Chapter 63 "HE'S MY BOSS" BOOK 2 Gino's POV: "Goodmorning Gino!", masiglang bati ni Maxine nang makatungo ako sa kusina. Kakagising ko lang kasi at balak ko sanang magtimpla ng kape. Pero ang dalaga mismo ang siyang bumungad sa harapan ko. Hawak nito ang isang plato na may laman na mga cookies. "Saktong-sakto ang pag-gising mo dahil tapos na akong magbake. So taste it.", aya niya kasabay ng paglahad nito ng cookies sa aking bibig. "Come on. Kagatin mo na. Walang lason 'yan noh.", she said again nang hindi ko pa kinakagat ito. Bahagya akong napangiti at unti-unti na rin akong kumagat sa hawak niyang cookies. "What can you say? Masarap ba?", "Hindi.", tipid kong tugon sa tanong ng dalaga. "Seryoso?", disappoint niyang bigkas at siya na rin itong kumagat. "Hindi naman eh. Tamang-t

