Pero may mas legal na paraan. Pakasalan mo ako, please. Mahal na mahal kita at wala akong ibang nais makasama habang-buhay kung hindi ikaw,” madamdamin niyang pagsusumamo. Hindi agad ako nakaimik. Narinig ko nang sinabi ni Lexi ito dati. Isang araw ay yayain daw ako ng kuya niyang magpakasal. Magiging mag-asawa raw kami at bubuo ng sariling pamilya. At kung gusto ko rin daw siyang makasama habambuhay, dapat ay pumayag ako. Siyempre gusto ko rin siya makasama kaya papayag ako. “Oo naman, Lexor! Magpapakasal ako sa iyo,” tugon ko. Bahagya pa siyang nagulat pero sa huli ay mabilis na inilabas ang isang maliit na kahon. Binuksan niya iyon sa harap ko at mula roon ay kinuha ang isang nagniningning na bagay. Hinakawakan niya ang kamay ko at itinaas. Isinuot niya sa isang daliri ko ang bagay na iyon saka ako marubdob na hinalikan. Nakakahiya! Hindi pa ako nagmumumog, eh! Pero dahil masarap iyong halik niya ay kusa na lang akong tumugon. Kasunod niyon ay binuhat niya ako at ipinulupot ang mga hita ko sa balakang niya. Dahil sa mainit niyang halik ay nabitiwan ko iyong bulaklak na ibinigay niya sa akin. Natagpuan ko na lang ang sariling hubo’t hubad sa ibabaw ng kama at malakas at mabilis na binabayo ni Lexor. Wala na rin siyang saplot at panay ang halinghing ko. Bawat pagsagad niya kasi sa loob ko ay tila gigil na gigil. Ang bilis kaya talagang nauuga ng husto iyong kama. Para namang titirik na ang mga mata ko dahil sa papalapit na pagsabog ko. “Lexor!” sigaw ko sa pangalan niya at dumiin pa ang mga pag-ulos niya kaya lumasap ako ng kasukdulan. Bumaba siya at patuloy akong hinalikan nang mapusok habang wala pa ring tigil sa paggalaw sa ibabaw ko. Para ba siyang nanabik ng husto at binabaliw ako sa mga bayo niya. Masarap iyon at talagang nagpapasigaw sa akin. Lalo pa akong halos mangisay na sa sensasyon nang isubo niya ang u***g ko at naging mas marahas pa ang mga pagbayo niya. Madiin at walang iniiwang pagitan sa mga katawan namin. Ilang ulos pa ay makapugtong-hininga na naming naabot ang aming nakaliliyong kasukdulan. “I Love you, Miraliza! Ngayon at kailanman!” sambit niya habang bumabayo pa rin. “Mahal din kita, Lexor. Mahal na mahal,” tugon ko naman. Nagniig kami hanggang sa muli akong makatulog. May ngiti kong ipinikit ang mga mata at ninanamnam ang ligayang hatid ng buhay na kasama si Lexor. Ito na ang simula ng buhay naming magkasama tungo sa inaasam naming kaligayahan . FINISH ******* Hello guys, Thank you very much po for supporting this story. Kapag gusto niyo pa po ng mga COMPLETED stories add ni'yo lang po ang Billionaire Series: 1. A BILLIONAIRE'S DARK OBSESSION (Completed) 2. IN BETWEEN HELLS (Completed) 3. CHASING MR. CONGRESSMAN (Completed Book 1 & 2) 4. TAMING BOSS STAN (Completed) OTHER STORIES: 1. DESIRED BY THE BILLIONAIRE HEIR (FREE AND COMPLETED) 2. HER RUTHLESS ALPHA (COMPLETED) 3. THE INNOCENT DESIRE (COMPLETED) 4. MY GRUMPY BOSS (COMPLETED) 5. THE DOMINANT WIFE (DAILY UPDATE ON APRIL) 6. SANA'Y MAGBALIK KA 7. LETHAL LOVE Pa-Follow na rin po ako. MISS THINZ po ang pen name ko. Salamat po sa support!!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD