Muntik pa akong matapilok sa pagmamadaling makapagtago nang makita ko si Adam at Enzo kasama ang ilan pa nilang mga kaibigan. Ano ba kasing ginagawa ng mga 'to sa harap ng gate. Hindi naman tambayan 'yan!
Pero bakit naman din ako nagtatago? Wala naman akong kasalanan sa kanila. Umayos ako ng tayo at taas noong naglakad at kunwari ay di ko sila napansin kahit ang lalaki nilang harang sa harap.
Naiirita ako sa mga ngiti ng mga kinikilig na babae na kulang nalang maglupasay pag binabati ni Adam. Ano ba kasing mayroon sa loob ng boxers nito at ganoon nalang mag react ang mga babae dito.
"Jaq,"
Mariing napapikit ako at pinagdiin ang mga ngipin ko. Talaga naman! Iba talaga ang ganda mo, Jaq. Ikaw na walang pake, ikaw ang napansin.
"Hi, Adam," bati ko at akmang tatalikod pero nakita ko nalang s'yang naglalakad sa tabi ko papasok ng campus. Linta ka boy?
"Are you busy later? We're going out, hang out lang after class. Are you free?" hopeful na pagkakatanong n'ya. Gusto kong umirap pero dahil nakatingin s'ya sa 'kin ay di ko ginawa.
"Hindi ako pumupunta sa bar eh, sorry."
Bigla naman s'yang natuwa kaya napa facepalm ako lalo. Kingina, lahat nalang ata ng inakala kong makakapag pa turn off dito ay naging kabaligtaran ang kinalabasan.
"Really? You're really are amusing. I want to know you more Jaq."
Napakamot ako sa batok at ngumiti ng tipid. Magsasalita pa sana ako ng tumunog ang cellphone ko at nanlaki ang mga mata nang makita ko kung sino ang tumatawag.
"Sorry Adam, tumatawag ang boyfriend ko," diretso kong sabi at biglang nawala ang ngiti n'ya. Medyo naawa naman ako at biglang kinilabutan sa sinabi ko. "Excuse me, sasagotin ko lang."
Hindi s'ya nagsalita at yumuko. Sinundan ko ang galaw n'ya at nakita ko ang pag sipa n'ya sa maliit na bato bago binalik sa 'kin ang tingin n'ya. Ngumiti ito ng pilit at tumango.
Iniwan ko s'ya sa kinatatayuan at hinarap ang cellphone ko. Di parin naputol ang tawag kaya in-accept ko na.
("Hi") bati ng kabilang linya.
"Hi, napatawag ka?"
Narinig ko ang mahinang tawa n'ya. ("Why? Are you busy?')
"Ha? Hindi naman. Ikaw? Di ka ba busy?"
("Not today, I'll see you later?")
Napangiti ako. "Sige, hanggang 12 lang ang klase ko ngayon. Lalabas na din ako kaagad after class pero wala bang hahabol sa atin ngayon?" biro ko. Biglang natahimik ang kabilang linya kaya tiningnan ko kung na end ba ang tawag pero hindi naman. "Major?"
("Tama ka, baka may nagmamasid nga ulit sa 'kin,") mahinang sabi nito, medyo na guilty ako sa sinabi ko pero joke lang sana 'yon eh!
"Ano ka ba! Okay lang naman, hindi naman ako scardy cat. Tsaka, di mo naman ako hahayaang mapahamak di ba?" convince ko sa kanya. Napapangiti pa ako.
("Pero ayaw ko rin na mapahamak ka dahil sa'kin.")
Mahina akong tumawa pero alam kong rinig n'ya 'yon. "See you later, major."
At dahil naboboring ako nag log-in ako sa f*******: ko na ilang taon nang walang bagong post. Napangiwi pa ako ng makitang 4 years ako pa ang last post ko not totally post kasi shared qoute lang 'yon. Ang sabi 'you don't do it, if you don't like it'.
Indeed! Kasi hindi mo naman talaga gagawin ang mga bagay na hindi mo gusto, kung ginawa mo ibig sabihin, gusto mo. Nag-eenjoy ka.
Facebook ko nga pero wala naman akong pinopost na mukha ko dito. Si Kara lang din ang friend ko at s'ya ang nag po'post ng pictures namin together pero hindi ko ina-accept ang request to tag n'ya.
Laglag ang panga ko ng dumaan sa news feed ko ang post ni Kara nang bagong kulay na buhok n'ya. Kelan pa 'to ah. Hayop, 50 photos. Iisang mukha lang naman, iba't-ibang anggulo nga wala namang maganda.
Hindi ko na ni-like alam n'ya namang di ako nag la-like ng posts n'ya. Naalibadbaran ako sa mukha n'ya eh.
"Taray! Naka `active now` ka ngayon ah," biglang sulpot ng malanding 'to. Mabuti nalang ay malakas ang pakiramdam ko kung hindi ay nagulat ako.
Walang tunog ang lakad n'ya.
"Para kang kabute kung saan-saan sumusulpot."
"Says the witch na hindi nagugulat," aniya sabay irap. "Oh, nag log-out ka na?" ako naman ang umirap kahit di n'ya nakita dahil nakaharap s'ya sa cellphone n'ya.
"Nairita ako sa 50 photos mo. Ginawa mo na lahat ng anggulo ng mukha mo wala pa ring maganda," sabi ko na nakiki cringe.
Nanlaki ang mga mata n'yang nakatingin sa 'kin at hinampas ako sa braso. "Ang kapal ng mukha mo! Di mo ba nakitang may 1.3k likes 'yon? Ibig sabihin maraming may gusto sa posts ko na 'yon. Tsaka pati sa i********: marami din ang likes," paglalaban n'ya.
Pinipilit kong itago ang tawa ko.
"Boosted," asar ko pa.
Humaba ang nguso nito at sinamaan ako ng tingin. "Napaka walang kwenta mo talaga," tinaasan ko s'ya ng kilay at inirapan naman ako.
Parehas kaming natahimik ng pumasok ang professor namin. Nagbigay lang naman ng example ng sequence tapos dismissed na. Pag ito nag pa exam next period, expected na agad na ang layo ng exam sa example. Itong mga prof na 'to akala mo. Hay naku!
"Jaq Eldefonso," hinanap ko ang tumatawag ng pangalan ko at nahagilap ko ang nagmamadaling lalake na may bitbit na laptop.
Huminto ako sa paglalakad para maabutan n'ya ako. Hindi ko naman 'to kilala pero bakit kilala ako ng isang 'to.
"Bakit?" tanong ko agad ng makalapit s'ya sa'kin.
"Hi, my name is Geoffrey," huminga itong malalim dahil hiningal. May sakit ata sa puso 'to, ang bilis naman mapagod. "Classmate ko si Kara sa isang minor kaya lang 'di na ko kasi s'ya nakita, baka pwedeng makisuyo ng flash drive n'ya."
"Paano ka nakakasigurong kilala ko ang Karang tinutukoy mo?" paghahamon ko. Awkward naman itong ngumiti at lumabas ang dimple sa kaliwang pisngi. Cute.
"Kara Bautista," nakangiting sabi n'ya. Kilala ko nga!
"Oh"
"Ang sabi n'ya kasi na aalis s'ya kaagad after ng klase nyo kay Mr. Solomon, kaya lang di ko agad natapos ang pag transfer ng files n'ya kaya medyo na late ako ng mga 10 minutes at 'di ko na nga s'ya nakita,"pagpaliwanag n'ya. Bakit ba s'ya nagpapaliwanag 'di naman ako nagtatanong. "Tsaka s'ya din talaga ang nagsabi."
"Ng ano?"
"Na ibigay ko nalang sa'yo. Bestfriend ka daw n'ya eh."
Napangiwi ako ng sumilay ang ngiti sa labi n'ya at mahina s'yang natawa. Napaka masiyahin. Kinuha ko ang inaabot n'ya at nilagay sa bulsa ng bag ko.
Itong Kara na 'to wala man lang pasabi na may mag-aabot ng gamit n'ya sa'kin! Pabigat talaga ang isang 'yon. Joke lang.
Sinuot ko ang earphones tsaka nag play ng Spotify saka lumabas ng gate. Tiningnan ko ang watch at 12:30 pm palang. Ayaw ko muna umuwi dahil anong gagawin ko sa bahay, kaso saan din naman ako pupunta.
Bakit kasi ngayon pa ni tita kailangan si Kara! Sana pala talaga sumama nalang ako sa kanila. Bakit nga ba di ako sumama.
Suot ang hoodie jacket at nakalagay ang dalawang kamay sa magkabilaang bulsa nito. Naglalakad ako sa sidewalk at iniisip kong bakit 'di ako sumama kay Kara. Lintik na nagngangalang Geoffrey na 'yon. Nakalimutan ko tuloy ang dapat kong gagawin.
Huminto ako sa paglalakad at pinantay ang mga paa at umayos ng tayo. Ramdam ko ang isang presensya sa likuran ko. Tiningnan ko ang anino ko at nakita ko ang anino ng taong nasa likuran ko.
Nanlaki ang mga mata ko ng makilala ang bultong 'yon. Mabilis akong lumingon at tumambad sa akin ang nakangusong si Major Earl San Diego.
Napatakip ako sa bibig sa pagka mangha at bigla nalang naalala ko kung bakit 'di ako sumama kay Kara. Tiningnan ko ang oras at 12:45 pm na. OMG!
"Halaaaa," gusto kong kutusan ang sarili ko nang 'yon lang ang lumabas sa bibig ko. Mabilis kong tinanggal ang suot kong earphones at pinatay ang music sa phone.
"San punta mo?" nakataas ang kilay n'ya. Lumingon ako sa dulo ng sidewalk na binabaybay ko kanina at hindi 'yon papunta sa kung saan s'ya madalas naghihintay.
"Sorry nawala sa isip ko! Bakit di ka tumawag?" pagsisi ko pa sa kanya. Naningkit ang mga mata n'ya na para bang sinasabi 'okay ka lang?'
"I texted you."
"You did?" mabilis kong chineck ang notification at may message nga!
5 messages from Major.
Nakangiwing binalik ko ang tingin sa kanya. Nakataas na naman ang isang kilay nito sa 'kin. Nakakahiya ako pa naman ang nagsabing tapos na ang klase ko ng 12!
"Did I?" ngumuso ako. "Hindi ako tumawag kasi inisip ko na baka busy ka, kaya nag text nalang ako."
"Ano ba 'yan! Sorry talaga. Mabuti nalang nakita mo 'ko. San motor mo?" luminga-linga ako dahil wala akong nakitang motor sa palaging pwesto n'ya na malapit sa coffee shop. Kitang-kita kasi mula sa pwesto namin ang parking area ng cafe.
"Di ko dala."
"Naglakad ka?" gulat akong tumingin sa kanya.
Umiling s'ya at naglakad sumunod naman ako. Maya-maya pa ay napansin kong papunta kami sa isang Ferrari na sasakyan. Kanya ba 'yan? Syeeet ang gwapo ng car.
Nanlaki ang mga mata mo ng tumunog ito tiningnan ko ang kamay ni Earl at hawak n'ya ang susi. Kanya nga!
"Napakaganda ng sasakyan mo! Dalhin natin sa Quiapo tingnan natin kung 'di magagasgasan. Ang angas ng paint!" natawa s'ya sa sinabi ko at tinulak ako sa ulo ko para mayuko at pinasok sa loob.
Di mo kailangang ipamukha sa 'kin na kahit matangkad na ako mas matangkad ka pa rin. Bakit nga kaya napaka daya ng height ng babae. Kung sa malayo titingnan parang ka height ko lang s'ya eh, 5'9 pero pag tumabi na ako sa kanya nanliliit ako bigla.
Masama akong tumingin sa kanya pero nakangisi lang s'ya.
"Bakit di nalang ang motor mo? Agaw pansin itong sasakyan mo eh," nagsasalita ako pero inililibot ko ang mga mata ko sa loob ng kotse n'ya. Ang manly ng amoy. Refreshing!
"Kilala na ng mga humahabol sa 'kin ang motor ko, itong sasakyan ko ilang beses ko pa lang naman ginamit kaya..." nangiti s'yang lumingon sa 'kin kaya tumango ako sa sinabi n'ya.
May point naman.
"Curious lang ako, 'di ko alam kung pwede mong sagutin pero okay lang din kung hindi, curious lang naman -----"
"Just spill it out, ano ba yan?" pagputol n'ya sa paliwanag ko.
Huminga ako ng malalim bago nag buntong hininga, "kasi doon sa may office mo nakita ko sa bulletin board 'yong mga wanted. At 'yong may pinakamalaking patong na walang picture."
"Jade?"
Tumango ako dahil nabasa ko rin na Jade nga ang pangalan ng faceless wanted na 'yon.
"Oo, 100M ang reward sa makakahuli sa kanya eh pero wala s'yang mukha. Di ba kayo mahihirapan n'yan?"
"Wala pang nakakita sa mukha n'ya," seryosong sabi n'ya.
"Paano n'yo s'ya mahuhuli kung di n'yo pala alam hitsura n'ya," kunot noong tanong ko to feed my curiousity.
"Alam naman ng lahat na wanted ang Jade na 'yon. But you're right, mahihirapan nga kami. Hindi namin alam ang mukha sa likod ng maskarang itim," paliwanag n'ya pero teka may naalala ako.
"Okay lang ba na sabihin mo sa 'kin ang mga 'yan? Wala ba sa protocol n'yo na bawal sabihin sa mga taong labas sa kasong hawak n'yo?"
He let a little laugh at tumingin sa 'kin. Shakes his head a bit at 'di nawala ang ngiti sa labi. "Yes, that's right. Bawal naming sabihin ang information ng kaso sa kahit kanino."
"But why are you telling me about Jade?"
"Everyone knows about her, tsaka ang sinabi ko lang naman sa 'yo ay ang information na alam ng lahat tungkol sa kanya," cool na sabi n'ya.
Oo nga naman!
"Sabagay, 'yong mga sinabi mo possibleng alam ng marami. Pero na curious pa rin ako kung paano n'yo s'ya mahuhuli n'yan. DNA test kaya? Impossibleng wala s'yang hinawakan sa katawan ng biktima n'ya di ba?"
He chuckled na para bang may sinabi akong joke. I'm just implying some possibilities.
"She's not just a small time wanted criminal, Jaq, she's actually the most wanted with the highest amount of reward. Meaning, hindi s'ya basta-basta, pinag-aralan na rin namin ang sinabi mo pero malinis ang trabaho n'ya. She's smart and she knows what she's doing," mahabang litanya n'ya.
Okay! Ako na di malawak mag-isip. Ano ba yan!
"Nakaharap mo na ba s'ya?"
Tumango s'ya. "Yes"
"Anong nangyari?"
"Nakaligtas s'ya."
Matinik nga ata siguro ang Jade na 'yon. Hindi naman kasi mag kakaroon ng ganoon kalaking patong 'yon kung hindi.
"Paano 'kong tatargetin ka n'ya? Dahil baka alam n'yang ikaw ang may hawak ng kaso n'ya."
"Possible." parang wala lang na sagot n'ya. Aba'y paniguradong mapapalaban s'ya doon.
"Will you kill her?"
Nag shrug ito bilang sagot at hindi na ako nagtanong pa. Baka isipin n'ya masyado akong mausisa, trabaho n'ya 'yon. Ayaw ko namang panghimasukan.
Pero kung sakali mang makaharap n'ya ulit ang tinatawag na Jade, panigurado magiging mabigat ang labanan nila. Basi sa sinabi n'yang hindi basta-basta si Jade.
"If I see her again, there's a big chance na isa lang sa aming dalawa ang matitirang buhay."