Chapter 70 "HE'S MY BOSS" BOOK 2 Gino's POV: "Magkakabalikan kami. Magiging kami ulit ng kuya Gino mo. Hindi lang siguro ngayon.", Tila ume-eco sa tenga ko ang linyang binitawan ni Airah. Hindi ko alam kung anong una kong mararamdaman. Bakit n'ya ba sinasabi 'to? Siya ang nagdesisyon na maghiwalay kami. Siya rin ang unang nang-iwan. Tapos ang lakas ng loob n'yang sabihin 'yon? Para ano? Para saktan ulit ako? Palihim tuloy akong napakuyom ng kamao dahil sa galit na s'yang mas umapaw sa damdamin ko. Malinaw na sa akin ang lahat na pinaglalaruan lang ako nito. Ginagawa n'ya lang 'to para guluhin ang isip ko. And f**k, I hate it! "Gino hijo, hindi mo man lang sinabi sa akin na pupunta ka.", malumanay na wika ni Mother sa amin. Agad akong napatayo kasabay ng pagmano rito. "

