s*x on screen-end

1539 Words
Miguel POV 2 years later Marami ng nangyari pagkatapos akong iwan ni Rain. Gusto ko siyang sundan pero pinigilan ako ng lola ni Rain. Flashback " Rain needs time iho. Ikaw din kailangan mo munang siguraduhin ang nararamdaman mo sa apo ko. Alam ko nalilito ka ngayon. Sana dumating ang panahon na maging sigurado ka na. At kapag dumating ang panahon na yun papayagan na kitang puntahan ang apo ko kung ano ang magiging desisyon mo" Naintindihan ko naman ang sinabi niyang yun ng puntahan ko ang probinsya nila rain kung saan ang lola niya nagbabaksakaling nandoon ito. Pero ang lola niya lang ang nadatnan ko dun. Masakit man alam kong tama ito. Nalilito pa rin ako pero alam ko sa sarili ko na may nararamdaman ako kay Rain at higit yun sa nararamdaman ko kay Karena. Pagkatapos kong makabalik galing probinsya ay si Karena ang pinuntahan ko. Dahil alam ko na naging mabuti itong kasintahan. " Karena. You know I loved you. I enjoy every moment I spent with you. You support me every time." Sabi ko umiiyak na ito na parang alam niya na kung saan parating ito. " B-but? " Nauutal at nanginginig na boses nito " But I don't think we should still be together. You are a wonderful person. You don't deserve an asshole like me. I cheated on you Karena. I love somebody else. I tried to stop it but I can't. Im sorry Karena. Im sorry" naiiyak kong sabi. " How could you migs? May mali ba akong nagawa? Nagkulang ba ako?" Hinawakan ko to sa kamay. " No ofcourse not. You are perfect. Ako ang mali. Ako ang may kasalanan. Hate me. Curse me. Tatanggapin ko ang lahat. Pero ayaw ko ng saktan ka pa. You deserve someone better" " I understand. But don't expect me to be okay about it. I will hate you but give me time mapapatawad din kita. And when that comes can we still be friends?" Nginitian niya ako. Niyakap ko naman ito. " Ofcourse Karena" ______ I also ask the Brother of my Papa Raven who pass away when I was child. They are the owner of the company that produce the movie we are working at. And also the director of our movie who is my friend and the daughter of the owner. I ask to pay for the movie to not be produced. I can pay millions para hindi masira ang image ni Rain. I know liberated na ang mga tao ngayon. But I don't want anyone to see her in that state that only am I allowed to see. Pumayag naman sila sa offer ko with the help of my daddy Trevor and Mommy Amera. I also told them what happen and they've been nothing but supportive though pinagsabihan nila ako sa mga mali ko. Nalaman ko din kung saan talaga si Rain at ano ang kondisyon nito sa pagbubuntis niya sa anak namin. Si lola niya ang naguupdate sakin. She ask na bigyan pa ng time si Rain. And I obliged. But that didn't stop me from going to them and watching them from afar. Paminsan minsan din ay pinupuntahan ko ito kapag tulog ito. Kilala ako ng mga kasambahay nito kaya napapasok ako dito. Pinayagan ako ng lola ni Rain basta hindi ako makipagkita rito. Nandoon din ako ng nanganak ito at ako ang nagbigay ng pangalan ng anak ko " Storm Migs Deogracia" I said as I carried him in my arms. He looks so precious warming my heart. Hindi ko mapigilang maiyak habang hawak hawak ang anak ko. Pinangako ko sa sarili ko na proprotektahan at mamahalin ko siya maging si Rain pati na ang mga iba pa naming magiging anak. Inakala ni Rain na si Lola niya ang nagpangalan dito. Present Nag ring ang phone ko. " Sir nakarating na po sila sa Airport" sabi ng isa kong tauhan. Ngayon ang balik ni Rain at anak ko. Matagal ko tong hinintay. Sobra ang tiniis ko na hindi sila kapiling. " Make sure everything is ready. I want everything to be perfect" ______ Rain POV After 2 years nakabalik na din kami ng Pilipinas. Masasabi kong tama ang naging desisyon ko. Karga karga ko ang anak ko na si Storm Migs Deogracia. Alam kong si Miguel ang nagpangalan dito kahit sabihin pa ni lola na siya ang nagbigay ng pangalan at sinunod niya sa apelyido ni Miguel. Alam ko ding pinupuntahan ako ni Miguel tuwing gabi noon. Nagpapanggap lang akong tulog. " I love you Rain. " " I miss you" " Mag-iingat ka lagi. Kayo ni baby. Mahal na mahal ko kayo." "I'll wait till you are ready" " Good night my love" Yan ang mga palagi kong naririnig mula sakanya at hahalikan ako ng mabilis sa labi at sa tiyan. Aayusin ang kumot ko at aalis na. Gusto ko itong hilahin at yakapin. Pero hindi pa ako handa. Mahal ko ito. Sobra sobra. Subalit kailangan namin ito. Sumakay ako sa taong inutusan ni lola na sunduin kami. Habang nasa biyahe napansin kong hindi ito ang daan papunta sa bahay namin. " Manong hindi po dito ang daan sa bahay namin" medyo kinakabahan ko ng sabi. Nag aalala ako sa anak ko. Gabi na kasi kaya delikado. Huminto kami sa isang magandang restaurant. " Nasa loob po ang lola niyo ma'am" ng sinabi niya ito ay napanatag ako. Bumaba na ako at sinalubong ako ng isa sa waiter dun. " This way ma'am" tinuro niya at parang papunta kami sa garden ng restaurant. Pero bago kami tuluyang makapasok nakita ko si lola na naghihintay sa bungad. " Iha welcome home." Sabi nito at niyakap ako. Hindi ko to mayakap pabalik kasi buhat ko si storm. " Akin na muna si storm. Mauna ka muna sa loob" nagtataka man ay sinunod ko ito at binigay si storm sakanya. Sinimulan ko ng maglakad. Hindi ko maiwasang kabahan ng makita kong may mga kandila na nakaayos sa dadaanan ko may red carpet din. Napatingin ako sa dulo nito at hindi ko maiwasang mapaiyak. Si miguel. Gwapo ito sa porma nito. Scratch that sobrang gwapo nito. Nakangiti ito ngayon sakin at masayang naluluha. Andito din ang lahat ng kakilala namin. Ang buong pamilya niya. Ang pamilya ko. Ang kaibigan namin. Napansin ko din si Lola na buhat si storm. " Rain. I know we started at the wrong foot. Minahal kita nung panahong hindi dapat. Nalito ako sa nararamdaman ko. Nasaktan kita. Nagsakripisyo ka. Iniwan mo ko. Pero nung iniwan moko dinala mo ang puso ko. Sobra akong nasaktan noon pero alam kong wala akong karapatan na sundan ka. Alam kong gusto mo muna akong maging handa. And I thank you for that. Pero kung may bagay man akong narealize nun ay ang mahal kita matagal na. Hindi ko lang alam sa sarili ko nun pero nung una kitang makita hindi ko mapigilang lapitan ka. Sobrang ganda mo kasi nun pero nakikita ko ang lungkot sa mata mo. Sabi ko nun sa sarili ko " ah gusto kong makitang maging masaya nag mga mata ng babaeng ito" doon ako nagpasya na lapitan ka at maging kaibigan mo. Natutuwa ako tuwing nakikita kang masaya at tumatwa lalo na at ako ang dahilan. Gusto ko nun na lagi kang kasama. Kaya walang kaso kung lagi tayong love team. Natutuwa pa nga ako nun kasi ako lang ang love team mo. Kuntento na ako na ganun tayo. Pero lahat yun nagbago ng dahil sa isang pelikula. Nakaramdam ako ng iba pang mga bagay na hindi ko dapat maramdaman. Bagay na alam kong mali pero hindi ko mapigilang isipin na yun ang tama. Lagi kitang iniisip lahat tungkol sayo. Nung nakita kitang kahalikan si Russel nun hindi ko na kinaya. Alam ko sa sarili ko na mahal na kita. Na mahal ko na ang isang Leusse Rain Gregorio. Sobra akong nagtiis na huwag magpakita noon sayo dahil nirerespeto ko ang desisyon mo. Pero ngayon hindi ko na kayang magtiis na hindi ka pa ulit makapiling, na hindi kita makita muli, na hindi ko makasama ang anak natin, na hindi maipakita sa mundo na akin ka. Kaya Leusse Rain Gregorio, will you marry me and be my wife Leusse Rain Deogracia?" Sabi nito at lumuhod kasabay ng paglabas ng napakagandang singsing. Sa mga narinig ko sakanya ay alam ko ng handa na ako handa na akong makapiling siya kasama ang anak ko. Na bumuo ng pamilya kasama siya. " Yes. I will be your wife Miguel Verzi Deogracia" naluluhang sabi ko. Tumayo ito at nilagay ang singsing sa daliri ko. " I am the happiest man. Thank you my love" sabi nito at hinalikan ako. Sa halik na yun naramdaman ko ang pangungulila nito at pagkasabik. Puno ng pagmamahal. Tinugunan ko yun ng parehas na pagmamahal. Sa aming paghahalikan sabay kaming lumuluha sa kasiyahan habang nagpapalakpakan ang mga tao sa paligid namin. May pumutok na fireworks. At napuno ang kalangitan ng magagandang kulay. Napahinto kami at napatingin dito niyakap niya lang ako. " I love you Rain" bulong nito at hinalikan ako sa pisngi habang nakayakap ito sa likod ko. " I love you too Miguel" -end- I hope nagustuhan niyo ang kwento ng anak nila Trevor at Amera ng My husband's lover sa Gay turn to straight series. Thank you din sa mga sumuporta ng mga stories ko. I really appreciate it ?❤️
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD