Vielle’s POV Nakatitig lang ako sa bintana ng kotse habang binabagtas namin ang EDSA. Ang bilis ng pagpapatakbo ni Labhran… mas mabilis pa yata kaysa sa normal niyang pagmamaneho kapag nagmamadali kami papunta sa rehearsals. Hindi ko maiwasang mapahawak sa seatbelt ko at makaramdam ng kaba sa dibdib ko. “Labhran…” mahinang tawag ko habang pinapanood kong sumabay ang isang itim na SUV sa likod namin. Parang hindi lang isa, kundi may pangalawa pa sa kabilang lane. “Anong nangyayari? Bakit parang may hinahabol tayo? o may humahabol ba sa atin?” Hindi siya agad sumagot. Nakatingin lang siya sa kalsada, seryoso ang mukha. Nakatiim din ang mukha niya na parang may tinitimbang sa isip. “Labhran,” ulit ko, mas madiin na ngayon. “You’re scaring me. Kanina pa ako nagtatanong, bakit parang ang

