ALEXANDRA KATE POV "Sorry, dude pero alam mong di kami kumakain ng mangga" pag-iling ni Lazarus. Napasimangot naman ako bago sumiksik sa leeg ni Kiven na nagtatampo. Pinapakain nanga e. "Ayaw nila ng mangga" parang batang wika ko sa kanyang tenga. "Can I try one" narinig ko namang nagsalita si Trey kaya malawak akong napangiti na tumingin kay Trey. "Oo naman, Ang honey ko ang nagbalat n'yan" bigay ko sa kanya. Naramdaman ko naman ang paghawak ni Kiven sa bewang ko. Nakita ko pa ang pagkuha ng dalawang kambal kaya malawak akong napangiti. Tinikman naman nila iyon at nagtataka kong bakit napapangiwi ang mukha nila e mangga lang naman kinain nila. "Kayong dalawa?" Nakita ko naman ang madilim na awra ni Kiven na tumingin sa dalawang nakadekwatro. "Taste my patience idiot!" pagbabanta sa

