"Bakit nakasimangot ka na naman?"
Nag-pout pa tuloy ako lalo ng pansinin n'ya ako.
"Si Kara, 1 month nang di nagpaparamdam. Ano na kayang balita sa babaeng 'yon," nag-aalala kong sabi.
"Kung ako kaya ang 'di magparamdam sa 'yo, mamimiss mo kaya ako ng ganyan?" akala ko biro pero nang tumingin ako sa kanya seryoso s'yang nakatingin sa langit na puno ng stars, hindi na diretsong nakatingin sa 'kin.
Nandito kami sa park na madalas kong puntahan. Hindi ko na rin sinabi sa kanya ang nangyari sa akin dito noon. Wala naman ng sumugod oh nagparamdam pa sa akin nitong mga nakaraang linggo.
Naging tahimik ang buhay ko na balik sa normal. Ang kaibahan lang, lalake ang kasama ko ngayon at hindi si Kara.
"Oo naman no!" natatawa kong sabi.
Nag buntong-hininga s'ya kaya humilay ako sa pagkakasandal sa dibdib n'ya.
"I seriously like you Jaq," seryoso n'yang sabi kaya unti-unting nawala ang ngisi ko at napalunok.
"Gusto din kita," sagot ko at napatingin sa malayo.
Matagal ko na ring pinipilit i-deny sa sarili ko ang gan'tong bagay at usapin. Pero ngayon ko lang din inamin sa sarili ko na gusto ko na ang tao.
Natatakot ako dahil alam kong masasaktan ko s'ya sa paraan ko.
"Can we make it official? I mean, you and me... let's make it.... official?" hopeful n'yang sabi habang hawak ang kamay ko at ini-squeeze ng mahina.
"Why? Hindi ka ba masaya sa ganito?"
"What? No! Of course I'm happy, I mean, I just want to call you mine. Just mine."
Natawa ako ng mahina and gave him a smack, "I'm yours pero hindi pa ako handa sa ganoong commitment, let's just stay like this habang mas kinikilala natin ang isa't-isa."
I'm sorry Earl. Ayaw ko lang pagsisihan mo nang husto na binuksan mo ng mas maluwag ang pinto ng buhay mo para sa akin pag dating ng oras.
"Of course kung saan ka mas comfortable. I'll go there," nakangiting sabi n'ya bago ako hinalikan sa noo.
Maya-maya pa ay biglang nag-ring ang phone n'ya, "sorry, I have to take this call."
Tumango akong nakangiti.
"Lopez," bungad n'ya sa tawag. Di uso hello pre? "What?" Napatingin s'ya sa 'kin kaya nginitian ko s'ya. Mukhang seryoso ang sinasabi ni Biel sa kabilang linya. "Give me 10."
"Problem?" tanong ko nang namatay na ang tawag at nag-aalala s'yang tumingin sa 'kin.
"I know I told you I'll stay with you the whole day today but....."
"Work?" pag-putol ko sa paliwanag n'ya. Napayuko s'ya at mapait na ngiti ang ibinigay nito sa 'kin..
"I'm sorry."
"Hey, no need to ask sorry. You can go baka emergency 'yan," tipid itong ngumiti bago ako niyakap ng mahigpit at hinalikan sa noo.
"Let's go, I'll drop you home."
"Hindi na, umalis ka na. Papalipas lang siguro ako ng oras dito. I can manage," bigla syang nagdadalawang-isip umalis. Bumalik balik ang tingin n'ya sa akin at sa sasakyan n'ya kaya tinutulak ko na s'ya. "Go babe. I can manage."
Wala na s'yang nagawa at umalis. Tiningnan ko ang sasakyan n'yang papalayo hanggang sa nakaliko ito at 'di ko na makita.
Huminga ako ng malalim bago pinulot ang bag sa damuhan at naglakad papunta sa highway kung saan may dumadaang jeep.
Gusto n'ya lang ako at hindi n'ya ako mahal. Ganoon din naman ako sa kanya kaya walang dahilan para mas lumalim pa ang tawag sa kung anong mayroon kami ngayon.
Gusto kong bilangin ang mga araw na nagkakaroon kami. Kasi alam ko, alam ko sa sarili kong magtatapos ang lahat sa amin. Kung hindi s'ya ang mang-iiwan sa akin, ako ang dahilan kung bakit.
Pumara ako ng tricycle pero bago pa ako nakapasok ay bigla nalang may humila sa akin kaya napaatras ako. Nadaanan din ng paningin ko kung paano nagulat ang driver. Masama ang tingin akong lumingon sa kung sino ang humila sa akin at nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Adam.
"Anong problema mo?"
Napakamot ito sa noo at halatang nahiya sa ginawa n'ya.
"Ahm, did I scare you? Sorry. Medyo distansya kasi ako kanina sa 'yo. I just tried hard to catch you," aniya na nakahawak pa sa batok ang isang kamay.
"Ano miss sasakay ka ba?" napalingon ako sa tricycle driver na naiinis na ang boses. Biglang nanlaki ang mga mata ko dahil nakalimutan ko s'ya. Geez.
Tumingin ako kay Adam pero 'di s'ya nagsalita kaya pumasok na ako sa tricycle, "tara na manong."
Hindi ko na rin s'ya sinilip nang umandar na ulit ang tricycle at umalis sa lugar na 'yon. Wala akong natanggap na text mula kay Earl kung kamusta s'ya oh kung nakarating na s'ya sa presinto. Nga naman bakit naman s'ya mag t-text.
Nagbayad ako ng bente pagkababa ko. Tinitigan pa ng driver ang bente na para bang 'di tama pero dire-diretso na akong umalis. Dudugasan pa ata ako eh.
Pagdating ko ng bahay ay agad akong humarap sa laptop at may narecieved akong 35 emails. Ang daming mag-kaaway.
MABILIS ANG takbo ng babaeng nababalot ng itm na tela ang buong katawan matapos ang walang pag-alinlangang paghila sa gatilyo ng baril. Ng makaalis sa pwesto n'ya kanina ay bumagal na ang takbo n'ya.
Hindi na s'ya mahahalata ng mga tao dahil nasa kabilang dako ang pinanggalingan ng balang tumama sa dibdib ng lalakeng kumakain sa mamahaling restaurant.
Pumasok ito sa pampublikong cr at hinubad ang buong itim na tela maliban at inilagay sa bag. Pinalitan n'ya ng surgical mask ang suot n'yang mask kanina. Now, she's not the one who pull the trigger.
Pero hindi pa sya nakakasampung hakbang mula sa paglabas sa cr ay napahinto s'ya ng mapansing sasalubongin s'ya ng mga police.
Mabagal ang lakad ng mga ito pero ng mahalatang huminto s'ya ay nagsimula na itong tumakbo papalapit sa kanya.
"Punyeta," aniya habang tumatakbo at dinudukot ang mask na suot kanina sa bulsa ng jacket n'ya para ipinatong sa suot na surgical mask. Nang makuha ay mabilis n'ya itong itinakip sa mukha at mabilis na kinasa ang baril.
Naririnig nya ang pito ng mga police at ang pagtawag sa kanya upang tumigil. "Ulol!" she mumbled at tuloy sa pagtakbo. Nagtataka man ang mga nadaanan n'ya pero walang pumigil sa kanya, walang humarang. Mabilis n'yang itinago ang buong katawan sa pader at nangingiti kahit hinahabol ang paghinga.
"Tang*ina," mura n'ya nang pagtingin sa harapan ay wala na s'yang madadaanan. Luminga-linga s'ya hanggang sa makita ang isang maliit na pinto ng maliit na bahay.
Hindi s'ya pwedeng bumalik sa pinanggalingan dahil makakasalubong n'ya ang mga police. Paniguradong hindi s'ya bubuhayin ng mga 'to. Alam na n'ya ang likaw ng sikmura ng mga 'yon. Sa huli sasabihin lang ng mga 'yon ang salitang "nanlaban ang suspect".
Hindi s'ya pwedeng makampante sa grupo ng mga kapulisang humahabol sa kanya. Ito ang grupo na kilalang lahat ng kaso ay na reresolba.
Mabilis ang kilos n'ya at iniyuko ang sarili at walang ingay na pumasok sa maliit na pinto.
Nagulat at napatayo ang kumakaing dalawang babae. Kusina ang napasukan n'ya. "Check the whole area," dinig n'ya mula sa labas at nang silipin n'ya ang labas mula sa maliit na butas ng pinto ay nakita n'ya ang mga pulis sa pwesto n'ya kanina.
"Sino ka?" natatarantang sabi ng isang babae na tantya n'ya ay kaedaran nya.
"Sshh," inilagay nya ang isang daliri sa bibig at sumenyas.
"Ikaw ba ang hinahabol ng mga police?" bakas naman ang takot ng isang mas batang babae sa mga salita nito.
Naiinis na s'ya dahil sa ingay ng dalawa. Itinutok n'ya ang dalang baril dahilan para mas manginig pa sa takot ang mga ito.
"Manahimik kayo," seryoso n'yang sabi at lumapit sa bintana. Tumingin s'ya sa labas nito at may kataasan ang bintanang 'yon hanggang sa kanal nito.
Punong-puno din iyon ng basura pero wala na s'yang ibang madadaanan.
"Lumabas ka na sa pinagtataguan mo, wala ka ng takas, napapalibutan na namin kayo!" napapikit s'ya ng mariin nang marinig ang boses ng isang police.
At ang tunog na 'yon. Halatang nakaharap sa maliit na bahay na ito.
Akmang lalapit ang isang mas batang babae sa pintong pinasukan n'ya kanina at tanggalin ang pagka-lock nito, pero mabilis n'ya itong nahablot, "ginagalit mo ba ako bata?" pabulong ngunit madiin n'yang sabi.
Tiningnan n'ya ang isang babae at nanginginig na ito sa takot. "Madadamay kami, pakiusap pakawalan mo ang kapatid ko," sunod-sunod ang mga luha nitong lumabas sa mga mata.
"In count of three, lumabas ka at sumuko!" sigaw pa ulit mula sa labas. Tiningnan n'ya ulit ang labas ng bintana. Bumuntong-hininga s'ya at kinuha ang swiss knife na nakasipit sa boots nya.
"1.......... 2.......... 3"
Hindi s'ya lumabas, habang ang dalawang babae ay patuloy sa pag-iyak at paniguradong dinig 'yon ng mga nasa labas. Napaigtad ang isang babaeng hindi n'ya hawak ng biglang may sumipa ng pinto at bumukas ito.
Tumambad sa kanya ang mukha ng kilalang police.
Major San Diego.
Akmang lalapit ang babaeng hindi n'ya hawak sa lalake pero napatigil ito at napahiyaw nang paputokan n'ya ang paanan nito.
"Ateeee," sigaw ng batang babaeng hawak n'ya. Nakapulupot ang kanang braso n'ya sa leeg ng bata habang hawak ang swiss knife at nakatapat sa leeg ng bata. Ang kanang kamay n'ya ay hawak ang baril.
"We can talk about this, hindi ka masasaktan kung susuko ka ng matiwasay. Pakawalan mo sila," mahinahong sabi ng major.
She smirk at itinaas ang kilay at wala pa-ring lumalabas na kahit na anong salita sa bibig n'ya.
Tinitingan n'ya ang major at kumunot ang noo nitong nakatingin sa mukha n'yang natatakpan ng mask hanggang ilong.
"Pakawalan mo sila..... JADE," mahinahon ngunit madiin na pagkakasabi ng major San Diego.
Gusto n'yang humalakhak ng banggitin ng lalake ang pangalang 'yon.
"Major San Diego," nakangising sabi n'ya. Sumeryoso ang mukha ng police at humakbang ng isang beses pero katulad kanina, pinaputokan n'ya ang paanan nito.
Mabilis namang kumilos ang mga kasamahan nitong mga pulis na nakapaligid sa kanya. "Hold your fire," sigaw ng major nang akmang paputokan s'ya ng mga kasamahan nito.
Naiinis na s'ya dahil kahit magtagal sila dito, hinding-hindi s'ya mahuhuli ng mga 'to. Malaki ang ngisi n'yang ipinutok ang baril sa ulo ng babaeng tingin n'ya ay kaedad nya. Nanlaki ang mga mata ng mga nakapaligid sa kanyang mga police.
May hawak pa s'yang bata na hindi makagalaw ngayon. Kitang-kita n'ya ang galit na dumaloy sa mga mata ni Major San Diego nang makita kung paano humandusay sa sahig ang babae.
"Anong magagawa mo major?" hamon n'ya dito.
"Wala ka ng takas, pakawalan mo ang bata at sumuko ka na," bakas ang galit ng isang lalakeng nasa tabi ng major.
"Ateeeee," naiiyak na sigaw ng bata nang daluhan ng ibang kapulisan ang babaeng binaril n'ya sa ulo.
Nahuli nya kung paano tumama ang paningin ng major sa bintanang nasa likuran n'ya mababa lang ang bintanang iyon mula sa kitatayuan kayang-kaya n'yang hakbangin. May kalaliman lang ito hanggang sa kanal.
Nanlaki ang mga mata ng katabing lalake ng major ngunit ang major ay nakatitig lang sa kanya ng walang buhay at halatang galit ang nasa mga mata. Alam n'yang kaya s'yang patamaan ng major pero alam din nito na bago pa tumama sa kanya ang bala ng baril nito. Patay na ang batang hawak nya.
"See you again soon, Major San Diego,"
Ang eksenang 'yon ay nagpataranta sa grupo ni Major San Diego ng walang-awa n'yang laslasin ang leeg ng bata kasabay ng pagtalon n'ya sa bintana.
Mula sa taas ay sinusundan s'ya ng mga bala at napangisi s'ya ng walang tumama ni isa sa mga balang 'yon, akala nya, dahil napangiwi s'ya ng biglang kumirot ang kaliwang balikat ng mahulog s'ya sa kanal ng basura.
Nang tingnan n'ya ito ay mas lalo s'yang napangiwi sa sakit at hapdi dahil sa maduming tubig at sumasabay s'ya sa agos nito.
Mabilis namang kumilos ang grupo ni Earl para madala sa hospital ang dalawang babaeng sugatan. Alam n'yang tinamaan n'ya ang babae kaya mabilis din ang utos n'ya na abangan ang lahat ng kung saan possibleng hihinto ang agos ng tubig sa kanal.
Nakakalat na ang mga tauhan n'ya pero naniniwala din s'yang makakalayo at makakatakas ang babae.
Naglalaro sa utak n'ya ang familiar nitong mga mata. Ang pinagkaiba lang, ngayon, mapaglaro ang mga tingin ng babae at iba ang boses. Pero sa dami na n'yang nakasalamuhang ganoon, possible na tama ang hinala n'ya.
Sana lang ay mali s'ya. Lalo na't ngayon palang nagkaroon ng katauhan ang isang JADE sa isip n'ya. Sa nagdaang maraming buwan, tila isang bagyo ang isang Jade. Sumusulpot ito sa kung saan at nagdadala ng delubyo pero walang mukha.
Pero hindi na ngayon. Dahil sa pagkakataong ito, may mukha na para sa kanya si Jade.
Pero paano?
At kung tama nga s'ya. May masasaktan sa storyang ito.