Ayanna’s POV
“Lily, ang tagal naman yata ni Vielle na bumalik? Baka kung napaano na ‘yon!” nag-aalalang tanong ko.
“Hayaan mo lang. Mukhang na-heartbroken. Iyon naman kasing kakambal mo, nakakainis!” nakasimangot na sagot ni Lily, saka sumimsim sa red wine niya.
“Hindi ko rin maintindihan ang kapatid kongi yon. Basta si Vielle na ang usapan, nag-iiba ang ugali. Madalas pikon pa,” sagot naman ni Ayanna.
Lumipas pa ang dalawang oras at unti-unti nang nag-uuwian ang mga bisita. Ngunit hanggang sa mga pagkakataong iyon ay hindi na bumalik pa si Vielle sa mesa nila.
“Lily, where is Vielle?” tanong ni Tita Bel.
“Ah, nandiyan lang po kanina, Tita, eh. Medyo nakainom na po iyon. Baka bumalik na sa room niya rito sa hotel,” pagkakaila ni Lily. Bahagya pa siyang sumulyap sa akin.
“Ah, opo, Tita. Don’t worry po, kami na ang bahala!” Segunda ko sa sinabi ni Lily. Pero sa totoo lang ay kinakabahan na rin talaga ako.
“Sige, papupuntahan ko na lang kay–”
“Kami na lang po ang pupunta, Tita!” presinta agad ni Lily na sumuray pa nang tumayo.
Napatitig naman si Tita Bel sa kaniya. “Are you sure? Inaantok na kasi ako, kaya baka dito na lang din kami sa hotel matulog,” tanong niya.
Sunod-sunod na agad namang tumango si Lily. “Yes, Tita!”
Pagkatapos niyon ay nagpaalam na si Tita. Doon pa lang kami nakahinga nang maluwag.
“Let’s go, Lily! We have to find her, or else, her parents will kill us both!” sabi ko kay Lily.
“Yeah!” hinawakan pa nito ang kamay ko at nagtungo na kami sa suite ni Vielle.
Pagdating namin doon ay eksakto namang palabas ng kuwarto si Axton. Natigilan kami ni Lily at nanlalaki ang mga matang nagkatinginan. Pagkatapos ay muli kaming bumaling kay Axton.
“Don’t look at me like that!” masungit na banat agad sa amin ni Axton kaya tumaas ang mga kilay namin.
“And what did you do to Vielle?” namaywang pa ako sa harapan niya nang lumapit kami.
“She went to my room drunk and slept there. Dinala ko lang siya rito kasi baka kung ano pa ang isipin ng mga magulang niya!” defensive na sagot naman agad ng kakambal ko.
Pero hindi ko maintindihan kung bakit parang hindi masyadong totoo ang sinabi niya. “Really? You didn’t do anything to her?” tugis ko.
Kumunot ang noo ni Axton at dumilim ang mukha. “At ano naman ang gagawin ko sa kaniya? Sakit niya sa ulo… iinom-inom tapos hindi naman pala kaya!” paasik na sagot pa ni Axton.
“Hoy, grabe ka naman sa kaibigan namin. Siyempre birthday niya, kaya deserve naman niyang sumaya!” asik ni Lily sa kaniya. Halos mapilipit ang dila nito sa pagsasalita ng Tagalog. Gaya ko ay medyo hirap din kasi ito.
“Bahala nga kayo sa mga buhay ni’yo! Umuwi na kayo at huwag ni’yo na siyang istorbohin!” taboy pa nito sa amin.
“No! we have to make sure that she’s safe!” giit ni Lily at lumakad na papunta sa kuwarto ni Vielle. Kaya lang napahinto rin siya kasi wala siyang keycard ng kuwarto.
Kaya naman umikot siya para lingunin si Axton na ngayon ay nakangisi na. “Paano mo ito nabuksan kanina?”
“Kasama ko si Vielle kanina, kaya malamang may susi siya!” pabalewalang sagot lang ni Axton. Umirap naman si Lily at bumalik na sa tabi ko.
“Axton, are you really sure that Vielle is alright? We have to report it back to Tita Bel and Uncle Ram,” banayad ko namang tanong kay Axton.
“Oo nga, sbai, eh! Uuwi na ako!” masungit na sagot nito at tumalikod na sa amin. Lumakad na siya papunta sa elevator. At pinanood pa namin siya ni Lily na sumakay doon.
“Let’s go, Ayanna… let’s just tell Tita about this.” Anyaya sa akin ni Lily. Tumango na lamang ako at sumunod sa kaniya.
Vielle’s POV
I woke up in an unfamiliar room and couldn’t even fathom how painful my head was. Basta ang alam ko lang, parang minamartilyo ang ulo ko.
Sinubukan kong idilat ang mga mata ko ngunit mabigat ang talukap ng mga ito kaya muli akong pumikit. Ngunit nang maalala ang naganap kagabi ay bigla akong napamulagat at agad na bumalikwas ng bangon.
I remember how hot I was feeling that time. My body was activating something I had never felt before.
“So damn, beautiful!” narinig kong sambit ni Axton bago ako napasigaw nang malakas!
Muli akong napapikit at pinagdikit ang mga hita ko. Para bang nararamdaman ko pa rin hanggang ngayon ang init ng hininga niya nang dumampi ang mga labi niya sa p********e ko.
“s**t! s**t!” halos masabunutan ko ang sarili ko. Patuloy na dumaloy ang alaala ng nagdaang gabi.
“Axton, ahh!” muli kong ungol. Narinig ko ang mga pagmumura niya dahil sa mga hindi ko mapigilang ungol.
Para akong masisiraan ng bait. Literal na hinahalikan niya ako roon sa ‘ano’ ko. Pakiramdam ko tuloy ay isang drum na alak ang nainom ko dahil sa sidhi ng nararamdaman kong init ng buong katawan ko.
“Hmm… I love this sweetness…” usal pa ni Axton. At ganoon na lamang ang pagliyad ko nang biglang humagod ang dila niya sa hiwa ko.
Parang isang bugso ng nakakakiliting kuryente ang umatake sa akin. Kumibot ang laman ko at lalong dumaloy ang katas mula sa akin. Kusang nanigas at napatingaro rin ang mga u***g ko.
Tuloy-tuloy niyang ginawa iyon kaya para akong nangingilo sa sobrang sarap na halos umalipin sa buong sistema ko. Hindi nagtagal ay mabilis nang nanginig ang buong katawan ko.
“Ahh!” isang malakas na sigaw ang pinakawalan ko at halos mapaiyak pa ako. Isang pagsabog sa loob ko ang hindi ko inaasahang nangyari.
Ni hindi na rin mapakali ang balakang ko pero wala akong magawa dahil kontrolado iyon ng mga kamay niya. Hindi ko akalaing mayroon palang ganitong klase ng pakiramdam. Paano na lang pala kung iyong mismong s*x na?
Kaya naman pala marami ang nagnanais na gawin ito. Masarap naman pala talaga sa pakiramdam. Isang damdamin ang binuhay ni Axton sa pagkatao ko at ngayon ay ayaw ko nang huminto pa siya sa ginagawang pagpapala sa kaselanan ko.
Hindi ko alam kung epekto ba ito ng nainom kong alak, o ano. Pero nakakaliyo na tila ba may mga bituing naglalaro sa ibabaw ng mga mata ko.
Pagkatapos niyon ay hindi ko na napigilan pa ang sarili na hilahin ng matinding antok. Pagkatapos ng isang malakas at masidhing damdamin ay parang hinugot ang lahat ng lakas ko. Kahit anong pigil ko ay ginapi na ng dilim ang diwa ko.
At ngayong gising na ako ay hindi ko alam o maalala kung ano ang sumunod na nangyari. Naririto na ako sa suite ko. Pero sigurado akong hindi ako rito dinala ni Axton kagabi. Ngunit mag-isa lang ako rito at wala na siya.
Bumangon ako at naligo. Saka ko napansin na maging ang bag at cellphone ko ay nasa mesa sa gilid ng kama. Kaya pagkabihis ko ay lumabas na ako ng silid at nagpunta sa suite nina Mommy at Daddy.
“Vielle! May kailangan ka ba?” nakangiting tanong ni Mommy. Sa hitsura nito ay mukhang naistorbo ko ang moment nila ni Daddy kaya natawa ako.
“Sorry, Mommy! Mag-order na lang po ako ng pagkain sa room ko,” pigil ang ngiting saad ko.
Mahinang natawa si Mommy. Namumula pa nga ang pisngi dahil mukhang nahuhulaan na niya ang iniisip ko.
“Alright, baby… you can visit your condo later… it’s ready for you!” sabi ni Mommy.
Lumobo naman sa galak ang puso ko dahil sa narinig. “Thank you, Mommy! Excited na po ako!” nayakap ko pa siya sa matinding excitement.
“Yeah… pero uuwi ka pa rin nang madalas okay? Saka ‘no boys are allowed’ sa condo mo. Bata ka pa!” medyo lumabi pa si Mommy.
Hilaw naman akong tumawa nang biglang maalala ang ginawa namin ni Axton. Hanggang ngayon nga ay hindi ako makapaniwalang nangyari iyon.
“Of course, Mom!” sagot ko, kahit na biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko. “Sige po, ituloy ni’yo na ni Daddy ang bonding ni’yo!”
Napahagikgik pa ako nang isara na ni Mommy ang pintuan. Kahit ako talaga ay laging kinikilig kina Mommy at Daddy. Lalo sa bahay, sobrang sweet ni Daddy. Sana talaga ganoon din si Axton sa akin in the future!
“Teka… since may namagitan na sa amin, ibig bang sabihin no’n, eh, kami na?” pabulong na tanong ko sa sarili habang naglalakad pabalik sa kwarto ko. Kinikilig talaga ako kasi ang intimate namin kagabi. At sa special day ko pa!
Pagbalik ko sa kuwarto ko ay tumawag agad ako ng room service. At habang hinihintay ko ang pagdating ng pagkain ay isa-isa kong tinitingnan ang mga picture ni Axton. Iyong iba ay kinuha ko sa social media account niya.
Kaya lang tatlo lang ang pictures niya roon. Kaya ang marami ay puro stolen shots. Napapangiti talaga ako kasi kahit saang Anggulo tingnan, sobrang guwapo niya talaga. Kuhang-kuha niya ang kaguwapuhan ni Uncle Marco at ang magagandang mga mata ni Tita Addie.
Nasa ganitong eksena ako nang biglang may tumawag. Lumabas agad sa screen ang pangalan ni Lily kaya napangiti ako nang sagutin iyon.
“Good morning!” matinis ang boses na bati ko sa kaniya.
“Anong good morning, tanghali na ano!” asik nito agad sa akin kaya natawa ako. “Do you even realize that you left us for more than two hours last night?” sermon pa nito sa akin.
Lalo lamang akong napangiti. Pero syempre, wala akong balak sabihin kung nasaan ako nang mga oras na iyon.
“Well, I had too many drinks, so–”
“So, you went to Axton’s room? My God, Vielle! Are you that desperate?” patuloy na sermon nito sa akin kaya nabura ang tawa ko at napanganga.
“What? Hindi ak…” ngunit ako mismo ang natigilan. Technically, hindi naman talaga ako nagpunta sa kwarto ni Axton. Dinala niya ako roon, at iyon ang totoo
“O? Bakit natigilan ka? You cannot deny it! Nahuli namin ni Ayanna na lumabas si Axton sa kuwarto mo. Did you purposely go to his room. Ano iyan, mala-Dreame or Yugto app na naligaw ka sa ibang hotel room?” may halong pambubuskang saad nito.
Napalunok ako at lalong hindi nakasagot. Bigla akong kinabahan kasi baka malaman ni Daddy iyon. Maliban kina Ayanna at Lily ay wala nang iba pang nakakaalam na crush ko si Axton. Isa pa, tiwala naman ako na hindi makikialam o mambubuking si Ayanna.
“Hindi ko na matandaan ang nangyari,” kunwari ay sabi ko. Narinig ko naman ang buntong-hininga niya sa kabilang linya.
“Malamang! Sa dami ba naman ng ininom mo. Saka suwerte mo kasi kahit medyo may kasungitan iyong si Axton ay napaka-gentleman naman!” sagot ni Lily.
Nasapo ko ang dibdib ko at kahit papaano ay nakahinga ako nang maluwag.
“Please don’t tell anyone about this, okay? Please tell Ayanna!” pakiusap ko.
“Of course! Nakakatakot kaya magalit si Uncle Ram! Parang si Daddy ko lang din, sobrang higpit pagdating sa boys!” mabilis na sagot ni Lily.
“Ay, siya nga pala, sabi ni Mommy ay puwede na akong lumipat sa condo ko anytime! Party-party tayo doon!” kinikilig na pagbabalita ko sa kaniya.
“Wow, talaga? Grabe, nakakainggit ka talaga!” bakas ang inggit sa boses ni Lily.
“Teka lang, eh, hindi ba ikaw din naman, may sarili nang penthouse?” tanong ko. Saka ilang high-end apartment ang nakapangalan sa kaniya. Mayroon din siyang sariling unit sa Zeus Residential Tower na pag-aari ng Mommy niya.
“Asa ka namang papayag talaga si Daddy. Iyong pag-aaral nga natin sa Switzerland mukhang nanganganib pang hindi matuloy,” sabi niya.
Hindi ako nakasagot kasi may nag-doorbell. “Lily, tawag na lang ako mamaya. Dumating na yata ang pagkain ko. Ba-bye!” pinatay ko na ang tawag at iniwan ang cellphone sa kama ko.
Mabilis kong tinungo ang pintuan. Nang buksan ko iyon ay agad akong napanganga nang makita kung sino ang naroroon…
Si Axton!
“A-Anong ginagawa mo rito?” napapalunok na tanong ko. Hindi ko malaman kung bakit parang biglang nablangko ang utak ko at ganito na lamang kalakas ang kabog ng dibdib ko.
“I bought some food! Mabuti naman at gising ka na,” pormal na saad niya at tuloy-tuloy na pumasok sa kuwarto ko.
Mabilis kong inayos ang sarili ko. Bigla kong na-realize na hindi pa pala ako nakakapagsuklay. Ano ba iyan, nakakahiya! Hindi pa man lang ako nakakapag-ayos ng sarili. hindi pa naman ako humaharap kay Axton nang hindi nakaayos ng bonggang-bongga.
“T-Thanks… pero nag-order na ako…” alanganing sagot ko. Kabadong-kabado kasi talaga ako.
“Does that mean you do not like what I brought?” taas ang kilay na tanong niya nang lingunin ako.
Mabilis naman akong umiling. “Hoy, hindi, ah! Siyempre, gusto ko. Saka, nag-order ako, kasi gutom na rin talaga ako. Hindi ko naman akalaing pupunta ka rito.”
Sinundan ko siya sa may dining area. Inilapag niya ang mga pagkain doon at nagsimulang ihain iyon. Pinanood ko lang siya kasi hindi ko alam kung tutulungan ko ba siya o ano.
“Let’s eat!” sa wakas ay sabi niya nang maiayos na ang mga dala niya. Medyo marami rin iyon. Parang hindi naman namin mauubos iyon.
Pasagot pa lang sana ako nang muling tumunog ang doorbell ko. “Baka iyan na iyong order ko. Wait lang at–”
“Don’t bother! Ako na ang bahala,” pigil niya sa akin at malalaki ang hakbang na tinungo ang pintuan. “Maupo ka na at kumain!” utos niya kaya nanlaki ang mga mata ko.
Sa halip na makipagtalo pa ay sinunod ko na lang ang gusto niya. Ayaw ko namang matarayan, lalo at masaya nga ako na nandito siya.
Pagbalik niya ay kumunot ang noo ko kasi wala naman siyang dalang kahit na anong pagkain.
“Nasaan iyong mga food?” gulat at nagtatakang tanong ko.
“I gave it to the staff as a treat. Now, eat!” malamig na sagot niya at naupo na rin sa tapat ko.Tahimik siyang nagkarga ng pagkain sa pinggan niya.
Tapos napasinghap ako nang mag-angat siya ng tingin sa akin. “Eat. Why are you staring at me? Ako ba ang gusto mong kainin?” mapaglarong tanong niya kaya nayanig ang buong sitema ko.
At sa matinding pagkagulat dahil hindi ko inaasahang sasabihin niya iyon ay napaawang lang ang mga labi ko. Ni walang anumang salita ang namutawi sa bibig ko.
“Vielle… okay ka lang ba?” tila naaaliw na tanong niya kasi hindi na ako nakapagsalita.
Hinam,ig ko ang sarili at tumikhim. “Sorry… may naalala lang ako,” kaila ko at binawi na ang tingin mula sa kanya. Ang lamig-lamig ng mga kamay ko sa kaba, at halos marinig ko na ang kabog ng puso ko.
Ano ba ang nangyayari sa akin? Nakakaloka! Ang lakas talaga ng dating ng Axton na ito sa akin. Parang umuurong ang dila ko, at parang sasabog na ang dibdib ko.
“What will you be doing after this?” maya-maya ay tanong niya. Doon ko lang napagtantong kanina ko pa pala halos pinipigilan ang huminga.
“I-I will visit my condo…” medyo nautal na sagot ko.
“You’re allowed to have your own condo?” tanong niya. Hindi ako sure pero parang nakangiti ang mga mata niya.
“Yes. My parents allowed me,” sagot ko naman.
“About what happened last night–”
“Ah, salamat nga pala sa paghahatid sa akin dito!” putol ko sa kanya. Nagliyab kasi ang mukha ko sa gusto niyang pag-usapan.
“Then, why are you all red?” tanong niya, bakas ang pagkaaliw sa mukha niya. “Are you thinking about it again?” dagdag pa nito na lalong nagpainit ng muklha ko. Sigurado akong mukha na akong hinog na kamatis ngayon.
“I don’t want to talk about it!” nahihiyang sabi ko. Ngayon ay hindi ko an maintindihan pa ang lasa nitong kinakain ko dahil sa matinding hiya.
“Why now? I think you liked what happened! Kaya lang ang daya mo!”
Marahas akong napatingin sa kanya. “Ang daya? And why is that?”
Ngumisi siya nang sumubo. “Tinulugan mo ako…”
Muli akong napayuko at napapikit. Diyos ko, sana naman iba na lang ang topic. Kumakain kami, pero iyong pagkain niya sa akin ang pinag-uusapan namin. Ano ba ito! This is so damn awkward, but he seems to be enjoying it!
“I’m free today. Puwede kitang samahan,” bigla ay sabi niya. My heart hammered with excitement again.
“Talaga?”
Tumango naman siya. “But you have to do a favor for me,” sagot niya.
“Favor? Oo naman, kahit ano!” agad kong tugon. Hindi ko mapigilang hindi mapangiti at kiligin.
“Deal!” deklara nito. “Continue eating.” Tumango lang ako at ipinagpatuloy ang pagkain. Siguro hindi naman mahirap iyong favor na hihingin niya.
“Wow! Ang bait naman ng twin brother ko! Are you really here to help us?” pang-aasar ni Ayanna kay Axton nang marating na namin ang condo ko. Nauna na sila roon ni Lily kasi nga may dinaanan pa kami ni Axton.
“Shut up, Ayanna! Why are you even here? You should be preparing for your exams, right?” asik naman ni Axton sa kapatid. Nagkatinginan kami ni Lily kasi parang aso’t pusa talaga ang dalawang ito.
“By the way, malapit na pala ang birthday ni’yong dalawa! Advanced happy birthday!” bati ko sa kambal.
“Yeah, I am very excited, too!” makahulugang sagot agad ni Ayanna.
“Axton, meron ka bang gustong regalo sa birthday mo?” baling ko kay Axton.
Matiim naman niya akong tinitigan kaya napalunok ako. “Why? Are you willing to give it to me?” mahinang tanong niya. Dahil lumayo sina Ayanna at Lily sa amin ay hindi nila narinig iyon.
Tumango ako. “Oo naman… basta kaya ko!”
“I will think about it, then…” tugon niya. Pagkatapos ay inumpisahan na namin ang pag-aayos ng ilang gamit sa condo ko.
“Guys, papunta na raw sina Asher at Markie!” pasigaw na pagbabalita sa amin ni Ayanna.
“Ano pa bang kulang na pagkain?” medyo aligaga nang tanong ko. “Kakasya ba tayo lahat dito?” may pag-aalalang tanong ko.
“Of course! Ang laki-laki nitong condo mo,” sabi naman ni Lily na kasalukuyang ibinababa ang inorder nilang red cake. May kulay puting lettering sa ibabaw niyon kung saan nakalagay ng ‘Congratulations AV’. Initials ng mga pangalan kong Avielle Venize.
“Nasaan na pala si Axton, Ayanna? Akala ko ba saglit lang siya?” kunot-noong tanong ko. Kinakabahan kasi ako na baka bigla siyang may ibang lakad at wala siya sa welcome party ko.
“May bibilhin lang daw. Huwag kang mag-alala, hindi ka matitiis no’n!” makahulugang saad ni Ayanna at nagngitian pa sila ni Lily.
“Siya nga pala, na-invite mo rin ba sina Kuya Christian?” tanong ni Ayanna. Pero alam naman naming pareho ni Lily na si Kuya Charlie talaga ang gusto niyang makita.
“Yup, I invited him and Kuya Charlie, of course!” sagot ko.
“Sayang lang kasi wala sina Ate Avez at Kuya Llander, ano?” may panghihinayang na saad ni Lily. Ang dalawang iyon kasi ay nasa London na ngayon para sa kanilang Law degree.
“Grabe iyong pagmamahal ni Kuya Llander kay Ate Avez! Talagang binantayan hanggang London!” kinikilig na komento ni Ayanna. Ang cute-cute talaga ng accent niya kapag nagtatagalog.
“Oo nga! Sana all na lang talaga,” komento ko naman.
"Vielle, you know what, ang ganda talaga ng condo mo! Sobrang worth it ng paghihintay!" halos tili ni Lily, habang kinukuhanan ng mga larawan ang bawat sulok ng unit.
"Parang hotel, ‘no?" dagdag ni Ayanna, at pinasadahan ng tingin ang floor-to-ceiling windows na may overlooking view ng Manila skyline. "Ang taas ng standard ng parents mo, Avielle Venize. Condo pa lang, mukhang worth tens of millions na!"
“Sus! Akala ni’yo naman iyong sa inyo hindi mas mahal. Lalo na itong si Lily!” sabi ko naman.
Napangiti ako habang inaayos ang iba pang kailangan sa table. Naririto na ang mga inihanda naming pagkain – pizzas, pasta, sushi platters, at isang malaking cake na regalo ni Lily. Mayroon ding steak at seafoods.
This is my first place. My own space. My first big step into adulthood.
Maya-maya ay dumating na sina Asher at Markie, parehong naka-streetwear outfits na parang mga models lang na lumabas sa magazine.
"And we're here!" sigaw ni Markie, nakataas pa ang dalawang kamay.
“Hello ladies!” bati sa amin ni Asher. Our mysterious Guillard Asher na piling-pili lang ang nginingitian.
Kasunod nila sina Kuya Christian at Kuya Charlie, parehong may dalang wine at additional snacks.
"Sayang, ‘di nakarating ‘yong iba," sabi ni Kuya Christian habang inilalapag ang dala.
"Oo nga, but at least nandito tayo," dagdag ni Charlie bago tumingin sa akin. "Where's the birthday girl’s favorite person, huh?"
Alam kong si Axton ang tinutukoy niya.
I forced a small smile. "Hindi pa siya bumabalik."
Biglang nagpalitan ng tingin sina Lily at Ayanna. Ako rin, hindi ko alam bakit pero parang may bumigat sa pakiramdam ko.
Hanggang sa tumunog ang doorbell, at ang lahat ay agad na napatingin sa pinto.
Inabangan namin na bumukas iyon pagkatapos i-unlock ni Ayanna. At doon, nakita ko si Axton.
He was standing there in his usual sleek black outfit, holding the biggest bouquet of red roses I had ever seen. 40 or maybe 50 long-stemmed Ecuadorian roses, perfectly arranged with black and gold wrapping.
At sa kabilang kamay niya ay may dala siyang isang eleganteng white box na may gold embossed logo at white satin ribbon.
My heart skipped a beat.
He came back.
He walked in casually, pero halata sa kaniya na medyo nailing siya na nakatutok sa kaniya ang atensyon namin. Lahat nakatingin sa kaniya habang naglalakad papalapit sa akin. Then, without saying a word, he handed me the roses.
Lily gasped dramatically. "Okay, Axton, anong drama ‘to?"
"Open the box na agad, Vielle!" dagdag ni Markie, na halatang excited. Si Ayanna ay tila proud lang na nakatingin sa kakambal niya.
Gamit ang isang kamay, binuksan ko ang luxury box at unti-unting tinanggal ang ribbon. Pag-angat ko ng takip, napasinghap si Ayanna.
It was a complete set of diamond jewelry.
A pair of 2-carat diamond stud earrings, a white-gold necklace with a 5-carat pear-shaped diamond pendant, a tennis bracelet encrusted with rows of diamonds, and a matching diamond ring, solitaire-style, at least 3 carats in size.
"OH, MY GOD," sabay-sabay na bulalas namin nina Lily at Ayanna.
"As in legit ‘yan?!" tanong ni Ayanna.
Kuya Christian stared at the set like it was a museum piece.
"Baka peke iyan, ah," biro naman ni Kuya Charlie, pero bakas sa mukha niya ang saya.
Hindi ako nakapagsalita. I just stared at Axton, while my heart was racing.
Hindi naman siya nag-react sa gulat nilang mga mukha. He just kept his hands in his pockets, his expression calm but expressionless.
"Hindi mo na kailangang suotin," sabi niya sa wakas. "I just hope you’ll like them. It’s my welcome gift."
What does that even mean?
But more importantly, why does it feel like my heart is about to explode? Diyos ko, binigyan niya ako ng isang set na alam kong milyon-milyon ang halaga! Damn!
Si Axton ang nagbigay! Si Axton Aguilar! Parang gusto kong umiyak, yakapin at halikan siya. Kaya lang ang dami namin dito. Hindi puwede!
Shit lang talaga! Hindi ko akalaing kaya ng lalaking ito ang magpakilig nang ganito.