Chapter 19

1426 Words
Nandito na kami sa labas ng gate. Di pa kami lumalabas sa sasakyan dahil nakikiramdam ako sa kanya kung mag babago pa ba ang isip nya. Pero habang tumatagal ay parang walang plano itong umalis kaya napag disisyonan ko nang sumuko. Una na syang Bumaba at pinag buksan ako ng pinto. Sana di ma Bigla sila mama dahil nandito Lang naman sa Bahay ang kilalang tao Dito sa Cebu! Pinag buksan kami ng guard namin sabay Ang Pag bati nito samin. Mukhang na Bigla pa nga Sya dahil may kasama lang naman akong Isang gwapong nilalang. "Good afternoon po ma'am Ana, Sir Good afternoon po". Magalang na sabi ni Kuya rex Ang longtime guard namin Dito. "Manong.. Si Sir Sam po pala boss ko". "Abay napaka gwapo naman po ng boss ninyo ma'am Ana". papuri ni manong kaya napa tingin ako sa Isa Kung ano ba Ang maging reaksyon nya. "Thank you". Sabi naman ni Sam kaya tumawa nalang ako. Pa humble ! "Sige manong papasok na kami". Pag papaalam ko Kay manong rex Saka ko hinila itong mokong na to. "Pasensya kana sa Bahay namin, di masyadong magara di- " "Ano papasok ba tayo oh mag kwento ka nalang about your cute house?" Sarkastikong niyang sabi at nginitian ako! "Pumasok kana , nakaka hiya naman sayo your highness!" Sarkastiko Kung sabi saka ko Sya inirapan pero tumawa lang ito kaya umalis na ako at derederetso sa pintuan ng Bahay. Pero sumunod naman ito. Binuksan ko na ang pinto saka ko Sya pinatuloy. Medyo nahihiya talaga ako dahil panay Ang tingin nya sa loob ng Bahay naman. Simple lang naman kasi ang Bahay namin di tulad nya, siguro mansion pa! "Ana nanjan kana pala baby, Ohh??? may kasama ka ata?" Si papa Ang sumalubog sakin. Habang bitbit nito Ang tasa ng kape, Pero Bago ko pa man ipakilala si Sam yumakap at nag beso muna ako Kay papa. "Papa ammm- Si Sir Samuel po. Boss ko". Naiilang Kung pakilala Kay papa. "Si-sir papa ko". Ganun din Kay Sam. "Good afternoon sir". Sabay abot ni Sam ng kanyang kamay, Tinanggap naman ito ni papa nang naka ngiti. "Good afternoon din Sayo sir Samuel". Magalang na bati ni papa Kay Samuel. "Samuel nalang ko Sir". Actually na iilang na talaga ako Dito sa dalawa. "Pwede mo rin akung tawaging tito, wala naman tayo sa trabaho ijo". tumango naman si Sam sa sinabi ni papa. "Hon halika may bisita tayo!" Tawag ni papa Kay mula sa kusina. "Abay sino ba yang bisita natin na Yan?" Curious na tanong ni mama habang palabas ng kusina. "Abay.. napaka gwapo naman pala niyan!" Dali daling nag tanggal si mama ng soot niyang apron at lumapit samin. "Yes Hon gwapo nga! Si Samuel Sya Ang Boss ng Baby Ana natin". "Papa!??" Agad akung napa sigaw ng kunte dahil sa sinabi ni papa na baby sa harap pa talaga ni Sam. "What??" nilakihan ko nalang ang mata ko dahil Alam Kung Alam nya na ang ibig Kung sabihin. "Pasensya kana sa anak namin ijo, ako nga pala Ang Mommy ni Marie, halika maupo ka muna at ipaghahanda ko kayo ng meryinda". Dali dali ring bumalik si mama sa kitchen namin upang Kumuha ng makakain. "Bat ka nga pala naparito ijo? manliligaw ka ba sa Ana namin?" Nanlaki naman ang mata Ko sa sinabi ni papa. "Papa! Di po ah, ano kasi-" "Yes po tito Kung papayag po Sana kayo?". Naka ngiti syang tumingin sakin at bumaling din naman agad Kay papa. "Gusto ko rin po sana syang yayain bukas na sumama sakin sa Isang event na gaganapin". Ngumiti din naman si papa sa kanyang sinabi na tila ba ay pumapayag ito at naniniwala sa mga pinag sasabi nitong mokong!. "Oo naman! Besides my daughter is still single, kahit kaylan ay wala pa yang pinakilala samin. Pero tungkol jan sa alok mo Sya na ang mag dedesisyon niyan ijo". Tumingin din naman agad si papa sakin na para bang sinasabi niyang papayag na ako. Tiningnan ko lamang silang dalawa dahil feeling ko di ako makakahinga. Pero thanks God dahil nandito na si mama. "Ito oh meryinda, Heto ijo wag kang mahiya ha". Grabe naman sila kakilala Lang Nila Kung maka alaga naman si mama. Kumunot naman Ang mukha ko sa na isip, di kasi Nila alam Kung paano nga ako utusan nito sa trabaho eh!. "Bat Ganyan ang mukha mo?" Pa simply akung siniko ni mama at tinanong. "Mag bihis lang po ako". Umalis ako agad dahil naiinis ako sa lalaking yon! kuhang kuha nya agad ang loob ng magulang ko. Nag madali naman akung nag bihis dahil baka ano nanaman Ang ma kwento ng mga magulang ko Kay Sam. After Kung bihis Bumaba na ako agad at naabutan ko silang nag tatawanan. Pero noong napansin Nila ako tumigil din naman sila. "Sir baka kailangan nyo nang umuwi? Late na po Kaso oh?" Saad ko habang kunyari tumitingin ako sa labas ng bintana. Tiningnan naman ako ni mama ng masama. Bahala ka Jan mama! "Yeah, I think so... Tito, tita I think I need to go.." Saad nito habang naka tingin sakin ganon din sila mama. "Dito ka na Kaya mag haponan?" Sabi ni mama kaya na alarma ako. "Mama?? Di naman po Sya gutom". Pag tutol ko sa alok ni mama. "Marie..!" Tawag sakin ni mama pero may diin. "It's okey tita. Your daughter is right, busog pa po ako sa hinanda ninyo na meryinda". Salamat naman! naka hinga ako ng kunte. Wala na ring nagawa sila mama noong hinatid ko na sa labas si Sam. Nakakainis tong lalaki na to! pa humble sa parents ko pero sakin suplado? "Thanks baby.." Naka ngiti nitong sabi, nang aasar Sya! inirapan ko Lang Sya. "Umuwi ka na nga! mag ingat ka bye!" Tatalikod na Sana ako pero agad ako nitong niyakap. Nabigla naman ako dahil baka Makita kami Nila papa. "Anong ginagawa mo Sam?" Pinilit ko syang tinulak kaya napabitaw naman ito. "Hugging my baby.." Pinamulahat naman agad ako sa kanyang sinabi. "Your so cute Pag nag bublush". Dagdag nya pa kaya napa Iwas tuloy ako. "No, di ako nag bublush. Mainit lang naman kaya namumula ako." Pag tanggi ko sabay Iwas ng tingin sa kanya. "I like your parents. Masarap silang kausap, and sabi nga Nila na gwapo ako". Maganda na Sana pandinig eh Kaso na wala dahil sa huling sinabi. "Really?? mukhang di naman". Pag tutol ko sa sinabi nya. "Are you sure??" "Oo naman!" "Even if I will k- "Oo na ,gwapo kana. Ikaw na ang pinaka gwapo. Happy??" Di ko na Sya pinatapos pa sa kanyang sasabihin dahil Alam ko na ang karogtong. "Yes! very happy, I gotta go bye baby". "Take care". Sabi ko nang pumasok na Sya ng sasakyan. "I will". Sabay kindat nito sakin. Ako naman itong marupok kinilig din! Hanggang sa kana Alis na Sya. Di parin mawala ang ngiti ko. Masaya kasi ako dahil gusto Sya ng magulang ko at gusto din ni Sam ang magulang ko. "Ahem! I think dad our baby is inlove!" Nahiya naman ako sa sinabi ni mama dahil ko namalayan na naka pasok na pala ako sa bahay. "I think so.. Di man Lang nag sasabi" Sagot ni papa. "Kayo talaga mama, papa oh. AYan nanaman po kayo. Di ako inlove ahh.." "Anak.. Di mo naman kailangan na itago samin eh". Sabi ni mama habang inaayos ang ibang hibla ng buhok ko. "Cr-cruSh ko Lang po mama. Di naman po inlove!" "Doon din Yan papunta. Okey bukas kailangan mong mag ayos dahil First time mo na may nag yayang lumabas". Masiglang sabi ni mama sakin. Ngumiti nalang ako ng mapakla dahil Di ko sure Kung anong mangyayari bukas. "Mama naman.." Niyakap lang ako ni mama. "Sasama po ba ako?" "Yes, Gusto ko pupunta ka anak. Wala namang masama na mag try ka". Tama naman si mama Kaso kinakabahan ako eh. "Si-sige po mama.". Natapos na kami sa Pag uusap ni mama dahil tinawag ito ni papa na pumunta sa mini library namin kaya naiwan nanaman ako Dito sa Sala. manood nalang ako ng palabas! Saka ko Kinuha Ang remote at masayang nanonood ng Isang pilikula. Pero imbes na mag enjoy ako ay Bigla ako naka ramdam ng antok. Dali dali akung pumunta sa aking silid upang mag pahinga. hays... nakakapagod Ang Araw na ito! nakaka intense lalo na kanina. Dahil sa pagka antok ko agad akung naka idlip. Gabi na noong naka gising ako para Kumain ng haponan at Pagkatapos noon at nag palipas ng Oras ay natulog din naman ako ulit..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD