Chapter 14

2111 Words
"Hi Jaq, it's been a while," nakangiting bungad sa akin ni Adam. Tumingin ako sa paligid at wala akong nakitang kaibigan n'ya. Leaning in his car's hood habang nakatukod ang dalawang kamay sa magkabilaang gilid. He looks, bad-boy. Inayos ko ang pagkasabit ng bag sa balikat ko habang naglalakad papalapit sa kanya. Umayos ito ng tayo. "Mag-isa ka," casual kong sabi at s'ya naman ay napalingon sa kaliwa't kanan. He let out a little laugh. Hindi ko alam pero hindi talaga ako na-a-amuse sa kanya. Kaya hindi ko makuha kung saan banda ang special sa lalakeng 'to at kung bakit patay na patay ang ibang kababaihan.  "Nauna na silang pumasok. I saw your car halfway so I waited for you." Nag kibit balikat ako at humakbang papasok sa gate. Ramdam ko at kita ko ang anino n'yang tumabi sa 'kin. "Jaq, can we talk?" napatingin ako sa kanya and gave him a "what-look" Isang building nalang at building ko na. Hinawakan n'ya ang braso ko at iginaya ako sa may tabi. "Anong pag-uusapan natin?" tanong ko sa kanya at tiningnan ang suot kong wristwatch. Nakita kong sinundan n'ya ng tingin ang ginawa ko. "May 20 minutes pa ako," dagdag ko. "Are you avoiding me?" kumunot ang noo ko sa tanong n'ya kaya dumiretso ako ng tingin sa kanya. "Hindi," agad kong sagot. Hindi naman kasi talaga. Ayaw ko lang sa presensya n'ya pero hindi ibig sabihin iniiwasan ko na s'ya. Ginulo n'ya ang buhok n'ya bago sumandal sa malaking puno ng narra at isinuksok sa bulsa ang dalawang kamay. "I can feel it. Parang lumalayo ka kapag nakikita mo 'ko kaya hinintay na kita kasi doon, wala kang ibang madadaanan," aniya. Gusto kong ikutan s'ya ng mga mata pero nakaka-bastos 'yon. "Hindi kita iniiwasan at wala akong dahilan para iwasan ka," malinaw na sabi ko. "Was it because, I told you that I like you?" "I don't care, I don't like you kaya I don't care. You can like me all you want pero wala kang aasahan na kahit ano mula sa akin. So, kung iniisip mo na 'yon ang dahilan. Hindi! At hindi kita iniiwasan. Now, baka pwede na akong pumasok sa klase ko?" tumango s'ya kaya humakbang ako palayo sa kinatatayuan ko. Pero bago pa ako tuloyang makalayo ay narinig ko pa ang sinabi n'ya, "I'll make you like me," hindi ko 'yon pinansin. Nasasanay na akong mag-isa ulit, na walang Kara. Minsan nakakapanibago pero ito naman din naman kasi ang orihinal na estado ng buhay ko. "Ayan, namimiss ko talaga agad ang malamig na simoy ng hangin dito sa tree house nyo, Casper," masiglang sabi ni Lyka at dumiretsong sumalampak sa kahoy na sofa. Ito ang pangalawang beses na nakaakyat ako dito at katulad no'ng una, nandito kami para sa research. "Nasaan si Demi?" tanong ko nang di ko s'ya nakitang sumunod sa amin paakyat dito. Noong nakaraan dumiretso kami dito. Pero ngayon wala akong makitang Demi. Narinig ko ang mahinang tawa ni Lyka at si Casper ay umirap, bakla ka pre? "Nandoon siguro 'yon sa kusina para magpaluto ng makakain, " nakangiwing sambit ni Casper. "Mga walang-hiya ang dalawang 'yan dito eh, di lang nila nagawa noong una nating punta kasi nagpasabi na ako, ngayon hindi, nakalimutan ko," mahabang sabi n'ya na tinanguan ko lang. "Grabe! Ano na namang balita 'to!" hysterical na sabi ni Lyka at napatayo pa talaga s'ya mula sa pagkaka-upo. Walang pasabing hinablot ni Casper ang cellphone at naningkit ang mga mata kalauna'y nanlaki ang mga mata nito na para bang may na hinuha at nagulat. "Teka......" Nagkatinginan kaming dalawa ni Lyka ng bigla s'yang tumakbo pababa ng tree house at pumasok sa malaking pinto ng bahay nila. Iniabot ko ang kamay ko kay Lyka at nakuha n'ya ang ibig kong sabihin. Binigay n'ya sa akin ang cellphone n'ya kaya nakita ko kung ano ang sinasabi nilang balita. 'BREAKING NEWS: Congressman Aguinaldo found dead in his office - killed by the famous JADE' Binalik ko sa kanya ang cellphone nang mabasa ko ang nilalaman no'n, sakto naman ang pag-akyat ni Demi, "oh, bakit kayo lang? Nasaan si Casper?" tanong n'ya. "Biglang tumakbo sa loob, 'di kayo nagkita? Ewan, parang biglang nataranta pagkatapos makita ang balita," ani Lyka at kumuha ng turon at kinagat. Ginaya ko ang ginawa n'ya habang si Demi ay nkumunot ang noo at nagtaka kaya inaabot ang cellphone ni Lyka na nasa sofang kahoy. "Ano ba kasing meron sa bali ------- Oh My God!" pareho kaming napatingin sa kanya ng bigla s'yang sumigaw at nabitawan ang cellphone kaya nahulog 'yon sa kahoy na sahig at napatakip sa bibig. "Ano ba yan! Bakit ganyan ang reaction n'yo?" inis na sabi ni Lyka habang pinupulot ang cellphone n'yang nasa sahig.  Wala akong maintindihan sa reaction nila kaya pinagmamasdan ko lang sila. Pero may kutob ako na kilala ni Casper at Demi ang lalaking nasa balita. Ang taong kinuhaan ng buhay, ni JADE. "Si tito Carlos Aguinaldo 'yan Lyka! Nakalimutan mo na? Pinsan ni tito Solomon, ng daddy ni Casper!" frustrated na sabi ni Demi na ikinalaki ng mga mata ni Lyka. Tama ako. Tiningnan n'ya ulit ang cellphone at napatakip sa bibig, "oh my God! Paano ... bakit... teka, si Casper..... Jaq, halika puntahan natin s'ya sa loob!" Tumango ako at sumunod sa kanya, mabilis ang kilos at takbo namin sa hagdan pababa mula sa tree house. Hindi ko kilala ang lalaking nasa balita kaya hindi ko makuhang maramdaman ang nararamdaman nila ngayon. Itinulak ni Dem ang malaking pinto ng main door at bumungad sa amin ang napakalawak na living room. Sa bandang dulo ay naroon si Casper, may kausap sa telepono. "How?! Dad! Pupunta ako! Walang kasama si Ate Lizie ngayon! Yes dad, thank you daddy...," nanlulumo n'yang binitawan ang telepono at ibinalik sa lalagyanan nito. "Casper.," nag-aalalang banggit ni Lyka ng pangalan n'ya at niyakap nila ang kaibigan. "She's evil! Hindi na s'ya naawa sa mga taong pinatay n'ya! Napakawalang kwenta n'yang tao! Naturingan s'yang babae, pero animal s'ya!" galit na sambit ni Lyka. "I will make sure na mahuhuli s'ya. Daddy will make sure of that!" matigas na sabi ni Casper. Humakbang ako palabas ng mansyon ng tawagin ako ni Dem kaya lumingon ako sa kanila. "Where are you going, Jaq?" tanong n'ya. "Hindi tayo makakapag-aral ngayon, Casper needs you two, mauuna na ako. My condolences, Casper," sagot ko at umalis na. Bumuntong-hininga ako bago pinaandar ang sasakyan at nag-drive. Inilabas ko ang cellphone at nag dial. Napangiti ako nang wala pang pangalawang ring ay sinagot n'ya kaagad. "Hi, busy ka ba?" tanong ko. "I'll call you later, take care. I miss you." Bago pa ako makasagot ay binaba n'ya na kaagad ang tawag. Narinig ko sa background ang iilang ingay at tunog ng mga sasakyan ng pulis na parang nasa crime scene. He's probably there. NAKANGITING PINAGMAMASDAN ni JADE ang babaeng nakangiting may kausap sa cellphone. Saktong alas 9 nang gabi. Very early in her usual time. Walang kahirap-hirap s'yang nakapasok sa back seat ng sasakyan ng babae. Hindi man lang nito naramdaman ang pagbukas n'ya ng pinto. What a reckless woman.  Ilang minuto ang lumipas ay lumapit na ang babae at sumakay. Napatingin s'ya sa pinto ng sasakyan nang mag click ito. Ibig sabihin ay na locked. Not a problem! Kaya naman ay sa isang-iglap ay  nasa shotgun seat na s'ya nakaupo na ikinagulat ng babae, "who the hell are you!" sigaw nito. Tinted ang sasakyan nito kaya kahit na magwala ito sa loob ay hindi ito makikita ng mga taong nasa labas.  "Drive safely," aniya kaya napatingin ang babae sa daan pero bumabalik ang tingin nito sa kanya at bakas sa mukha ang takot. Pinapanood n'ya kung paano nanginginig ang kamay nitong nag da-drive. "Who are you? How the hell did you get in her!" mas tumaas pa ang boses nito na may bakas ng panginginig.  Seryoso s'yang humarap sa babae kahit na hindi naman nito nakikita ang mukha maging ang mga mata n'ya. Inagaw n'ya ang manibela at inihinto sa tabi ang sasakyan. "Thank you for the 3M." Nanginginig ang mga labi at nakataas ang dalawang kamay na para bang sumusuko ito. Umaagos ang mga luha at naninigas ang katawan ng babae. "A-anong.." bago pa nito matapos ang sasabihin ay inilabas n'ya ang bulalak na kulay itim na may kumikislap na gemstone, the JADE. Kitang-kita n'ya kung paano nanlaki ang mga mata nito. 'This really must be famous' aniya sa isip habang nakatingin sa hawak n'yang bulaklak. "Jade," bulong ng babae kaya naman ay napangisi s'ya sa likod ng itim n'yang maskara. Saktong bumuka ang bibig ng babae upang magsalita nang hindi n'ya na ito binigyan ng pagkakataong makapag salita. Walang pag-alinlangan n'yang itinurok sa lalamunan ng babae ang matulis na tangkay ng black rose na hawak n'ya. "Auugh.." she groaned in pain. Sinubokan pa nitong kalasin ang kamay n'yang nakasuporta sa ulo nito bago nawalan ng hininga. Hinayaan n'yang nakaturok ang bulaklak sa lalamunan nito ng lisanin ang lugar. "Easy millions!" natatawa n'yang sabi saka sumakay sa big bike n'yang halos hindi marinig ang tunog. Mabilis n'yang pinaharurot ito sa gitna ng makipot na daan sa gubat. May nadaanan s'yang dalawang motor na may apat na tao sa isang sentro ng korbadang daan at walang pagdadalawang isip n'yang pinagbabaril ang mga ito. Nakita s'ya, kaya kailangan nilang manahimik. Habang-buhay. Malaki ang ngising sumilay sa mga labi n'ya habang pinagmamasdan sa side mirror ng big bike n'ya ang pagkatumba ng apat habang naiilawan ng mga motor nito. Madilim sa paligid at tanging ilaw lang ng motor n'ya ang nagbibigay liwanag. NAPAHILOT SA sentido si Earl habang pinag-aaralan ang lahat ng anggulo sa pagpatay sa Congressman. Hindi ito kailanman nasangkot sa kahit na anong katiwalian. At dahil sa isang bulaklak na iniwan sa lamesa nito. Naniwala ang lahat na hindi kalaban nito sa pulitika ang nagpapatay, ang bulaklak na itim na 'yon, ang nagtuturo kung sino ang may sala. Ang tanong n'ya sa sarili ngayon ay saan at paano. Saan at paano n'ya mahuhuli ang notorious killer na si JADE. Sunod-sunod na ang mga pagpatay at lahat ng 'yon ang tinuturo ay si JADE. The town is in chaos. Ngayon na biglang naging agresibo si JADE ay natatakot ang mga tao. Kung noon ay nagtatago ito sa dilim at malalaking tao lang ang pinapatay nito, ngayon ay iba na. Kahit simpleng mamamayan ay walang-awa nitong kinikitilan ng buhay at lumalabas na sa liwanag. Kinukumpara ang paraan ng pagpatay ni JADE noon at ang pagpatay n'ya ngayon. Magkaiba, at dumadagdag 'yon sa sakit sa ulo n'ya. Hindi 'yon napapansin ng iba. "Major!" Inangat n'ya ang tingin upang makita ang taong tumawag sa kanya. "Lopez," pumasok si Lt. Lopez sa opisina n'ya.  Inabot nito ang dalang flash drive at tatlong brown envelope. "Walang ibang nakitang dahilan sa pagkamatay ni Congressman, tanging ang hiwa nito sa lalamunan na ginamitan ng swiss knife. Bukod doon, marami din itong hiwa sa ibang party ng katawan. Sa braso, sa tyan, sa likod at maging binti. He was tortured. Pero ang pumatay sa kanya ay ang itinurok sa lalamunan n'ya." Nag-tiim bagang s'ya sa narinig. Masyado nang naging agresibo ang JADE na 'yon. Wala na itong pinipiling lugar. Napatingin s'ya sa cellphone n'ya ng tumunog ito. Huminga s'ya ng malalim nangg makita ang pangalan ng tumatawag. Jaq calling.... "Good evening, major," masiglang bati nito sa kabilang linya kaya napangiti s'ya. He wants to see her. Pero marami pa s'yang kailangang matapos na trabaho at kaso. "Hi, how are you? I'm sorry I dropped the call kanina. I was-----" "It's fine, ayos lang. Kamusta ka? Mukhang pagod ka ah. Nandito ako sa penthouse mo, uuwi ka ba?" malumanay na sabi ng dalaga. Tiningnan n'ya ang relo at alas 12 na ng madaling araw pero nandito pa s'ya sa presinto. Hindi n'ya pwedeng i-asa sa mga tauhan n'ya ang kaso ng anonymous killer na si JADE. Kailangan n'ya itong tutukan. Ilang beses na s'ya nitong harap-harapang natakasan. Kaya ang sabi sa kanya ng team ay kung hindi s'ya sino ang makakahuli sa babae? Kung s'ya ay nahirapan paano pa sila. Wala ng gustong tumanggap sa kaso ni JADE kahit sobrang laki ng pabuya dito, maliban sa mga kapwa police na ang habol lang ay ang patong sa ulo nito. Tatrabahu-in n'ya nalang kaysa mapunta sa mga garapal na Police, baka mas matagalan at mas magkagulo pa. "12 na bakit hindi ka pa natutulog? I'm sorry baka bukas ng umaga na ako makakauwi," mahina n'yang sabi. "Sige lang, gusto ko lang sabihin na 'wag mong kalimutang kumain ha? Sige na papatayin ko na to baka may ginagawa ka pa, matutulog na rin ako." dinig n'yang sabi nito. "Jaq," sambit n'ya bago pa maibaba ng dalaga. "Hmm?" "I miss you," aniya. Narinig n'ya ang mahinang tawa mula dito, "I miss you too, major. Kaya galingan mo sa trabaho para makauwi ka na. Bye bye" Wala na s'yang nasabi at napatitig nalang sa cellphone n'ya ng patayin ng dalaga ang tawag. "A waiting wife?" nakalimutan n'yang nasa harapan n'ya nga pala ang kaibigan kaya sinamaan n'ya ito ng tingin. Nagtaas ito ng kamay na parang sumurrender. Tiningnan n'ya ang litrato na kuha kanina sa crime scene. Napatitig ulit s'ya sa bulaklak at napansin n'ya ulit ang isang bagay na nawawala. "No Jade."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD