14

1161 Words
Kiel's POV Sht malala ang tama ni Benj! Kelangan na namin makaalis dito! "Meag alam mo ba saan ang daan? Wala ng malay si Benj!" patanong na sigaw ko dito. Tumango lang ito at itinuro ang malaking puno ng mangga. "What are we? Like, like engkantos who can pass through trees of some sort?" naguguluhang tanong ni Logan. "Stronzo! I thought chinese people are smart tch," pa-irap na sagot ni Meag. Narating na namin ang itinuro nya, at paglampas nga dito ay naroon na ang aming sasakyan. Dali-dali kong sinampa ang mga gamit namin at sumakay na. Pilit kong pinipihit ang susian ngunit tumutunog lang ang makina. "Hanapin nyo sila! Hindi sila pwedeng makawala!" dinig namin na sigaw ng isang bandido. Malayo-layo pa sila ng kaunti mula sa amin, ngunit tiyak na mahuhuli kami kung hindi agad kami makakaalis. "Why the hell are you not driving huh? Do you want us to get killed now?" iritang tanong ni Logan. "You are so noisy like a faggot! I can't start the truck and I don't know the reason why!" balik sigaw ko dito. "What did you say huh?! I am not a gay!" sagot nito at hinila ang kwelyo ko. "Tangina magsitahimik kayo! Pare-pareho kayong estupido! Nag aagaw buhay na si Benj dito tapos magsusuntukan pa kayo?! Hala! Pag nakalabas tayo dito saka kayo mag p*****n!" galit na sigaw samin ni Meag. Nagkatinginan naman kami ni Logan at parehong nag iwas ng tingin. Bumaba na ako ng truck para makita kung anong problema. "Guys, we have a problem here," sabi ko sa mga ito. Nagsibabaan rin naman sila para makita ang tinutukoy ko. "Holy sht!" "Punyeta!" Magkasabay na sabi nila. "Naririnig ko sila doon banda sa paradahan! Dalian nyo baka makatakas pa!" sigaw ng bandido na mukhang palapit na sa aming pwesto. "Double s**t!" ani Logan at kinuha na ang mga gamit namin sa truck. Binitbit kong muli si Benj at lumapit sa motor na naka park din dito. "Ayun sila! Hulihin nyo mga pashnea!" sigaw ng isang bandido habang nakaturo sa amin. "Kiel, catch!" sigaw ni Meag at may hinagis na kung ano. Nang makita kong clip ito at sumulyap muna ako sa kanya, na ngayon ay kinakalikot na ang susian ng motor. Ginaya ko ang ginawa nya at walang ano ano'y nag-istart na rin ito. Isinakay ko si benj na hanggang ngayon ay wala pa ring malay at sabay na pinasibad ang sasakyan palayo sa lugar na iyon. Meaghan's POV Tangina, I thought we've lost them. Ang mga puta ay nakasunod pa rin sa amin. Dapat pala binutas ko rin ang gulong ng mga motor na nandoon! Yung truck namin tsk! Sinenyasan ko si Kiel na umuna na palayo, dahil delikado para sa lagay ni Benj ang mangyayari. "Hold on tight Logan, this motherfckers don't know when to stop." Naguguluhan man ay hinigpitan niya nga ang hawak sa akin. Dali dali kong hinugot ang caliber .50 pistol sa gun pocket ko at itinutok sa likod. Pinatamaan ko ang mga gulong nila at naglikha iyon ng malakas na tunog ng preno. "Tangina! Wag nyong hayaan makawala yan! Anak pala ni general yan!" sigaw ng isa. Nagsisunod naman ang iba at pinaputukan ang direksyon namin. "Logan, can you hand me the mini uzi from the bag?" tanong ko dito habang pilit iniiwasan ang mga balang tatama sa amin. Wala itong sinayang na oras at inabot sakin ang kailangan ko. "It's showtime baby," nakangising bigkas ko. Nai-full speed ko ang motor at nai drift paharap sa kanila. "Die assholes!" sigaw ko kasabay ng walang habas na pagpapaputok ko sa kanila. Wala na akong pake kung mamatay man sila o ano. Di hamak na mas okay pa ang zombies dahil labag sa loob nila ang ginagawa nila. Samantalang ang mga bandidong ito ay pumapatay pa ng kapwa survivor. "Woah, I didn't know that you could drive and shoot at the same time," manghang sabi ni Logan habang nakaangkas sa likod ko. Mahigit isang oras na rin kaming nagbabyahe, kaya nakakasiguro akong hindi na nila kami nasundan. Sumenyas si Kiel mula sa harap na gumilid kami, na sinunod ko naman. "Kelangan na nating magamot si Benj Meag," malungkot na sabi nito. "Masyado ng madaming dugo ang nawala sa kanya at kanina pa rin walang malay. Pag hindi ito naagapan," hindi nya na nadugtungan ang sasabihin nya at umiwas ng tingin. "Do you know where we can get atleast first aid supplies?" tanong ni Logan sa amin. "Bagtasin lang muna natin ang highway na ito, baka sakali may makita tayong hospital," sabi ko dito at lumakad palapit sa motor. Sumakay na rin si Logan at pinasibad na namin ang motor. Hindi kalayuan sa tinigilan namin ay may nakita kaming gas station. Isinenyas ko ito ay Kiel at nakuha naman agad nito ang aking sinasabi. Pumunit ng damit si Kiel at itinali sa tagiliran ni Benj upang maawat ang pagdudugo nito. Binuksan ko na ang upuan at kinargahan ang motor namin. "Logan, hold this, I will just look for something in that store." Pumasok na ako sa shop at nakitang kumukuha rin ng gamit si Kiel. "Gnaaarrr," dinig kong ungol mula kung saan. "Ano yun?" takang tanong ni Kiel. Dahan-dahan kaming lumapit sa pinagmumulan ng ingay. Habang palapit ay lumalakas ito. Nasa tapat na kami ng pinto ng storage room kung saan rinig na rinig ang mga ungol at pagkalampag. "Ready?" tanong ko kay Kiel. Tumango lamang ito at pumwesto kami sa magkabilang gilid ng pinto. Hawak ko sa kamay ang katana samantalang modified cleaver naman kay Kiel. Pa-letter C ang blade nito, na mukhang maliit na scythe. Pinihit ko ang seradura at buong lakas na sinipa ang pinto. Napaatras ang ilang zombies na lakas ng pagbukas ngunit nakabawi din agad. Galit ang mga itong tumingin sa direksyon namin at nagsisugod. Nagsenyasan kami ni Kiel at tumakbo sa magkahiwalay na daan. Nahati ang horde at hinabol kami. Sinipa ko sa tyan ang zombie na pasugod sa direction ko. Nangingitim na ang balat nito at tumutulo ang laway sa bibig. Saktong pagtungo nya ay tinapyas ko ang ulo nito. Sumirit ang dugo mula sa kanyang leeg habang nagpagulong gulong ang ulo nito sa lapag. Napaatras ng bahagya ang tatlong zombie na aking kaharap at nagkatinginan. Galit silang nagsitingin sa akin at sabay sabay na sumugod. "Gnaaaarr!" *s***h!* Napuno ng ingay ang paligid hanggang sa unti unti itong nawala at napalitan ng katahimikan. Nagkalat ang dugo sa sahig pati na rin ang mga putol putol na katawan nito. "Ang brutal mo naman Meag," ani Kiel na nakalapit na pala sa akin. May mga mantsa ng dugo sa kanyang damit pero mukhang tapos na rin naman sya. Pagkatapos manguha ng mga kakailanganin namin ay napagpasyahan na naming lumabas. Pabalik na sana kami sa motor ng makita ang hindi kaaya ayang eksena. May babaeng sunog ang mukha na nakalapit kay Benj, at sa tabi nito ay si Logan na mukhang wala ring malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD