Nakatayo si Vince, nakangiti naman pero halatang may iniisip. "Ate..." "O? May kailangan ka ba?" may pagtatakang tanong ko. Nagkamot siya ng batok. "Si Kuya Axton kasi… umalis na ng isla kanina pa. Emergency daw." Parang may humila pababa sa puso ko. "Ha? Anong emergency? Kanina pa? Bakit ngayon mo lang sinabi sa akin?" Tumango si Vince, mukhang wala ring ideya. Baka nga napag-utusan lang talaga ang isang ito. "Mga around 5 AM daw. Nakausap nila Daddy at Uncle Sander. May biglaang nangyari sa Manila. Kailangan niyang bumalik agad. Sorry, Ate, hindi ka na niya ginising. Baka raw pagod ka pa, kasi nag-night swimming pa raw yata kayo kagabi, 'di ba?" Hindi ko alam kung ano ang mas nangingibabaw, ang pag-aalala o ang sakit. Bakit hindi man lang siya nagpaalam? Kahit isang text, kahit is

