Ang dapat na next week na alis nila Kara ay naging ngayon. Hindi ko alam kung bakit nagmamadali sila tita at tito. Hindi rin daw alam ni Kara, so baka dahil sa ilang negosyo ni tito na iniwan n'ya abroad.
"Mabuti nalang talaga at nakapag despida na ako noong sabado," natatawa pero naiiyak na sabi ng kaibigan ko.
Lunes ngayon at nandito ako sa airport para ihatid sila.
"Akala ko may something sa inyo ni Lieutenant Lopez," asar ko sa kanya dahil nahuli ko silang naghahalikan sa likod ng pinto ng bahay ko.
"Hindi kami pwede," seryoso ang tono n'ya pero sumilay ang hilaw at pilit nyang ngiti. "Jaq, kapag isang araw umuwi ako dito-----"
Hindi n'ya natuloy ang sasabihin nang tinawag na ang flight nila.
"Take care. I love you sis," naluluhang sabi nito habang mahigpit na nakayakap sa 'kin. "Sorry kung iiwan kita, pero nandyan naman si Major," sumigla ang boses n'ya kahit bakas ang lungkot.
"Pipilitin kong maging masaya, kahit nakakalungkot na wala ka."
Nang mawala s'ya sa paningin ko ay parang unti-unting nanumbalik sa isip ko ang mga eksenang mag-isa ako. Huminga akong malalim bago pumasok sa kotse ni Kara na iniwan sa 'kin.
Dumiretso na ako sa school dahil may pasok pa ako mamaya. Ang boring na bigla. Wala na akong kasama.
"Why are you alone?" biglang sulpot ni Adam sa harapan ko. Tinaasan ko ito ng kilay dahil sa lapad ng ngiti n'ya. Lumihis ang paningin ko sa mga taong nasa likuran n'ya.
Nag kibit-balikat ako bilang sagot.
"Nasaan si Kara?" segundang tanong ni Enzo. Sabi ko na nga ba type nito kaibigan ko eh.
"Umalis na."
"To where?" kumunot ang noo nito at halatang gustong malaman ang sagot ko.
"Canada," tipid kong sagot. Well, 'yon lang din naman ang sagot sa tanong n'ya.
"For good?"
Tumango ako kaya napanganga s'ya, gulat. "May gusto ka ba sa kaibigan ko?"
Napatingin din sa kanya ang iilang kasama n'ya maliban kay Adam na seryosong nakatingin sa'kin. Tinaasan ko ng kilay si Enzo para makuha n'ya na naghihintay din ako ng sagot sa tanong ko.
"Ahm.....crush, siguro," nahihiyang sabi nito.
Bigla syang kinantyawan ng ibang kaibigan kaya nag walk out at sinundan ng mga kaibigan maliban kay Adam na kanina ko pa napapansin ang seryosong titig.
"Baka matunaw ako n'yan," biro ko.
Tumingin s'ya sa malayo at nagbuntong hininga.
"Ayaw mo ba sa 'kin?"
"Ano?"
"Ayaw mo ba akong maging kaibigan?" seryoso pa rin ang boses at mukha nya.
"Ikaw ba gusto mo 'kong kaibigan?" he frowned. Hindi n'ya ba inasahan na itatanong ko sa kanya pabalik ang tanong n'ya?
"I like you, Jaq"
"Adam Castillo, I'm sorry to burst your bubble man but there's no way that you can get into my pants," nakangising sabi ko pero nanlaki ang mga mata n'ya sa narinig.
Kinuha ko ang bag at sinablay sa balikat. Mabilis kong winaksi ang braso ko ng akmang hawakan n'ya ito.
"What the hell are you talking about?" gulat n'ya paring tanong.
Nagulantang ka ba? Ngayon ka lang ba natanggihan? Obviously, you're hitting on me.
"Adam, I am a straight forward kind of a girl. You like me? No! You want me! And I just told you earlier, please recall."
Nanigas syang nakatingin sa 'kin at di makapaniwala.
"I sincerely like you," mahinang sabi n'ya.
"Sure. But I don't like you. And please, magtanong-tanong ka sa paligid kung anong reaction nila pag sinabihan mo silang gusto mo sila. Maiintindihan mo 'ko."
Pagkasabi ko ay tinalikuran ko na sya.
At dahil tapos na ang klase ko ay nag drive na ako. Naisipan kong pumunta sa park na 'di masyadong pinupuntahan ng mga tao dahil boring naman talaga doon.
May iilang mga tao na metro-metro ang layo sa isa't-isa. Malayo sa highway ang lugar na 'to kaya maganda itong lugar na 'to sa mga gustong makapag-isip. At kung bakit ko biglang naisip pumunta sa lugar na 'to ay gusto ko lang lumanghap ng sariwang hangin.
Naglakad-lakad ako hanggang sa makarating ako sa parteng may naglalakihang mga puno. Ang sarap ng hangin. Hindi maingay kaya lang walang tunog ng ibon.
Sana 'wag itong sirain ng gobyerno para sa isang proyekto. Madalas ganoon ang nangyayari, sinisira ang magandang tanawin para sa pera. Pera ng mga nakaupo sa pwesto or pera ng mga mayayamang ang nasa isip ay business is business.
Kumislap ang mga mata ko nang makita ko ang isang batis. Pero bago pa ako makalapit doon ay napahinto ako sa paglalakad ng maramdaman ko ang mabigat na hangin na papalapit sa 'kin.
Mabilis akong umilag doon at nanlaki ang mga mata ng makita kung ano 'yon. Pana.
Luminga-linga ako sa paligid pero walang tao hanggang sa bigla nalang may sumugod sa akin. Naging alisto ako at nasangga ang kamao nitong ang punterya ang mukha ko.
Wag ang maganda kong mukha gago!
Ilang sandali pa ay naging tatlong nakamaskara na ang kaharap ko. Tumakbo ako sa may nakatumbang puno at tumambling para bumwelong sisipa. Saktong-sakto ang sipa na 'yon sa batok ng isang lalake kaya nakatulog.
Nasalo ko naman ang kamao ng isa kaya mabilis ko itong nabalibag. Dinig ko pa ang daing nito pero hindi ko na tiningnan ng makipagpalitan ng suntok at sipa ang isang natitirang gising.
"Anong kailangan n'yo sa'kin?" tanong ko habang nilalabanan s'ya.
"Hindi ikaw ang kailangan namin," sagot ng gago kaya muntik na akong matawa.
"Bakit n'yo 'ko sinugod kong hindi ako ang kailangan n'yo?"
Hinihingal na ang isang 'to di parin ako natatamaan ng kamao't sipa nito. Panay ilag lang ang ginawa ko dahil kinakausap ko s'ya.
"Dahil kilala mo ang kailangan namin."
"Ulol!" isang malutong na suntok ang inilapat ko sa panga nitong maganda ang hugis kaya ngayon ay tatlo silang tulog.
Mabilis akong lumabas sa kakahuyang 'yon. Nasira ang plano kong magmuni-muni. Mga hayop!
Nang makalabas ako ay parang walang nangyari, parang di ako nakipaglaban sa loob ng gubat na 'yon. Nilingon ko ito bago dumako sa sasakyan ay talagang hindi mahahalata na may labanang naganap sa ilalim ng malalaking puno na 'yan.
Masyadong tago ang lugar kasi kung duwag ka rin naman hindi ka papasok d'yan.
Nang makapasok ako sa sasakyan at napatigil ako. Kung nalaman ng mga lalakeng 'yon na nandoon ako sa lugar na 'yon, ibig sabihin kanina pa sila nakasunod sa 'kin. Kanina pa sila nakamasid! Animal!
May mga mata bang nakabantay sa akin ngayon?! Pagod na ba silang mabuhay?
Mabilis kong minaubra ang sasakyan papunta sa penthouse ni Earl. May usapan kaming pupuntahan ko s'ya ng alas 8 pero 7 palang. Hindi ko s'ya boyfriend pero sinabi n'ya sa akin na gusto n'ya ko at inamin ko na rin naman sa kanya na gusto ko s'ya. Ewan ko.
Yung parang kami pero hindi. Ayaw ko rin mag tanong, mas gusto ko ang gan'to. Pareho kaming malaya sa possible decisions naming dalawa. Hindi namin kailangang hingin ang approval ng isa't-isa sa mga bagay-bagay na gusto naming gawin.
Pagpasok ko sa lobby ay nanliit ang mga mata ko ng makita ko ang haliparot na si Annie sa couch.
Sitting slutty!
"What are you doing here?" bungad n'yang tanong ng makita ako.
"Ikaw yata ang dapat kong tanongin kung ano ang ginagawa mo dito."
Ang baliw ay biglang tumawa.
Lumapit ako sa desk, "Jaq Eldefonso," sinabi ko ang pangalan ko para ma check n'ya.
Ngumiti ito sa 'kin, "akyat na po kayo ma'am," masiglang sabi nito kaya ngumiti ako pabalik.
"What? Wait!"
Akmang pupunta na ako sa elevator ng bigla akong pigilan ni Annie. Napapikit ako ng mariin bago humarap sa kanya. Not today b***h please. Kakatapos ko lang makipag laban. Pagod pa ako.
"Ano?"
"Where are you going?" napangisi ako sa tanong n'ya. Maasar nga.
"Kay Earl. Ikaw? Saan punta mo? Bakit mo 'ko pinipigilan?"
Nanlaki ang mga mata n'ya sa narinig. Hawak ang braso ko ay mabilis syang lumingon sa desk. "Why are you allowing this girl just like that?!" mataray na sigaw n'ya. "Kanina pa ako nandito pero ang sabi n'yo lang sa akin ay just to wait Earl. You can't let her go there!"
"Hoy! Wag kang magwala dito. Di bagay dito ang maiingay," sabi ko sa kanya at binawi ang braso kong hawak n'ya.
Maldita itong tumingin sa 'kin bago binalik ang atensyon sa receptionists.
"Sorry po ma'am, kailangan po kasi nating hintayin ang approval ni Mr. San Diego kung pwede kayong umakyat sa unit n'ya," malumanay na sabi ng babaeng receptionist.
"Exactly! Then why are you letting her go upstairs without Earl?" tumaas na ang boses n'ya. Ako naman ay nakatayo lang ginaya ang ibang tao at pinapanood syang mag eskandalo habang naka cross arms.
"Authorized po kasi si Ms. Eldefonso. Binigyan po s'ya n'ya ng rights ni Mr. San Diego at access sa unit n'ya." Ano girl? Kaya mo pa?
Bigla syang nanlumo sa narinig. Dahan-dahan itong lumingon sa akin ng gulat na gulat. Walang emosyon ko s'yang tiningnan.
"You...."
"Me?" I mocked her at tinuro ang sarili ko.
"Are you flirting with Earl?" muntik na akong humagalpak ng tawa pero pinigilan ko. Wag sana akong mautot dito.
"No miss. Why? Are you flirting my boyfriend?" asar ko pa.
May igugulat pa pala ang isang to at imagine may ilalaki pa pala ang mga mata nito.
"You delusional b***h!" akmang susugurin nya ako pero nahawakan ko ang kamay n'ya.
Seryoso ko syang tiningnan ng walang kahit anong emosyon sa mga mata. "Kung gusto mo ng away mula sa 'kin. Save it. Sa ibang araw nalang. Pagod ako ngayon, 'wag kang dumagdag sa stress."
"Aaah!" Ingos n'ya ng padabog kong binitawan ang braso n'ya.
Di na ako nagsalita at tumalikod para makahabol sa elevator na akmang sasara na. Masama ng tingin nito sa 'kin ng makapasok ako kaya seryoso ko din syang tiningnan.
Desperadang may determinasyon!
Huminga akong malalim at di pinansin ang ibang kasabay sa elevator kahit na ramdam ko ang mga tingin nila sa 'kin. Tinatawag ko na ang mga Santo sa isip ko na bilisan sa floor ni Earl dahil gusto ko ng lumabas dito.
At nang bumukas ay walang pagbagal akong lumabas at 'di lumingon. Dire-diretso akong naglakad hanggang sa nakarating sa penthouse n'ya. Saktong pagpasok ko ay may naaamoy na akong ulam.
Mabilis akong pumunta sa kitchen at nanlaki ang mga mata ko ng makita ko syang nagluluto.
"Oh, nandito ka na pala" nakangiti syang lumapit sa'kin at niyakap ako ng mahigpit sabay hinalikan sa noo.
"Akala ko mauuna ako sa 'yo dito."
Tumawa s'ya ng mahina at pinitik ang tungki ng ilong ko kaya napanguso ako. "Tinapos ko ng maaga ang mga gagawin ko para maunahan ka."
"Pinapatay ko pa naman ang oras kanina kaya di ako nagmamadali kasi akala ko wala ka pa. Inentertained ko pa tuloy 'yong jowa mo sa baba."
"Jowa?"
"Jowa, gf"
"Who?" naguguluhang sabi n'ya.
Tinaasan ko s'ya ng kilay at mataray na tiningnan.
"Ilang jowa ba ang mayro'n ka at di mo alam ang nasa baba. Kanina pa raw s'ya doon."
"The desk called earlier that Annie was there. Pero sinabihan ko sila na wag sabihing nandito ako."
"Well, nandoon pa rin s'ya at hinihintay dumating ka."
"So the jowa you mean was Annie?" Natawa sya ah. "She's not my gf, the f*ck? Seriously? I didn't look at her gawin ko pa s'yang girlfriend?"
"Ang defensive mo naman."
"What? No! Hindi defense 'yon! Explanation 'yon!" he argued.
"Whatever! Di pa ba luto 'yan? Gutom na 'ko,"lumapit ako sa niluluto nyang steak at natatakam na 'ko.
"Malapit na, just sit down, malapit na malapit na to," mabilis n'yang inasikaso ang niluluto n'ya kaya naupo muna ako sa sala at in-on ang tv n'ya.
Natututo na talaga akong pakialaman ang mga gamit n'ya. Sabi n'ya naman lagi feel at home.
Di nagtagal ay narinig ko na ang tunog ng pinggan kaya mabilis akong bumalik sa kitchen.
"You must really super hungry," nakangising sabi n'ya habang pineprepare ang table.
"Di ako nag lunch eh."
Nag-imba ang timpla ng mukha n'ya at masamang tumingin sa'kin.
"I told you not to skip meal! Paano kung napaano ka habang nag drive dahil gutom ka," masungit na sabi n'ya.
Tumawa ako dahil nakakatawa naman. "Anong akala mo sa 'kin? Walang self control? Nakalimutan mo atang driving is my thing." kinindatan ko s'ya kaya mas lalong sumama ang mukha nya.
Napalingon ako sa sala ng tumunog ang telephone. "Ako na sasagot." Volunteer ko dahil busy pa sya.
"What do you want for drinks?" tanong n'ya bago ako makapunta ng sala.
"Beer," natatawa kong sabi. "Hello?" sagot ko sa telephone.
("Who are you?") mataray na sabi sa kabilang linya. Kilala ko na ata 'to eh.
"Sino pong hanap n'yo ma'am?" mahinahon kong sabi.
("Give the damn phone to Earl, tell him I'm here in the lobby!")
"Miss. Wala dito si Earl. Kung gusto mo s'yang makausap tawagan mo s'ya sa numero n'ya dahil wrong number ka!" binaba ko at telephone at binunot sa saksakan.
Tingnan natin kung makakatawag ka pa.
"Tumawag jo----"
"She's not my jowa," pag putol n'ya sa sasabihin ko dapat. "But you did a great job. Are you jealous to Annie?" asar n'ya.
"Sa anong party ng pagkatao n'ya ako dapat magselos? Yaak! Mas maganda naman ako doon," inirapan ko s'ya dahil nakangising parang baliw s'ya.
"Well, I couldn't agree more."
"Bakit ka ba di matawagan?"
"She doesn't have my number"
Gulat akong tumingin sa kanya. "Oh? Eh bakit parang close naman kayo."
"She had my old number but I changed it"
"Oh! Wait lang, check ko muna phone ko baka may message si Kara."
Tumayo ako habang ngumunguya ng karne para kunin ang phone sa bag ko.
Pero nakaagaw ng atensyon ko ay ang isang maliit na papel na nakasiksik sa may awang ng zipper.
Nanlaki ang mga mata ko ng mabasa ang nakasulat dito kaya mabilis ko itong pinunit.
Where is JADE?