Prologue

1148 Words
Sa kahabaan ng highway habang naglalakad bitbit ang leather bag n'ya ay kitang-kita ni Jaq kung paano hablutin ng isang lalake ang bag ng ali. Perfect sa pwesto n'ya ang anggulo ng eksenang 'yon. Mabilis na kumilos ang mga paa na tila may sariling buhay at walang sabing tinawid takbo ang  gitna ng highway. Dinig n'ya pa ang pag tunog ng pito ng traffic enforcer para tawagan sya ng violation. Tss. Mukha nyo, may nanakawan na di nyo napansin ako na tumawid ang bilis ng mata nyo sakin. Mga gunggong! Tila walang narinig si Jaq at patuloy lang sa pagtakbo. Sasakto sa kanya ang daang tinatahak ng snatcher na yun. Di naman nakaligtas sa kanya ang isang lalakeng tumalon sa overpass medyo distansya pa sa kanya naka suot ito ng sumbrero kaya di nya maaninag ang mukha. Mabilis ang galaw nito at kahit na malayo pa ito ay alam nyang kaya nitong habulin ang lalakeng snatcher pero dahil malapit na sya huminto sya sa pagtakbo at hinintay na mas makalapit ang mabilis na tumatakbong holdaper mabilis nyang hinarang ang paa dahilan para masubsob ito at mahuli nya. Sinubukan nitong kumawala sa pagkakahawak nya pero di nito kaya, kahit anong gawing pagpupumiglas ay hindi ito makakawala sa kanya. Mabilis ang galaw nyang inikot ang katawan ng lalake ng akma sya nitong sipain. Dudumihan mo pa ang damit ko! Lumingon sya sa likuran at sumalubong sa mga mata nya ang halatang well built body of a man. Pero hindi yun naka apekto sa kanya. Handsomeness has nothing to do with her, walang pake si Jaq sa mga gwapo o macho. Parang papel n'yang itinayo ang lalakeng napaluhod matapos n'yang sipain ito sa tuhod kasabay ng pag-ikot nya ng katawan nito. Iniabot nya ito sa kaharap na lalake. Hindi man n'ya alam kung sino itong lalake, hindi naka uniform na pang pulis pero para habulin ang lalakeng holdaper he maybe a police or so. "Thank you" Napatitig si Jaq sa lalakeng kaharap ng magsalita ito. His voice is very manly, whole and it sounds expensive. Lihim nyang pinagalitan ang sarili na akmang purihin ang lalake, kailan pa sya natutong pumuri ng ibang tao? Kakasabi lang nya na wala syang paki. Mabilis ang pag-ilag ng buong katawan nya ng makaramdam na may akmang hahawak sa kanya. Malakas ang pakiramdam nya. Kunot noo at seryoso nyang tinignan ang hinihingal at kakarating lang na traffic enforcer. May lumapit na din sa kanilang iilang mga pulis. Napatingin sya sa lalake na pinagbigyan nya ng nahuling snatcher at nakita nyang nakatingin din ito sa kanya na tila pinag-aaralan sya. Hawak na ng mga pulis ang snatcher at nag pupumiglas pa rin ito ng isakay sa police mobile. "Ma'am kailangan nyo pong sumama sa amin sa prisento, may nalabag po kayong batas." mahina pero ramdam nya ang tigas sa boses ng isang traffic enforcer. Wala sa sariling binalik nya ang tingin sa lalakeng kanina pa hinihila ang tingin nya ng walang ginagawa at hindi nya nagugustuhan yun kaya naman ay seryoso syang tumingin sa traffic enforser na nakatingin sa kanya ng seryoso. Sinisindak sya nito. "Ano po, jay walking? jay running? Hinabol ko po yung snatcher. May nanakawan pong matanda dun sa kabila at kitang-kita yun sa pwesto nyo kanina pero di nyo yun pinansin at mabilis nyo akong hinabol ng gumawa ako ng paglabag sa sinasabi mong batas. Eh di nga kayo marunong mangalaga sa pinapatupad nyong batas eh." Akmang susugurin sya nito at kitang-kita nya ang pagkapikon nito pero mabilis itong nahawakan ng isang gwapong lalake na kakarating lang din. Wala pa ring salita na lumabas sa bibig ng lalakeng kanina pa naka-agaw ng pansin nya. "Oh! Wag mo ng patulan sir baka mapahamak kayo. Mukhang di yan basta-basta" natatawang sabi ng gwapong lalake. Malapad ang ngiti nitong tumingin sa kanya at kinindatan pa sya kaya kinunutan nya ito ng noo. Presko!  Tumingin naman ito sa mesteryosong lalake na kanina pa nagsasalita at nag bow. Nawalan ng buhay ang mga mata nya at naging seryoso ang pagkatao nya ng marinig ang pagtawag nito dito. "Major" Diretsong nakatingin sa kanya ang lalakeng tinawag na major at ramdam nyang may iba sa mga mata nito. Halatang hindi ito cold na tao at kung bakit hindi nagsasalita ay hindi nya alam. Mukha naman syang babaero. Mabilis syang umalis sa lugar na yun at hinayaan lang naman sya. Pero bago pa sya tuluyang makaalis ay may humawak na sa braso nya na ikinatigil nya. "Who are you?" Hindi nya ito nilingon pero alam nya kung sino sa mga lalakeng kasama nya at nakahawak sa kanya. Major "Jaq" simpleng sagot nya at iwinaksi ang braso ng walang sabi dahilan para mabitawan sya nito. Habang papalayo ay ramdam nyang nakatingin parin ito sa kanya. Sarcastic smirk formed in her lips. Major, alagas ng batas. See you around, major. In any aspect. MATAAS ang talon ni Jade sa bintana ng makarinig sya ng putok ng baril. Sa maliit na butas kitang-kita nya hindi lang PNP kundi pati AFP na ready to fire sa kung nasaan sya. Ito ang unang beses na nagparamdam sya at pinaalam nya kung nasaan man sya. She wants to play. Inayos nya ang hawak na sniper at itinapat yun sa target nyang di magkamayaw sa takot na nasa terrace ng kwarto nito. This man is worth 10M she couldn't lose it. Napatawa sya ng pagak ng na headshot ito matapos nyang kalabitin ang gatilyo at dahil may silencer ang sniper gun nya ay walang bakas ng tunog ang nailikha. But of course, sa sampung tangang kalaban may isang dapat mong pag-ingatan. Saktong paglanding nya pababa ng may malamig na dulo ng baril na nakatapat sa ulo nya ngayon habang perpektong nakatukod ang isang kamay sa lupa. She got a perfect posisyon para matakasan ang nakatutok na kamatayan sa kanya. "Stop!" Kalmadong sabi ng taong nasa likuran nya. Dahan-dahan syang tumayo na nakataas ang mga kamay. She's wearing a whole face mask and a eyeglass kaya maging mata nya ay di nito nakikita. This isn't a simple glass, this can only be use in the night. Ng makita nya ang taong may hawak ng baril na nakatutok sa kanya ay napangisi sya. Kitang-kita nya kung gaano ka delikado ang taong ito, pero hindi sa kanya. Walang 100M na patong ang ulo nya kung isang alagad ng batas lang ang makakahuli sa kanya. Mabilis ang binti nyang sinipa ang baril na hawak nito and by judging his stand and as expected hindi ito nagulat sa ginawa nya. Ngayon lang sya uuwing nakipaglaban muna pagkatapos ng project nya. Mataas ang talon nya at inisplit ang legs sa ere para umabot ang heels ng boots nya sa panga ng lalake na ikinatumba nito at napulot nya ang baril nito. Nice to met you again, Major. And she shot him in his left leg using his own gun bago pinaharurot ang motor nito. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD