Sunday Morning....
Nag ayos na ako para pag dating ni Anne is naka ayos na ako. Bibili kame ng school supplies although na hindi naman kailangan kase provided na ng school yun pero except sa pens, high lighters, notepad etc. So yan lang naman bibilhin namen. Ang suot kong damit is simple lang pants, t-shirt and heels. Saglit lang naman kame sa bookstore no need mag bihis ng magara hahahaha...
"Inah? Andito na ako" katok ni Anne sa kwarto ko
" Pasok ka! Nag aayos lang ako ng kama then baba na tayo para mag breakfast. " sigaw ko kay Anne at pumasok na sya
"Wow. Naka ayos kana agad? " Sabi nya saken then tinulungan narin ako mag ayos
"Actually kanina pa. Then nag ayos lang ako ng kama. " sabi ko
"Lets go na. Breakfast muna tayo sa baba then alis na tayo. " then bumaba na kame.
"Ano pala bibilhin naten? Diba provided na naman ng school yung supplies? " tanong saken ni Anne habang nakain.
"Oo nga, pero not the pen, high lighters, notepad. " Sabi ko sa kanya.
"Ganon? Ang mahal ng tuition sa school tapos di nila provide yung mga pens? " tanong nya saken.
"gaga! Ano yun pati pens and notepad sila pa gagastos? "
abnormal din tong babaeng toh eh.
"Kala ko lang naman kase. Tsaka diba sa dating school naten ganun? Kaya sobrang mahal ng tuition yung tipong papasok ka nalang dala sarili mo at kaartehan sa katawan. " Sabi nya.
Sa dati kase naming school is ganun as in sarili nalang namen ang dala namen at kaartehan sa katawan. Lahat na kase ng kailangan sa school provide nila ang kaso nga lang na ikinapanget ng school is maraming bully tsaka mahahangin ang tao kahit sino binabanga tapos yung mga babae ang tataray ultimo tignan mo lang ng saglit o napadaan mata mo sa kanila papalibutan kana agad ng mga alipores ng nadapuan ng mata mo. Nakakainis nga dun e. Kaya ayan lumipat kami ni Anne sa ibang school last year nalang nga kami graduate na 4th year Collage na kame and ang course namen is Culinary Arts ayaw namen sa iba kahit yung family namen is may business, thankful nalang din kame kase kahit ganun hindi kame pinursue sa iba kung ano lang ang gusto namen yun na yun, support nalang sila. Tapos dagdag pa na Isa akong model sa newyork kaya wala narin talaga silang choice hahahaha.
"Hindi naman lahat ng school is ganun, shempre as a student kailangan may pens kang dala at notepad. As in student ang datingan mo di tulad sa iba tsaka buti na nga lang lumipat tayo kase diba ang daming bully don? Sana lang sa bago wala" Sabi ko sa kanya.
" Oo nga e, Sana talaga wala. Nakakahiya kaya yun nakapasok ka sa pang mayaman na school tapos edukada kang tao, ugali mo pang squatter? " Sabi ni Anne, may point naman sya .
" let's go na nga" Sabi ko sa kanya
*****
At the bookstore .....
" Anne may Parker pens na ako, Three Colors binili ko tig isang box then high lighters different colors din " Sabi ko sa kanya then pinakita ko sa kanya yung binili ko.
"nakahanap narin akong notepads para sating dalawa na eh Ayan? " tanong nya saken.
"Para sating dalawa narin. " Sabi ko
"Tara sa counter? " yaya nya saken
Nakapila na kame sa counter para mabayadan na yung mga binibili namen. Pinag titinginan pa nga kame ng mga tao e. Siguro isip isip nila bakit pa kame nakapila kung pwede naman direct nalang kami para mauna kase kilalang tao naman kame. Hell no! Kahit naman kilalang tao kame ni Anne kailangan din namen maging fair sa mga pumipila lalo na ang daming tao ngayun kase tomorrow is pasukan na. Buti nalang di kame pinagkakaguluhan lalo na ako at buti nalang din nag sama na ako ng body guards ko. Kaya no hassle at no stress at all.
"Mam pwede po pa authograp? Tsaka po papicture. " Sabi nung babae sa counter pag tapos nyang i-punch yung pinamili namen ni Anne
"Sure ate " Sabi ko
Inabot nya saken ang isang poster at pinirmahan ko with dedicated pa yan! Hehehe then nag picture na kame. Nag paalam narin ako dun sa lahat ng tao sa bookstore.
"Bebs? San tayo? Maaga pa naman? Any idea? " tanong ko kay Anne habang nag lalakad.
"wait isip lang ako. " Sabi nya at mukhang nag iisip nga sya .
"Ang tagal mo naman mag isip" nababagot kong sabe sa kanya
Super bored na kase ako lagi nalang nasa bahay walang ginagawa tapos pasukan na naman bukas. Kaya gusto kong mag gala gala muna kahit bawal hahahaha maaga pa naman kase eh.
"Alam ko na kung saan tayo! " Sabi nya saken habang napalakpak.
"Saan naman yan? " tanong ko sa kanya mukhang maganda naisip nya e napalakpak e.
"Lets go to the inflatable island in subic! " Sabi nya saken.
"Bet ko yan! Tara na let's go! " Sabi ko
Nag lakad na kami papuntang parking lot then biglang huminto naman sya. Ano na naman kaya problema neto?
"Bat ka huminto? " tanong ko sakanya.
"I forgot something to buy e. " Sabi nya at nakasimangot pa.
"Ano namn? " Sabi ko
"Swimsuit! " Sabi nya at nag duck face pa. Ang pangit nya tuloy.
"Yan lang problema mo? Letche ka kala ko naman kung ano na. Meron ako sa bahay madami mga hindi pa nagagamit at nakabalot pa! Mamili ka nalang sa bahay, so let's go na! " Sabi ko ayun ngiting ngiti ang gaga.
****
At the house .......
"Bilis na girl, mamili kana andyan sa isa kong closet yung puro swimsuit" turo ko sa kanya .
Nag impake na ako ng iilang damit at swimsuit tsaka yung uniform ko balak ko kase is hanggang bukas na dun sa tutuluyan nameng hotel sa island and diretso pasok na pag uwi. Ang pasok naman namen bukas is 10am to 3pm lang. Nasabe ko narin kay Anne yung balak ko. So Ang gagawin ko nalang ngayun ay mag paalam kay mommy and daddy baka kase pagalitan ako pag di ako nag paalam kahit malaki na ako shempre nag aalala din sila saken.
Calling Dad .....
Mukhang nakaramdam si dad kase natawag sya e.
"Yes dad? " bungad ko kay daddy.
"Nakabili kana ba ng kailangan mo?" tanong saken ni dad.
"Opo, Actually kaka uwi lang po namen ni Anne " Sabi ko kay dad.
"Good to hear. So anong ginagawa mo now iha ? " tanong ulit ni dad saken.
"Magpapa-alam Sana ako sainyo ni mommy, dad kase bukas naman is pasukan na, So we decide na pumunta sa subic then bukas na kame uuwi diretso school na. Okay lang po ba daddy? " Sabi ko then nag beautiful eyes pa kala mo naman nakikita ni dad. Hahahahaha
"Sure iha Basta takecare and mag sama ka ng body guards mo, okay? " pag payag ni daddy
"Yes po daddy! Thankyou. Takecare po kayo ni mommy dyan. Bye! " Paalam ko kay dad.
"We will. Bye iha" binaba na ni dad yung tawag.
"Anne! Pinayagan na ako ni dad. Ikaw ba? " ask ko sa kanya.
"Me tooo! " Ngiti nyang sabe.
"Edi let's go! "
"Here we go subic! Seeyah in a minute! " Sigaw ko at tawanan kame ni Anne.
***
At the car ...
Nakita kong may ini-stalk si Anne sa phone nya isang lalake name nya is Bright Cruz infairness gwapo sya at kutis mayaman. Kaya tinanong ko si Anne kung sino yun.
"Sino Yan? " tanong ko habang nasa byahe pa kame.
"Sya si Bright Cruz Isa sya sa kilalang tao not so famous, at sikat sa school na papasukan naten! " Sabi nya saken then pinakita nya mga pics nung lalake.
"Ah ganun. " Sabi ko sa kanya.
"Stalk mo bilis! Punta ka sa page ng school naten Diamond University makikita mo lahat ng mga kilalang tao na nag aaral dun. " Sabi nya saken Kaya tinignan ko naman.
Pumunta na ako dun sa sinasabe nyang page at nakita ko na lahat ng kilalang taong nag aaral dun, as in lahat mayayaman yung iba pa nga is kilala ko then yung ibang boys naging partner ko na sa modelling tulad ni Kent Salazar one of a famous model in new york city. He's a friend of mine pero not totally a friend siguro as co-modelling lang di ko kase hilig mag friend ng mga boys tsaka Isa sya sa mga nag advise saken dati dun sa ex ko na peperahan lang ako pero di ako naniwala sa kanya kaya inaway ko sya, so childish I want to say sorry to him inaway ko pa kase e. Bukas pupuntahan ko sya para humingi ng forgiveness. Nakakahiya kaya yun. Kaya nga pag natawag sya diko sinasagot kase nahihiya ako di pa ako makapag sorry.
So anyways, nandito na kame sa subic Kaya bumaba na kame.
" What a beautiful place! " Sabi ko
Grabe sobrang ganda ng island nakaka relax tapos ang ganda ng views bubungad sayo yung fresh air grabe. Minsan yayain ko nga dito sila mom and dad.
"Ang ganda dito noh? Nakaka relax" Sabi skaen ni Anne
Dumiretso na kame sa hotel para makapag pahinga na at makapag swim na. Actually naka reserve na kame dito kaya kinuha nalang namen yung card sa kwarto namen, iisang room lang kinuha namen ni Anne it's a master bedroom mayroong two queen size bed, two bathrooms at may veranda.
"Pati kwarto ang ganda and look at the veranda! What a nice view! " Turo saken ni Anne kase binuksan nya yung veranda.
"Oo nga noh? Ang ganda!" Sabi ko.
Nag ayos na kame ng gamit ni Anne at nag pahinga muna kame para mamaya is makapag palit na kame ng swim attire at maka swim na.
After an hour.....
Nakabihis na kame at ready to swim na kaya bumaba na kame at makapunta sa dagat. Shempre nag sunblock kami kase mainit init pa, palubog palang ang araw. Gusto ko kaseng makitang lumubog Yung araw nakaka relax kase sya.
Nag swim na kame ni Anne pero hindi masyadong matagal then umahon na kame. Umupo kami sa sand para makitang lumubog yung araw.
"Grabe nakaka relax noh? " Sabi nya saken
"Oo nga e. Bakit Kaya ngayun lang naten naisipan pumunta dito? " tanong ko sa kanya
Lahat kase ng island is napuntahan na namen na kaming dalawa lang shempre with body guards eto lang ang hindi namen napuntahan may pagka-traveller kasi kame ni Anne .
" Ewan ko din e " Sabi nya sabay tawa kame .
"Alam mo medyo boring, how about let's play a game? " Sabi nya saken at naniningkit ang kanyang singkit na mata.
" Anong laro naman? " tanong ko at nakita kong may hawak syang bote.
"Spin the bottle! Kung kanino nakatutok ang nguso ng bote sya ang talo nasa panalo nayun Kung it's a dare or truth" sabe nya.
Infairness medyo challenging yung laro. I want that!
"Okay let's do it " hamon ko sa kanya.
Inikot na nya yung bote and waiting kung kanino hihinto, medyo kinakabahan ako ah ghad..
Then biglang huminto kay........ Saken! Shitt!
"Gotcha! Hahahahaha"
"okay, it's a truth " Sabi nya habang natatawa pa.
"Ano Yun? " Sabi ko medyo kinakabahan ako....
"diba inaway mo si Kent Salazar? Say sorry to him. " Sabi nya then abot ng phone ko saken.
"Hey! Nakakahiya! Bukas ko na nga sya kakausapin about dun. "
" Iwant harap harapan. " paliwanag ko sa kanya.
"Okay then bukas mo gagawin, okay ba? " Sabi nya saken then thumbs up.
"yep" agree ko sa kanya.
Then inikot na nya ulit yung bottle then ........ Hahahahha gotcha! Sakanya tumapat!
"Hahahahahaha Ano ka ngayun! " tawa ko kay Anne.
" Letche ka. Hmp! So bad! " sabi nya saken.
"I dare you na magpapansin ka in one week kay Kent Salazar! " Tawa na sabe ko Kay Anne
Si Anne ay may crush kay Kent Salazar kaya ayan pambawi ko sa kanya hahahaha.
"Ano kaba nakakahiya Yun! Pero sige na nga crush ko naman sya e. " kinikilig na sabe nya saken, see that? Talandi.
"Last game na naten toh a? Then akyat na tayo para kumain " sabe nya saken
Pina-ikot ko na ulit yung bottle then hinihintay kung kanino tumapat at sa kamalas malasan ......... Saken tumapat! Ang daya pala netoh!
"Hahahahaha lakas talaga ng fighting spirit ko! " tawa ni Anne.
"Siguro plinano mo toh? " sabe ko sa kanya ng nakasimangot.
"Oy hindi a! " depensa nya sa sarili.
"Dahil nag dare ka saken, Dare din sayo! I dare you na magpapansin ka kay Bright Cruz in 40 Days! 40 Days with him! " Sabi nya at tawa ng tawa.
Wth?! Ano daw?! 40 Days With Him?! 40 Days na magpapapansin dun?!
"Oa ng 40 Day mo! " reklamo ko kay Anne
"Bawal mag reklamo! Pag di mo ginawa yun sasabihin ko kela tito and tita about sa mga ex mo na pineperahan ka! Sige ka! Hahahahaha " binlack male pa ako?
"Wag na wag mong gagawin Yan! Alam mo kung pano sila magalit. " pagbabanta ko sa kanya
"fine gagawin ko" sukong sabi ko sa kanya.
Umakyat na kame at kumain na, sakto pag akyat namen andun na yung pagkain namen nakatawag napala si Anne para sa food kaya andito na agad.
After namen kumain at maligo nag punta na kame sa kama para makapag pahinga at gumising ng maaga kase bukas is a hell day! As in hell! Kase first day of school na! Ghad! Okay na sana e kaso yung deal! Nakakaloka.