ALEXANDRA KATE POV
Malalim ang aking buntong hininga ng maalala ko ang nangyari kanina. Sasabihin ko ba sa kanya na buntis ako?
"Kate, tulala ka naman jan!" Tapik saakin ni Mia kaya napabalik ako sa ulirat. Ano ba to? Naguguluhan naako.
"Huh?"
"Huh? Huh huh ka nalang ba?" Napailing naman akong umirap kay Mia.
"Mia, baka nakakalimutan mo, may kasalanan kapa saakin kanina" inis sa boses ko. Nang maalala ko yun kanina.
"Ano naman ang ginawa ko?"
"Di mo alam? Alam mo ba na patay kana sana ngayon na hindi ko pinigilan si Kiven" nakita ko naman ang pagkagulat sa mukha nito.
"Totoo?"
"Oo, bakit ka kasi pumunta doon? Pasalamat ka nalang na napigilan ko pa s'ya kanina na wag kang patayin" nalungkot naman ito kaya tinapik ko nalang ang kanyang balikat.
" Pero di ko naman hahayaan na patayin ka n'ya no, kaibigan kaya kita" Ngumiti naman itong tumingin saakin.
"Talaga? Sorry, Kate. Akala ko kasi makakatulong ako kapag ginawa ko iyon, pero lalo tuloy lumala"
"Ayos lang saakin, Mia. Wag mo nalang uulitin" sambit ko sa kanya. Kinuha ko na lamang ang pagkain na nasa dining bago naglakad papunta sa table 35.
Napapatakip paako sa ilong ko, dahil sa amoy ng karne. Ayaw ko talaga ang amoy ng karne ng baboy, pero gusto ko ang bacon na gawa sa beef.
"Ito napo ang order n'yo, Sir" magalang na paglagay ko ng pagkain sa mesa. Tatlong lalaki sila ang nandito.
"Salamat" Sabi ng isa na may masamang tingin kaya umalis nalang ako. Iba kasi ang tingin nila saakin e.
Manyakis nga naman...
Mga ilang oras din ay nagseserve parin ako ng pagkain ng bigla na lamang may tumawag saakin. Tatlong kalakihan na binigyan ko kanina ng mga pagkain. Sila yon?
"Waiter!" Sigaw nito saakin. Pumunta agad ako sa kanilang harapan. Ang mga sout nila ay parang mga gangster, maraming tattoo at earings at yon ang pinakaayaw ko sa mga lalaki.
"Bakit po Sir?" kalmadong sambit ko sa kanila.
"Ganito ba kayo magbigay ng pagkain sa mga costumer n'yo?"
"Huh, ano po?"
"Tignan mo may ipis na hinain n'yo sa pagkain" Turo nito saakin. May nakita nga akong ipis, pero di ko alam kung maniniwala ba ako sa kanila.
"Sorry po, Sir pero mahigpit po kami dito at lahat ng sineserve namin ay malinis" kalmadong depensa ko.
"So ano to?" Pinakita n'ya saakin ang ipis bago inihagis saakin. Napaigtad paako sa gulat ng ginawa n'ya iyon saakin.
"Ano ang bagay nayan?" Sigaw nito saakin na ikinayuko ko na lamang.
"Hah! Ano?... malinis parin ba ito?" Diin na sambit saakin. Lumapit pa ito saakin na bahagya pang sumisinghot sa buhok ko. Ang baho n'ya subra. Nasusuka ako sa amoy n'ya.
"Lumayo nga kayo saakin!" Galit sa boses ko. Nagulat naman ito sa pagtulak ko sa kanya kaya napapikit nalang ako sa ginawa ko ngayon. Ayaw ko kasi ng amoy e.
"Boss, ano patayin na ba natin?" Rinig kong bulong ng tauhan nito. Nakatingin narin ang mga ibang costumer sa gawi namin.
"Sir, inuulit ko po, walang pagkain na marumi sa restaurant na ito. Lahat dito ay malinis" lakas loob kong sagot sa kanila. Kinuyom ko ang aking kamao ng tumawa lang ang tatlo.
"So kami ngayon ang sinungaling?"
Tinignan ko naman ang pagkain na sinerve ko kanina, s**t inubos naman lahat. Ano ang mali sa sinerve ko?
Napatingin ako ng seryuso sa kanila ng makasigurado ako na malinis ang pagkain ng restaurant na ito.
"Magbayad nalang po kayo sa babaeng yon" turo ko.
"Wag na po kayo maghanap ng gulo dito"dagdag ko pa. Kumunot naman ang noo nila sa ginawa kong kabastosan.
"Gusto mo bang mawalan ng trabaho?"
Di naman ako natatakot sa kanila, mas nakakatakot parin si Kiven.
"Pinapaalis mo kami!" Sigaw nito saakin.
Tinignan ko lang sila ng masama, di ko alam kung bakit bigla ako tumapang ngayon. Epekto parin ba ito ng pagbubuntis ko?
"Hindi po, pero nakakaabala na kayo!"
"Talaga lang hah!"
Sumigaw ito saakin bago tumingin sa mga taong nakatingin saamin ngayon.
"Kayong lahat, wag kayong kakain ulit sa restaurant na ito, tignan n'yo di malinis ang pagkakagawa nila sa pagkain" pinakita niya ang ipis sa mga costumer kaya tinabig ko ang kamay niya.
"Sumusubra na po kayo!" Sigaw ko.
"Tignan n'yo, di rin sila marunong gumalang sa mga costumer!" tingin nito sa mga tao.
"Bakit? igagalang kolang ang dapat na igalang ko" diin na sambit ko sa kanya na umarko naman ang kilay nito.
"Ikaw babae ka napakabungangera mo!" Inis pagtulak tulak nito saakin.
Nagsimula narin ang bulungan ng costumer kaya napapayuko na lamang ako. Narinig ko ang boses ni Mia at Manager kaya napatingin ako doon.
"Anong nangyayari dito?" Tanong ng Manager.
"Ikaw ba ang Manager sa restaurant na ito?"
"Ako nga, bakit?"
"Sabihin mo sa staff mo, na gawin ang trabaho n'ya ng maayos, look tignan mo ang binigay n'yang pagkain, may ipis" paliwanag nito saakin, di naman totoo.
"Totoo ba, Kate?" Tanong ng Manager. Umiling naman ako, dahil nagsisinungaling naman talaga sila.
"Anong hindi totoo! Totoo ang sinasabi ko, sampalin kitang babae ka e" galit sa boses nito, pero sinamaan ko lang siya ng tingin.
"Kung may ipis yong kinakain n'yo di sana sinabi n'yo saakin na hindi nauubos ang pagkain" tumingin naman sina Mia at Manager sa mga pagkain na ubos na sa mesa.
"Ano ang masasabi mo, Mister?" Sarkastikong sagot ni Mia sa kanya.
"Wala pa yon kanina" sagot nito saamin. Tinignan ko naman sila ng masama.
"Bayaran n'yo nalang po yung kinain n'yo at umalis" diin na sambit ko sa kanilang tatlo.
"Ikaw!!buweset kang babae ka!" Galit sa boses nitong pagtulak saakin kaya napaupo ako sa sahig.
"Ahh!" Daing ko. Ang sakit ng balakang ko.
"Kate, ayos ka lang ba?" Punta saakin ni Mia. Aray!! Ang sakit talaga ng balakang ko.
"Kate, ayos kalang ba?" Tanong ng Manager.
"Bagay lang sayo yan, buwiset ka!" Galit sa boses nito bago umalis kasama ang kanyang alipores.
"Kate, ayos kalang?"
"Mia, ang sakit ng tiyan ko" hawak ko saaking tiyan. Ang sakit.
"Anong nangyayari sayo, Kate" pag alala sa boses ni Mia at Manager. Ang sakit ng balakang ko lalo nayong tiyan ko.
"Mia, ang baby ko" nanginginig ang kamay ko ng may nakita akong dugo na dumaloy sa hita ko.
"Tumawag kayo ng ambulansya!" Sigaw ng Manager. Napaiyak naman ako sa sakit at kasama narin ang kalagayan ng baby ko.
"Mia, ang baby ko" hagulgul na iyak ko sa kanya. Sa mga oras na ito ay takot na takot para saaming dalawa ng baby ko.
"Wag kang mag-alala, magiging ligtas ang baby mo" pagpapahinahon saakin ni Mia.
"Ahhhh!, Mia!!" Sigaw ko sa sakit. Lalong dumami ang dumaloy na dugo sa hita ko. Natatakot ako, ano nang mangyayari sa baby ko? Sana di nalang ako nakipagsumbatan.
Baby kumapit kalang sa tummy ni Mommy, okay.
"No, ang baby ko!"
"Mia, ang baby ko" Pag iling ko, bago ako nawalan ng malay.
_
Napabalikwas ako ng bangon ng magising ako sa tunog ng isang sanggol na umiiyak.
"Baby" sigaw ko.
"Ang baby ko!" Sigaw ko haggang sa may bumukas ng pintoan at bumungad saakin ang mukha ni Kiven.
"Honey, your awake" lapit nito saakin bago ako niyakap ng mahigpit. Naluluha paakong niyakap pabalik ito.
"Kiven, ang baby ko?" Tanong ko sa kanya na humihikbi.
"Don't worry honey, our baby is fine" sambit nito saakin na ikinahinga ko ng maluwag. Napahaplos pa ako saaking tiyan bago niyakap ito ng mahigpit.
"Why didn't you tell me?"
"Kasi... Sorry" humahulgul naakong umiyak sa kanya. Niyakap n'ya ako ng mahigpit habang napayakap naman ito saakin.
"Natakot lang kasi ako e, baka patayin mo kami ng magiging anak mo" iyak ko sa kanyang balikat. Kumilawas ito sa pagkakayakap saakin ng yumuko na lamang ako.
"Why would I do that? I love you so I'm responsible for you, I'm sorry, because I claimed you in a violent way" malumanay sa boses nito.
"I'm sorry, honey" hinalikan n'ya ang aking labi kaya pumikit nalang ako. Dinamdam ko ang halik nito na puno ng pagmamahal bago tumingin saakin na nakangiti.
"You changes me a lot, honey" ngiti nito saakin.
"You changed me, that's why I don't use protection when I touch you, I want you to get pregnant, so you can't leave me or run away" sambit nito saakin na bahagya pang hinawakan ang aking dalawang pisnge.
Isang nakakatakot na Moskovitz minahal ang simpleng katulad ko?
Di ko nga alam kong bakit s'ya ang naisip ko ng nawalan ako ng malay. Mahal ko talaga ang lalaking to.
"Kiven, mahal mo ba ako? " Tanong ko sa kanya. Tumango naman ito kaya ngumiti ako ng tipid.
"Tanggap mo ang baby natin?" Tanong ko ulit.
"Of course yes, honey. Tanggap ko ang tagapagmana ko" ngiti nito saakin. Talaga ba? Tanggap n'ya ang anak niya mula saakin?
"Kiven, sorry" paghingi ko ng tawad sa kanya.
"For what?"
"Pinaglihiman kita sa pagbubuntis ko. Natakot lang kasi ako na baka patayin mo kami ng anak mo, kapag nalaman mong nabuntis ako" di ko naman mapigilan na hindi maiyak ng maalala ko ang nangyari kanina sa sitwasyon ng baby ko. Yon na ang nakakatakot na nangyari saakin.
"No,I won't do that" yakap nito saakin. Pinapatahan n'ya ako gamit ang paghaplos nito sa likuran ko.
"Di mo ako papatayin?" Parang batang tanong ko sa kanya.
"Of course not"
"Have you ever been scared of me killing women?" Tanong nito saakin na ikinatango ko naman.
"You will know in due time why I am doing this to them, honey"
"So... please don't be afraid of me" pagsusumamo nito saakin. Tumango naman ako bilang pag sang ayon.
"Mahal din kita, Kiven" bulong ko, mukhang hindi niya naman narinig.
"What did you say, honey?" Tanong nito saakin na humiwalay sa pagkakayakap saakin.
"May sinabi ba ako?" Parang batang tanong ko.
"Yes, narinig ko" ngiti nito saakin.
"Talaga, ano ang sinabi ko?" Tanong ko sa kanya.
"That you love me" napangiti naman ako ng tipid. Mahal nga kita, Kiven. Di ko alam kung paano kita minahal.
"Honey, do you love me?" Tanong nito saakin na subrang lambing ng boses. s**t ang cute n'yang tignan.
Hinalikan ko ang kanyang labi bago tumingin sa kanya.
"Yan ang sagot ko" ngumiti naman ito na lalong dumagdag sa kagwapuhan nito kaya pinisil ko nalang ang kanyang pisnge. Ang gwapo n'ya talaga.
("Boss")
Rinig namin na katok sa pinto kaya bigla sumeryoso ang mukha nito.
"What?"
("Nahanap na po namin")
"Torture them first, I will kill the three of them" sagot nito. Sanay naman akong laging naririnig ang pagpatay n'ya di na bago saakin ang ganon.
("Copy boss")
Narinig ko ang paglakad paalis ng lalaki sa may pinto. Lumingon ulit saakin si Kiven na ngayon ay lumambot na naman espresyon ng mukha.
"Are you hungry?" Tanong nito saakin.
"Ayaw ko, mas gusto kita kainin" nakita ko naman na nagulat ito sa ginawa ko kaya napatawa nalang akong hinalikan ito.
"Cute ng honey ko" paglalambing sa boses ko.
"Naglalambing ka?" Tumango naman ako.
"Ayos na ba talaga ang baby ko?"hawak ko saaking tiyan na nginitian lamang ako.
" It's fine , honey" haplos nito saaking tiyan kaya napangiti na lamang ako.
Wala akong masasabi ngayong araw, kundi saya at kaginhawaan. Noon pinagdadasal ko na mawala saakin ang lalaking to, pero ngayon ayaw ko na siyang mawala.
Tanggap niya ako. Tanggap n'ya ang anak namin, mahal n'ya ako.
"Don't worry, I will take care of the one who did that to you" galit sa boses nito. Huminga naman ako ng malalim, dahil wala naman akong magagawa kapag nakapagdesisyon na ito.
Aaminin kong takot parin ako sa kanya, Alam kong ano mang oras ay magsasawa lang s'ya sa pagmamahal n'ya saakin.
Kung mahal n'ya ako tatanggapin ko ang pagmamahal n'ya.
"Ahhh!" Daing ko ng pinisil ang aking hita.
"Masakit pa yan" inis na sambit ko.
"I'm sorry, honey.I really need to hold back now" sambit nito saakin na tila naghihinayang.
Umaangat ako sa pagkakasandal sa kanyang dibdib kaya nakita ko na naman ang gwapong mukha nito. Ang mapupula niyang labi. Ang makinis n'yang mukha. Ang kurbada ng kanyang katawan. Lahat sa kanya ay perpekto na para saakin.
Ugali nalang ang kulang....
"Your so cute" pisil nito sa pisnge ko.
"Gutom naako" parang batang sambit ko.
"Okay I get you food" tatayo na sana ito ng hilahin ko ito paupo.
"Uwi nalang tayo, doon naako kakain" puppy eyes ko. Ngumiti ito saakin at ninakawan ako ng halik.
Nandito kasi kami ngayon sa hospital, di ko alam kung saang hospital. Di ko rin alam kung sino ang nagdala saakin ng mawalan ako ng malay. Sa mga oras nayon ay naramdaman ko ang presenya ni Kiven na binubuhat ako.
"Uwi na tayo" pangungulit ko.
"Okay"
"Thank you" parang batang ngiti ko.
"But, go to sleep. I will ask the doctor" sambit nito saakin na pinahiga ako sa hospital bed at kinamutan. Hinalikan n'ya pa ang aking noo kaya pumikit na lamang ako.
"Take rest, honey" Tumango naman ako bago pinikit ang aking mga mata.
Miss ko na ang pamilya ko..