Chapter I

2608 Words
Chapter I Jessica Marie Padilla's POV Sa lahat ng tao sa bar ay ako lang ang may ganang uminom ng kape. This is my routine every midnight, ang magbantay ng Jesstle bar na pagmamay-ari ng kuya ko na si Kuya Luke, habang abala siya sa pamamahala ng Talyer business ni Daddy. Noong una ay ayaw akong payagan ni Kuya na maging manager ng bar niya, but I insist. Twenty-three na 'ko, hindi na 'ko bata para mag-alala siya kung maari ba 'kong maging manager ng bar. Sayang naman ang tinapos kong Business Management kung hindi ko magagamit. Isa pa, para saan pa na pinangalanan niya ang bar niya ng Jesstle bar, Jess combined with bottle. "Ma'am Jess!" Nilingon ko si Carl na bartender namin, nasa tabi niya si Samuel, ang boyfriend ko. Nagpahinga lang ako saglit dahil mula 8:00 PM ay binabantayan ko na ang bar hanggang kaninang 12:00 AM, at iniwan ko muna si Sam sa manager duty. The way Carl's called my name, mukhang matapos ng isang oras ay kailangan ko nang bumalik sa pwesto. "Jess, nagkakagulo sa labas," bungad ni Sam sa 'kin habang napapakamot sa may ulo nang buksan ko ang pinto palabas ng living room kung saan ako nagpapahinga kapag napapagod na 'ko. Mula sa living room ay diretso na sa maigsing hallway papunta sa counter hanggang sa dance floor. Naiiling na nilagpasan ko sila. Si Sam 'yong tipo ng gwapong lalaki na napaka amo ng mukha, 'yong bang walang angas. Or should I say, bossy look. Mahihirapan nga siyang mag-handle ng kaguluhan sa bar dahil sa wala siyang bossy aura, which is hindi problema sa 'kin dahil trabaho ko naman 'to. Singer talaga ang trabaho ni Sam, boyband sa isang bar na may kalayuan dito. Hindi kagaya ng bar na 'to ay isang entertainment bar ang pinagtatrabahuhan niya, while ang Jesstle Bar ay isang private bar na karamihan na nandirito ay gusto lang mag-enjoy katabi ng alak. Hindi pa 'ko nakakalapit sa bar counter ay kita ko na ang lalaki't babaeng may katabing isang bouncer at sa harap nila'y naroroon ang lalaking gusut-gusot na ang asul na button up polo. Namumula na rin ang mukha nito habang pilit kumakawala sa dalawang bouncer na may hawak sa kaniya. For an unknown reason ay parang nakita ko na 'tong lalaking 'to pero hindi ko matandaan kung saan ko siya nakita. Nang lapitan ko sila ay roon ko lang narinig ang pinag-uusapan nila sa gitna ng malakas na tugtugin. Bukod sa 'kin ay marami pang nakikiusosyo na ultimong isang palabas sa teleserye ang nagaganap na imbis pigilan ay nakinood lang. Tinaas ko ang kamay ko para senyasan ang DJ para hinaan ang musics. "Nababaliw ka na Tyler! Hindi mo ba naiintindihan na may mahal na 'kong iba!" mariin na sabi ng babaeng mestiza. "I don't care! Pero sana hindi mo sinama 'yang gagong 'yan!" halos lasing na sabi naman ng lalaki. Humakbang ang babaeng mestiza at magkasunod na sinampal kaliwa't kanan ang lalaking tinawag niyang Tyler. Bahagya akong natigilan sa ginawa ng babae. Hindi ko mapigilan ang maawa sa lalaki na hindi manlang makuhang lumaban dahil sa dalawang bouncer na may hawak dito kaliwa't kanan. "Ilang sampal pa ba ang kailangan mo para matauhan ka na ha! May boyfriend na 'ko! Hindi na kita mahal! Hindi na, hindi na, hindi na-" paulit ulit pang pinagsasampal at pinagpapalo ng babae ang lalaki habang nakatingin lang ang kasama ng babae na lalaki sa likuran nito. Nagkuyom ang kamao ko't nang 'di na 'ko nakatiis ay hinawi ko na ang babae at buong lakas na tinulak 'to sa lalaking binitiwan na ngayon ng bouncer, habang ang lalaking pinagsa-sampal ay parang nawalan ng lakas at ngayon'y nakatungo na lang. "Miss, hindi mo ba nakikita na lasing 'yong tao. Hindi tamang ginaganiyan n'yo siya, hindi niya alam ang ginagawa niya," mariin kong sinabi. Pasimple kong tiningnan si Carl na nasa may likuran ko na ngayon nang bumulong siya sa 'kin. "Tinawagan po namin siya dahil naghahanap kami ng pi-pickup sa kaniya dahil lasing na." Hindi ako nagsalita at binalingan ang babaeng mestiza nang magsalita ito na may tonong sarkastiko. "Ano'ng gusto mo? Dahil sa lasing siya hayaan kong inaaway niya ang boyfriend ko?" "Of course not! But at least pag-usapan n'yo 'yang problema n'yo kapag nasa tamang wisyo na siya at walang epekto ng alak," sagot ko. "Pasensya na kung nagulo kayo ng empleyado ko, pero umaasa lang kami na ang ma-contact niya ay ang maghahatid pauwi at magpapakalma sa lasing na customer, pero nagkamali kami kaya pwede na kayong umalis." Tinalikuran ko sila at malakas na hinawi ang kamay ng dalawang bouncer na may hawak kay Tyler. Halos sumubsob naman sa 'kin ang binata ngunit mukhang may lakas pa ito kaya nakabalanse pa at hindi ko dala ang buong bigat niya. "Kayong tatlo, mag-uusap tayo mamaya," minatahan ko pa ang dalawang bouncer sa harap ko, at alam kong ang nasa may likuran kong bouncer ay alam na isa siya sa tinutukoy ko. "Excuse me? Hindi mo sa 'kin ipapasama ang boyfriend ko?" Tinulungan ko si Tyler na maupo sa stool, pero hindi ko siya binitiwan at hinayaang sumandal sa 'kin. Nilingon ko 'yong mestiza na ngayon ay kunot na kunot na ang noo. "Boyfriend? Kanina lang pinaulit-ulit mong hindi mo siya mahal at boyfriend mo 'yang kasama mo. You're free to go with your boyfriend bago ko kayo pasamahan sa mga bouncer ko," taas noo at kilay kong sinabi. "You don't know him, you don't know us kaya hindi ko pwedeng iwan sa 'yo si Tyler," pinal niyang sabi saka lumapit sa 'min, ngunit maagap kong hinawi ang babae bago pa makahawak sa amin ni Tyler. "Exactly! I don't know you, but he's my customer so he's my responsible. One of my duty is to make sure that he'll get home safely from my bar. And as I can see I can't trust both of you. So get out!" "Who are you? You're just a manager of this bar, you're not his friend, I can't trust you as well." Binalingan ko si Carl at Sam, madali naman silang nakuha sa tingin kaya lumapit sila para umalalay na kay Tyler. Humarap ako sa mestiza habang naka-cross arm. "I'm Jessica Padilla, the manager and the owner of this bar. I might not his friend nor his family, but as far as I know you are stepping at my place, my floor, my bar. So I can kick you out whenever I would." Lumapit ako sa kaniya dahilan para mapahakbang siya patalikod. Hindi ko siya masisisi. Halos lahat ng taong unang beses ko pa lang makakasalamuha ay ang first impression sa 'kin ay masungit, kung hindi ko pa sila ngingitian ay hindi pa sila magiging komportable. Sa awra at sa mataray ko kasing mukha ay mahirap kilalanin ang totoo kong personalidad. Thanks to this face dahil kung hindi rito ay hindi ko magagawang mag-rule ng isang bar. "So choose, leave without words or leave with my bouncer?" "Hon, halika na nga! 'Wag na tayong mag-aksaya ng oras diyan sa ex mong adik," sigaw ng lalaking tinawag ni Tyler kanina ng gago. "Hoy hindi adik ang Papa Tyler ko!" Narinig kong sigaw ng isang babae. Hindi ko na sila pinansin at binalikan sila Tyler. Naroroon na ngayon pati ang DJ naming si Selena. Nakangisi siya nang salubungin ako. "Taray mo kanina ah." Tinapik niya pa 'ko nang mahina sa braso. "Oo nga Love, ang hot mo kanina," sunod namang sinabi ni Sam. Inirapan ko siya. "Hot? Kaya pala hindi mo manlang ako tinulungan kanina." Nilagpasan ko siya, at kaagad na nangunot ang noo ko nang makitang may hawak nanamang bote ng beer si Tyler. "Carl! Ano nanaman 'yan?!" Napakamot sa may batok si Carl. "Hindi pa raw siya lasing Ma'am Jess, kaya pumayag si Sir Sam na bigyan uli ng beer nang humingi siya," mabilis niyang paliwanag na para bang kabang-kaba. Kapag ganitong mainit ang ulo ko sa mga empleyado ay palagi na lang ganito si Carl. Ang hindi niya alam ay sa lahat dito ay sa kaniya 'ko pinaka may tiwala. Napakamasunurin kasi niya, hayan tuloy pati utos ni Sam sinunod. Binalingan ko si Sam na siyang nasa likuran ko na ngayon. "Love, its okay. Bigyan natin siya ng special treatment," bulong ni Sam na siyang lalong nagpakunot ng noo ko. "Sam, hindi por que pinagtanggol ko siya kanina special treatment na ang meron siya." "Love, idol ko 'yan. Siya 'yong vocalist ng Rulers." Nasapo ko ang noo ko. Rulers ay ang kinaadikang banda ni Sam, kaya pala pamilyar siya sa 'kin. Ang alam ko sikat sila at may show sa TV, pero dahil nga hindi naman ako nakakapanood ng TV dahil gabi akong gising at tulog sa araw ay hindi na 'ko masyadong updated sa uso. Pagdating naman sa music ay ang naririnig ko naman 'yong mga pop dance song bilang iyon ang pinapatugtog lagi ni Selena. "Bahala ka nga!" Iniwan ko na sila at pinuntahan ang tatlong bouncer na nakatoka kanina. Nakita ko nang umakyat sa pwesto niya si Selena at mayamaya ay muling lumakas ang tugtugin. Pinagsabihan ko lang ang tatlo na mali ang ginawa nila. Hindi por que si Tyler ang lasing ay siya lang ang aawatin nilang manakit. Hindi rin dapat nila hinayaan na masaktan si Tyler. ~•~ "KUNG alam ko lang na iiwan ka rin ni Sam diyan, sinamahan na kita." Naihilot ko ang sentido ko habang kausap sa cellphone ang kaibigan kong si Amber. Nalaman niya kasing iniwan na 'ko ni Sam dito sa bar. Pati 'yong sa kaguluhan kanina. "Hayaan mo na, e, kailangan niya nang puntahan 'yong band mates niya. Mayamaya rin naman pauwi na 'ko." "Jess," tiningnan ko si Selena na palapit sa akin hanggang sa makaupo siya sa tabi ko. Nagpaalam na 'ko kay Amber. "Magsasara na tayo, si Tyler nandito pa rin," bulong niya. Kumunot ang noo ko. s**t! Nakalimutan kong may Tyler nga pala rito. Sabay na naming pinuntahan sa may counter ang tulog nang si Tyler. Wala nang tao dahil unti-unti na silang pinalabas ng mga bouncer, at ang nandito na lang ay ang mga maglilinis. 4:00 AM nagsasara ang Jesstle Bar. "Carl, bakit hindi ka pa tumatawag ng taxi or pamilya nito?" Kinapkapan ko si Tyler, at nakuha ko ang wallet niya sa bulsa ng pantalon niya sa likod. Tiningnan ko ang kahit anong cards niya para makapagturo ng address nito. "Ma'am, hindi ko po kasi siya pwedeng iwanan sa taxi driver. Sikat na heartthrob 'yan at vocalist ng rock band. Baka mapagsamantalahan 'yan," dahilan niya. Napapikit ako ng mariin. Nanggigil na talaga 'ko ngayong gabi sa mga empleyado ko. "Cellphone?" "May password, Ma'am." "Pa'no mo natawagan 'yong mestiza kanina?" "Speed dial, Ma'am," mabilis niyang tugon. "Baks, relax. Baka ma-stress ka," natatawang bulong ni Selena. Binalingan ko siya nang naniningkit. "Hindi pa ba 'ko mukhang stress sa lagay na 'to?" Padabog kong kinuha ang phone na alam kong kay Tyler na nasa ibabaw ng counter. Kung ano ano ang pinindot kong number sa emergency call pero wala akong makitang pangalan na may 'mom' or 'dad' or any sign ng parents niya. Asan ba 'yong parents nito? Bibitiwan ko na sana ang cellphone nang biglang mag-ring 'yon. "Jameson Rulers," pagbasa ni Selena sa caller habang nakadungaw sa may balikat ko. "Basist guitarists 'yan ng Rulers. Sagutin mo na, nang makauwi na tayo." Sinunod ko siya, dahil gusto ko na rin magpahinga at sobrang nakaka-stress ang gabing 'to. "Hello?" "Woah, nakahanap na agad siya ng new girl," narinig kong sabi sa kabilang linya na mukhang hindi ako ang kausap. Feeling ko tuloy mapupunit na ang mukha ko sa sobrang lukot. "Sorry kung naistorbo ko kayo. I'll hang up-" "No! Wait!" Umiling ako sa mga janitor na natigilan dahil sa pagsigaw ko. "Don't hang up. Actually, the owner of this phone is really drunk, can you please pick him up?" Natahimik sa kabilang linya. Salamat naman at nakinig siya. Mayamaya ay iba nang boses ang nasa kabilang linya at nagtanong ng address ng bar. "Hintayin na lang natin, darating din 'yon," baling ko kay Selena pagkababa ng call, saka nagpatulong kay Carl na ilipat si Tyler sa couches. Nang maupo namin siya sa couch ay halos magising si Tyler. Nagsimula itong ngumiti kahit nakapikit. "Gwapo ni Tyler," pumangalongbaba pa si Selena habang nakatingin sa binata. Tinanggal ko ang kamay niya sa baba. "Malas 'yan," irap ko. "Hindi ko siya kilala," iling ko. "Tyler Ross Graham, ang gwapong vocalist ng Rulers, at nagmo-movie rin 'yan." Napatango lang ako at tiningnan ang lalaki. Sa nakapikit nitong mata ay mas nangibabaw ang mahahaba nitong pilik mata. Pansinin din ang matangos nitong ilong at ang pinkish na labi. Bahagya pang nakakunot ang makapal nitong kilay. Ngayon ko lang napansin na ang gwapo nga nito, kahit namumula dahil sa alak ay alam at kita pa rin ang kayumanggi ngunit maputi at makinis nitong balat. "Ikaw 'yong manager nitong bar 'di ba?" Halos putol-putol niyang tanong dahil sa pamamaos. Hindi ako sumagot at nanatili lang na nakatingin sa kaniya. "Take my advice, never get a fucker boyfriend..." Nangunot ang noo ko sa sinabi niya. Ano raw? Naiinis na binalingan ko si Selena nang humalakhak 'to. "Agree," ngumisi pa siya nang mapansin ang klase ng tingin ko sa kaniya. "Ma'am..." Binalingan ko ang tumawag sa 'kin, at nakita kong kasama na ng janitor ang tatlong nagga-gwapuhang nilalang. Sinalubong ko sila at iniwan si Selena kasama si Tyler. Napansin ko ang isa sa kanilang saglit lang akong tiningnan at kaagad na tinungo ang halos mahiga nang si Tyler. Sa kanila ito ang pinaka matanggkad at mukhang mas malaki ang katawan. Mahaba ang may pagka-blonde nitong buhok hanggang balikat, na bumabagay sa maskulado at may pagkamestizo nitong balat. Anyo pa lang nito ay foreigner na. Gwapo sana pero mukhang maangas. "Will, is he fine?" Tanong naman ng lalaking huminto sa harap ko pero nakatingin sa tinawag niyang Will at kay Tyler. Matangkad ito at hanggang leeg lang ako. Gwapo at may kaputian din, pero kagaya ni Tyler ay may pagkakayumanggi rin 'to. Kung hindi ako nagkakamali ito 'yong tumawag kanina, si Jameson. Tiningnan ko ang lalaking tumayo sa harap ko at naglahad ng kamay. Unlike ng dalawa na mukhang alalang-alala kay Tyler, ito ay mukhang chill lang. Kanina ko pa 'to nakikitang nakangiti sa amin ni Selena. Tall dark and handsome. "Hi, I'm Ram. Kami 'yong nakausap mo kanina sa phone." Tinanggap ko ang kamay niya. "Jess, the manager of this bar." "Pasensya na sa istorbo, and kung may gulo siyang naidulot, problemado lang," singit naman ni Jameson na kumakamot pa sa may kilay. Umiling ako at ngumiti. Immune na 'ko sa ganitong sitwasyon. Nasanay na 'kong ngumiti kahit hindi ko feel, that's my way to face a customer. "It's alright. It's a private bar, but I think bukas- I mean mamaya may maglalabasan na issue," sinimulan kong ikuwento sa kanila ang nangyari kanina. Mukha naman hindi sila nagtaka kung sino 'yong babae. Curious man pero hindi na 'ko nagtanong. Ayoko nang makigulo. Again, humingi sila ng paumanhin hanggang sa nagpasya na silang ilabas ng bar si Tyler. Pinasamahan ko sila sa nag-i-isang bouncer na nandirito pa habang naiwan naman si Ram na siyang kausap ko. "So, we're leaving," sabi nito at nag-abot ng pera. "Bayad sa mga nainom niya." Tingin pa lang ay alam ko nang sobra ang binigay niya. "Saglit susuklian kita," kukuha na sana 'ko ng panukli nang pigilan niya 'ko. "'Wag na, itago mo na lang muna para bayad na kami sa susunod naming punta." Wala sa sariling napatango na lang ako sa sinabi niya, hanggang sa basta niya na lang akong iniwan. Next time na balik? Kailangan ko bang matuwa?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD