*Ana point of view*
Nasa loob na ako ngayon ng kwarto ko naka higa habang naka titig sa kesame ng kwarto ko. Di kasi ako maka tulog dahil sa huling salita na narinig kong sinabi ng boss ko sa club. Bakit nya sinabi yun? Isa pa Yung Pag halik nya sakin.. Yung halik na yun tela pakiramdam ko nasa labi ko parin Ang labi nya. tila naamoy ko parin Ang mabango niyang hininga. Di ko Alam bat Subrang kabog ng dibdib ko noong hinalikan nya ako at sinabing gusto nya ako. Di kaya may- may gusto ako Kay Sir Samuel? pero di ko lang ma amin sa sarili dahil sa daming babae Ang nag papakita sa kanya? di kaya nahuhulog na ako sa mga ginagawa nya? No!! Hindi pwede! paano Kung tama si Jessica? paano Kung plinano nya ito?!
"Ggrrrr!! Ana Marie Ano ba! tigilan mo na nga ang Pag iisip ng Ganyan! okey hinalikan ka nya, halik lang yun no big deal! kaya self please tama gusto ko ng matulog! " .. Nababaliw na ata ako dahil kinakausap ko na ang sarili ko. Tiningnan ko Ang cellphone ko at mag 2 am na pala! di pa ako inaantok!. Ilagay ko na Sana sa side table Ang cellphone ko pero bigla itong tumunog at naka lagay sa screen ay Unknown number!?
"Sino kaya ito?! Madaling Araw may tumatawag? sagotin ko ba!?" Sa tagal ng Pag iisip ko ay tumigil na ang tawag. Pero after 1 minute tumawag ulit. Sasagutin ko nalang baka kasi importante!
"He-hello?? Who's this!?" tahimik lamang sa kabilang linya
"Hello? Alam mo Kung di ka mag Sasalita ibababa ko na". Pangalawang sabi ko, ibaba ko na Sana pero agad din nitong binigkas Ang pangalan ko
"Marie.." Medyo di ko na klaro dahil mahina Ang boses nya.
"Yes? this is Marie who's this?" Pag uusisa ko, sino ba ito??!
"It's me " Maiksing sagot nya.
"It's me who? di po ako manghuhula!" Nakaka asar bat di nalang sabihin agad ang pangalan.
"It's me.. Sam.." Na tamimi naman ako agad sa narinig ko at agad ding kumabog Ang dibdib ko kaya napahawak ako sa parte ng puso ko.
"Sorry for disturbing you baby... I just want to hear your voice, sorry kanina". Di ako makapag salita sa mga narinig ko. Bat parang mangiyak ngiyak ako?.. Ano ba naman to!
"Marie..??" Tawag sakin nito na para bang antok na antok na Sya.. Halatang Halata sa boses nya. Gusto kong mag salita ngunit parang nawalan ako ng boses, gusto kung tawagin Ang pangalan nya ngunit di ko magawa.
"Baby... Goodnight, Yung sinabi ko kanina.... I mean it...." Agad din namang naputol Ang linya. Dahan dahan Kung binaba Ang cellphone ko Habang humugot ng isang malalim na hininga.
"Sir Sam... Why are you doing this to me? bakit mo ginugulo Ang isip ko!" Napasabunot ako sa buhok ko Habang binibigkas iyon..
Alas dyes na ng umaga ng magising ako. Dahil mag 4am na rin ako naka tulog kagabi kaya natagalan akung gumising. Alam nyo na siguro kung bakit. Pumunta muna ako sa banyo ko upang mag hilamos at mag toothbrush Bago Bumaba sa Sala.
Bumaba na ako sa Sala, patungo sa dining area upang mag umagahan, or should I say lunch? hahaha. Total okey Lang naman dahil wala naman akung trabaho ngayon kaya mag shopping nalang ako ngayon! Tatawagan ko si best Daisy dahil busy naman si ate.
Naabutan ko si mama na nanunood ng tv. Wala nanaman siguro si papa.
"Hi mama, Good morning "
"Oh anak gising kana pala. Kumain ka na anong oras na oh".
"Yes mama, si papa po?"
"Ayun may umagang meetings sa mga client nya importante kasi anak".
"Okey mama. Sige po kakain muna ako, saka mama pupunta nga pala ako ng mall later may bilhin lang kasama si best po". Pag papaalam ko Kay mama .
"Cge anak mag ingat kayo".
Iniwan ko na si mama sa Sala dahil kakain na ako. After Kung Kumain naligo at mag soot lang ako ng skinny jeans with Sexy tops. Nilugay ko nalang yung buhok ko na hanggang bewang. Sa trabaho kasi naka tali lang eh ayaw ko Yung na distract ako Pag busy. Nag soot lang ako ng Flat Shoes, nag lagay ng liptint konting blush on at ready na ako.
Natawagan ko na rin si best at papunta na raw Sya. So habang hinihintay Sya ay inayos ko muna Ang sarili hanggang sa may nag bosina na sa labas. Dali dali naman akung lumabas ng bahay at di nga ako nag kamali.
"Ganda naman ng kaibigan ko! nakaka inggit ka ha!" Pang bobola nitong Isa sakin.
"Chee! asus! Ikaw best ha. Di naman, maganda ka rin naman noh". Maganda naman talaga si best Daisy.
"hpmf! tara na nga!"
Agad nya namang pina andar Ang makina ng sasakyan nya at umalis na kami..
Naka rating na kami ngayon sa Mall at na e park na rin ni best Ang Sasakyan nya. Papasok na kami sa Mall ng may biglang pumukaw ng paningin ko. Isang Familiar na anyo! Bat Sya nandito? sinusundan nya ba ako?! natataranta akong nag Tago sa gilid ng isang mannequin.
"What are you doing best?" Nag tatakang tanong ni best .
"Shhhhh! wag kang maingay! halika !" Sabay hila ko sa kanya. "Kakain muna tayo best".
Kahit di naman ako gutom. Dahil nandoon si sir Sam sa isang sikat na boutique Dito sa Mall na may kasamang babae. Ibang babae nanaman at mukhang bata pa. Grabe na lalaki! walang pinapatawad! child abuse porket mayaman! Kung maka sabi sakin ng I like you! I mean it! Kagigil!.
"Hoy babae!? hello?? nakikinig ka ba?".
"Ay butiki! sorry best ano nga yon!" Luminga linga naman Sya Bago ako tinitigan.
"What's wrong with you? tulala ka kagabi ka pa". Nag lungkot lungkotan epek pa Sya.
"Sorry na... Hali ka na nga. May nakita lang kasi akung demons!."
"Demons?! Katakot ha. kaya ka ba tulala? hahahaha"
Nag tawanan naman kaming dalawa! Hanggang sa naka rating na kami sa isang fast-food sa loob ng mall..
------------------------------------------
Author's Note:
Hi guise, sorry Kung di sabay Ang 9 and 10 ha. May problema kasi ako ngayon, saka may baby din ako may gawain din ako sa bahay. Itong story kasi On the spot ko ginagawa ,wala po akung copy or di ko pa po ito na sulat sa papel. On the spot ko talaga iniisip ito.
Pero Alam nyo mabasa ko Lang maganda ninyong comments Masaya na po ako. Salamat sa Support ninyo. Paki Follow naman po hehe :-* Add to library na rin para agad kayo ma notif. Sorry din Kung may mga wrong sentence kasi cp ko auto correct eh hahaha. Peace:))
Godbless Sa Atin! Muah:-*