Chapter XXXXXXXII Jessica Marie Padilla's POV Sa halip na sumama sa mga katrabaho ko ay umuwi na lang ako sa bahay para bisitahin si Kuya Luke. Hindi na ako kumatok dahil bahay ko rin naman iyon. Napangiti ako nang maabutan ko sila ni Kendall sa kitchen na nagluluto ng lunch habang naghaharutan. Sumandal ako sa dingding nang tumikhim ako kaya napatingin sila pareho sa akin. "Jessica!" Lumapit sa akin si Kuya Luke at kaagad akong niyakap. "Kumusta, buti napadalaw ka." "Weekend kaya naisip kong dumalaw, pero wrong timing yata?" Lumagpas ang tingin ko kay Kuya papunta kay Kendall. Ngumisi siya. "Wrong timing talaga," aniya sabay ingos. Nagkatawanan kami saka siya lumapit sa akin at yumakap. "Na-missed kita girl, ang hirap mo nang guluhin ngayong regular na ang trabaho mo." Hinila niya a

