Chapter 53 "HE'S MY BOSS" BOOK 2 Gino's POV: Muli akong napaupo sa sofa habang sinusuklay ko ng mariin ang aking buhok. Hindi ko pa nga nareresolba ang una naming problema, nalaman pa ni Airah ang pagsisinungaling ko. 'Tangina! Ba't ba ang hirap para sa kanya na intindihin ang side ko? Tsk.' Habang inis na inis ako sa mga oras na 'to, bigla namang tumunog ang aking cellphone. Nasa tabi ko lang ito kaya nababasa ko agad kung sino ang tumatawag. "Why mom?", bungad kong tanong sa kanya nang masagot ko ang tawag. Medyo badtrip kasi ako kaya iba ang dating ng aking pananalita. "Bakit parang iba ang tono ng boses mo, son? Is there a problem?", she asked na tila ba nahalata nito ang pagkainis ko. "Wala naman.", tipid kong turan. Ayoko munang ipaalam sa kanya ang tungkol sa nangyayar

