ALEXANDRA KATE POV Limang araw ang lumipas.... "Ma! Di parin ba nakakakauwi si papa?" Tanong ko habang bumababa sa hagdanan. Limang araw na ang lumipas ay nararamdaman kong lalong naging busy si papa. Nag-alala nanga ako sa kanya tuwing uuwi ito ng madaling araw. "Hindi pa anak" sagot ni mama. Busy kasi ito sa pagluluto ng almusal namin ngayon. "Ano ba kasi ang trabaho ni papa? At bakit tuwing gabi ang pasok non?" Tanong kong hinahaplos haplos pa ang aking tiyan. "Ewan ko sa papa mo, anak. Di yan nagsasabi ng trabaho e" sagot ni mama. Ang laki kasi ng binibigay ni'ya kay mama. "Tawagin mo nalang ang mga kapatid mo, kakain na" di nalang ako nagsalita at dumiritso naako sa kwarto ng mga kapatid ko. "Tin-tin! Lester! Gising na!" Pagkatok ko sa kanilang kwarto. Tulog mantika na naman ang

