Chapter III
Jessica Marie Padilla's POV
Napaungol ako nang maalimpungatan ako sa ingay ng susi na tumutunog, nang imulat ko ang mga mata ko ay ang una kong nakita ay ang mga kaibigan kong nakahiga at natutulog. Nasa carpet na rin ngayon natutulog si Selena, katabi ni Amber. Hinilot ko ang sentido ko habang inaaalala ang mga nangyari.
Sinaraduhan ako ng apat na lalaking iyon. Naghintay ako ng ilang minuto hanggang sa nakatulog na ako sa gilid ng sofa, yakap ang unan ko.
"Notice me, please."
Halos mapapitlag ako nang biglang bumulong si Tyler na kasalukuyang nakaupo sa tabi ko sa sahig. Nakapatong ang isang siko niya sa tuhod habang nilalaro ang susi habang naka-strech ang isa niya pang binti. Hindi ko siya napansin dahil okupado ang utak ko.
Napailing ako at hinablot ang susi na nakasabit sa daliri niya.
"Tyler, why you had to lock me up? This is my bar."
"I know, I'm sorry," basa ko ang sensiridad niya sa tono at ekspresyon niya. Gusto ko sana siyang patawarin na lang pero alam kong kailangan kong protektahan ang sarili ko at ang bar sa ganitong pangyayari.
"Tyler, I understand how much you want to extend your gratitude, but no matter who you are, an actor, singer or whoever famous artists you are, you're still stepping at my bar, don't do something disrespectful."
Tiningnan niya ako saka yumuko habang tumatango. "I'm really, really sorry. "
Namayani ng ilang minuto ang katahimikan. Alam kong ngayong nasa akin na ang susi ay makakalabas na ako, pero may kung anong pumipigil sa akin. Pakiramdam ko gusto ko pang marinig ang side niya, pakiramdam ko kailangan niya ng kausap.
Bumuntong hininga ako at pinanood siyang nakatingin lang sa ilaw sa kisame, at ang paggalaw ng lalamunan niya. Tumikhim ako dahilan para mapatingin siya sa akin na mata lang ang gumalaw, nanatili siyang nakatingala.
"You told me that what I did yesterday's means a lot?" Tumango lang siya. Mahina lang ang boses ko, iniiwasang magising ang mga kasama namin. "Why don't you tell me why?"
Sa anggulo niya ay mas nakikita ko ang haba ng pilik mata niya at ang tangos ng ilong. Aaminin ko na mas guwapo siya ngayon kaysa kahapon na una ko siyang nakita. He doesn't looks messed up, but the same sadness in his eyes are still there.
Napakurap ako nang balingan niya ako. Dahan-dahan niyang kinuha ang unan sa pagkakayakap ko saka siya umunan doon.
"We just fight few days ago, after that we never talked again," panimula niya sa mahina ring boses. "As I'm trying to reach her, I got the news that my non-showbiz girlfriend has seen having a PDA with the manager of the bar we used to hangout." Pumikit siya habang nagpapatuloy sa pagsasalita. "Sorry, nasanay lang kami na tinutulungan ang kaibigan naming manager kapag pagod na siya."
"Kaibigan?"
"Kaibigan namin iyon, kaya ayokong maniwala sa chismis. It just confirmed yesterday."
Bumangon uli siya at mayamaya ay tumayo na. "Don't worry, bar is not safe for us anymore, hindi mo na ulit kami makikita." Nilahad niya ang kamay niya para tulungan akong tumayo. Tinanggap ko naman ito.
"What do you mean?"
"That bar is the only place we could hangout without any media, but since our friendship is over, we're done there. Our manager said that we should stop hanging out in public place."
Sabay na kaming lumabas ng living room at nagpunta sa bar counter.
"Hey Miss Owner, you've been out for almost two hours!" bati sa akin ni Will.
I crossed my arms. "FYI, kapatid ko ang owner, manager lang ako. Don't do that again."
Nagtaas siya ng dalawang kamay. "Promised."
Tiningnan ko ang paligid, everything seems okay. Siguro umuwi na rin si Joe dahil si Jameson na ang nasa puwesto ng DJ.
"I told you, I can do managing." Tiningnan ko lang si Ram at napailing.
Nakita kong sumenyas si Tyler kay Jameson saka siya humarap sa akin. "Thank you so much for everything. We enjoyed our time here."
"Mas gusto ko rito kaysa sa Rio bar, doon pakiramdam ko laging naghahanap ng papalit sa amin," sabi ni Will.
"Rio bar?" Tumango lang siya sa akin, habang si Tyler ay nagkibit-balikat sa akin. Somehow alam kong ito iyong bar na tinutukoy niya sa akin kanina. At ang Rio bar ay kung saan nagtatrabaho si Sam.
"I'm sorry, I didn't know that Rio bar was the bar you mentioned," sabi ko at humarap kay Tyler.
"So?" he looks confused.
Nagkibit-balikat ako. "My boyfriend is one of the singer there. Now I get it, kaya naman pala hindi niya maawat iyong gulo kahapon, boss niya pala iyon."
"That's okay, let's get over it," sabi ni Ram at umakbay kay Tyler. "Right?"
Tumango lang si Tyler.
"Uuwi na tayo?" tanong ng kakarating lang na si Jameson.
"Oo, tara na." Nagsimula nang maglakad si Tyler.
Huminga ako nang malalim bago ko siya tawagin. Isa lang ang tinawag ko pero lahat sila ay tumingin sa akin.
"This is a private bar, akong bahala sa inyo para hindi ito lumabas sa media, you can now hangout here instead, whenever you want."
~*~
I don't know why I invited them to hangout at my bar instead, pero hindi naman masama, 'di ba?
Sa ngayon ayoko muna silang isipin. Masama ang pakiramdam ko, pakiramdam ko umiikot ang paligid sa tuwing babangon ako. Hindi ko nga alam kung bakit ko pa inaalala ang mga nangyari kahapon sa bar, or should I say ay kanina.
"Sabi ko na kasi sa 'yo, hindi mo kaya," sabi ni Daddy pagkapasok niya sa kuwarto ko.
Alas seis na ng hapon. Kaninang umaga bago ako makatulog ay nakaramdam na ako ng panlalata, akala ko itutulog ko lang at pagkagising ko ay ayos na, pero nag-alarm na ang phone ko pero hindi ko pa rin kayang bumangon.
Nginitian ko si Daddy nang naupo siya sa gilid ng kama ko. Tumagilid ako ng pagkakahiga paharap sa kaniya habang yakap ang unan sa may dibdib ko.
"Daddy, I've handling it very well for over six months, sadyang minsan kailangan ko rin magpahinga," I assured him.
Dalawang taon na nang iwan kami ni Mommy, si Daddy na ang nag-alaga sa amin ni Kuya Luke, fortunately, malaki na kami ni Kuya kaya hindi na kami alagain.
Apat na taon nang nasa abroad si Mommy, sa Saipan. Hindi ko alam kung bakit ginusto pa niyang mag-abroad gayong may stable naman kaming pamumuhay, at tapos na rin kaming mag-aral ni Kuya Luke. Ang alam ko lang ay hindi na raw siya masaya sa Pilipinas, gusto niyang mamuhay rin kami sa Saipan kung nasaan ang karamihan sa mga kapatid niya.
Hanggang sa isang araw ay umuwi si Mommy at nakipaghiwalay kay Daddy. Doon ko lang naintindihan kung bakit hindi na siya kontento sa Pilipinas, hindi dahil sa kung nasaan siya, pero dahil hindi na siya masaya sa kasama niya sa buhay, kay Daddy.
Inaamin ko, na sumama ang loob ko noon kay Mommy, dahil para sa akin kami lang ang pamilya, nang iwan niya kami ay naging makasarili siya. But Daddy made me promise to never hate her. Naiintindihan niya raw si Mommy, hindi siya naging perpektong asawa kagaya ng pinangako niya noon kay Mommy. For him, she has every reason to leave him. He's just grateful that she never leave us until we can stand up of our own.
Pinatawad ko na si Mommy at tinanggap na may bago na siyang kinakasama, pero hindi mawawala sa akin na hinihiling na sana si Daddy pa rin. Hindi man natupad ni Daddy lahat ng pangako niya noon kay Mommy, pero kahit kailan hindi niya kami pinagpalit, at iyon ang sigurado ko.
Napapikit ako nang pahirin ni Daddy ang gilid ng mata ko hanggang ilong. Doon ko lang napansin na umiiyak na pala ako.
Minsan kahit pilitin kong isipin na hindi na ako nasasaktan, ang kirot sa puso ko ang nagpapatunay na masakit pa rin. Na nakakalimutan ko lang minsan pero ang totoo ang sakit-sakit pa rin.
"This is your first time having sick after your mom officially left us, I wish I could call her at least to makes you feel okay," he said smiling, pero kahit nakangiti siya ay nakikita ko pa rin ang lungkot sa mga mata niya.
Hinawakan ko ang kamay niya at ipinahinga sa unan sa tapat ng ulo ko.
"No, you don't have to. We can get through this without her."
Ipinikit ko ang mga mata ko nang halikan niya ako sa sentido ko.
That's what I've always believed in since when my mom left us, that I don't need her, because that's what she used to believe every time she's justifying her decision to leave. The truth is being a daughter and the parents has never age, I'll always need her, not because I need someone to babysits me, but because we're family and I need them.
"Take a rest, si Kuya Luke na ang bahala sa bar," sabi niya habang inaayos ang kumot. "Mamaya dadalhan kita ng pagkain, mayamaya luto na iyon. Gisingin na lang kita."
Tumango na lang ako kay Daddy at pumikit. Nang maramdaman kong muling umangat ang gilid ng kama ko simbolo na tumayo na siya, ay dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at pinanood siyang lumabas sa kuwarto ko. Pinatay niya ang ilaw bago niya tuluyang isinara ang pinto.
Tiningnan ko ang family picture namin na nakatayo sa gilid ng lampshade sa bedside table.
Daddy used to be an alcoholic, and do a gambling, the reason of their fight almost everyday. Until one day Daddy got sick, diabetes. Magmula noon ay si Mommy na ang nagtrabaho, at kapatid naman ni Daddy ang nag-asikaso ng negosyo na talyer, dahil wala naman alam si Mommy sa sasakyan. I was just a teenager that time. Inaamin ko, na minsan noon hinihiling ko na sana sa ibang panahon ko na lang naranasan ang mga naranasan ko, at least kahit papaano malinaw pa sa alaala ko ang mga panahon na nagmamahalan pa ang pamilya namin.
"Since you left us, I promised to myself that I will never be like you, hindi ko susukuan at iiwan ang taong mahal ko, mamahalin ko pa rin ang lalaking mahal ko kahit sa pinakamahirap panahon," bulong ko at dahan-dahan na pumikit.
I love you, Mommy, but I don't want to be you.
~*~
Natigilan ako sa pagsasalin ng kape sa tasa nang biglang may lumapat na palad sa noo ko mula sa likod. Nang tingnan ko kung sino iyon ay si Kuya Luke pala.
"Magaling ka na pala, hinahanap ka ng mga kaibigan mo sa akin kahapon," sabi niya at tumabi sa katapat kong upuan.
Umupo ako at nilagyan din ng mainit na tubig galing sa thermos ang isang tasa para gawan din siya ng kape. Alas sinco na ng hapon, nagising lang ako sa alarm ko. Maayos na ang pakiramdam ko kaya balak kong pumasok na sa trabaho.
"Naging tambayan na nila iyon dahil lagi na akong nandoon." Nilapit ko sa kaniya ang tinimpla kong kape na kaagad niya namang tinanggap. "Iyong mga kaibigan mo ang hindi ko na nakikita roon."
"Sa talyer na sila tumatambay. Sabi ko 'wag silang magpapakita sa 'yo kung wala silang gagawing matino," sabi niya habang pumuputol sa piraso ng weed bread niya at kinain.
Nakikain na rin ako sa kaniya habang natatawa. "Weh? 'Di na kayo umiinom doon?"
"Ha! Wala akong sinabing 'hindi."
"Susumbong kita kay Mommy."
"Ikaw nga manager ng bar, e," natatawa niyang depensa.
Pabiro ko siyang siniko. "Mapang-asar ka kasi! Alam mo namang ayaw ni Mommy ng bisyo ni Daddy na alak nagtayo ka pa ng business na may alak."
Nagkibit siya ng balikat. "Hindi naman siya babalik kahit gumawa ako ng gusto niya," sabi niya saka tumayo dala ang kape at piraso ng weed bread. "If I were you kikitain ko na ang kaibigan ko at kikilatisin ang bago nitong... Boyfriend? I guess?"
Natigilan ako sa pagnguya sa sinabi niya. Boyfriend? Huling naaalala ko ay isang araw lang ako nawala, boyfriend kaagad?
"Kuya! Sino?" pahabol kong sigaw sa kaniya.
Humarap siya sa akin na parang hindi pa sigurado. "Iyong brokenhearted."
Napapikit ako nang mariin at napailing. Don't tell me nagkabalikan sila ni Billy?
Dahil sa sinabi ni Kuya ay nag-chat ako sa group chat namin tungkol dito pero wala man lang nag-reply o nang-seen. Tatlong oras na ang nakalipas pero wala talagang nagparamdam sa akin.
Ang nakakainis pa ay late na akong nakaalis dahil ayaw akong payagan ni Daddy dahil baka raw mabinat ako. Mabuti na lang dahil pinagtulungan namin siya ni Kuya na kumbinsihin.
Nang makarating ako sa bar ay bukas na ito, si Selena raw ang nagbukas sabi ng security guard. Kaagad ko siyang hinanap at natagpuan ko siyang nakikipag-usap sa customer sa may bar counter.
Tumabi ako kay Selena kaya kaagad niya naman akong napansin. May binulong siya sa kausap niyang lalaki saka ito umalis at iniwan kami.
"What the hell?"
Ngumiti siya sa akin. "What?"
Inirapan ko siya. "I texted 3 of you and seriously? I got no reply?"
Bumagsak ang balikat niya at halos umirap. "Tungkol kay Kenny?"
Tumango ako. "Yup! Sabi ni Kuya may boyfriend raw uli si Kenny. Don't tell me nakipagbalikan siya kay Billy?"
Mukhang napipilitan siyang may dinukot sa bulsa niya, binigay niya sa akin ang susi sa living room ko.
"Talk to them." Pagkasabi niya niyon ay iniwan niya na ako at nagtungo sa DJ's counter.
Walang nagagawang sinunod ko na lang siya, at naabutan ko nga itong naka-lock. Nang buksan ko ito ay nagulat ako sa naabutan ko at napasinghap.
May nakapatong na lalaki kay Kendall habang nakahiga sila sa sofa, pareho silang walang top.
"Kenadall! On my living room!?"
Nagilan sila at sabay na napatingin sa akin.
Natilan ako nang makilala ko ang lalaking kasama ni Kendall, lalo na nang bumangon siya.
"Tyler?"