08

1040 Words
Meaghan's POV Nag stop over na muna kami sa isang abandonadong bahay dito sa mapunong parte ng San Mateo, Rizal. Inabot na rin kasi kami ng dilim at malakas na ulan habang paalis sa mansion kanina. Hindi kami tatagal sa ganun kaya napag pasyahan na rin namin na tumigil muna. Tamang tama lang itong lugar na napili namin, magkakalayo ang bahay at hindi gaanong mapapansin na may nakatigil pala dito. Nag kanya kanya kaming pwesto dito sa bahay. Maliit na space lamang ito. May dalawang kwarto at maliit na sala. Nasa bandang dulo naman ang maliit na kusina at banyo. Isinara namin ang pinto at hinarangan ito ng kahit anong pampabigat. Pati na rin ang mga bintana ay hinarangan namin. Mabuti ng sure ha, pagod na rin ako. Paano ba naman, buong araw yata akong nakikipaghabulan at saksakan sa mga lintek na zombie na yan. Mabuti pa yata sa gubat dahil pa konti konti lang nakakalaban ko, hindi gaya dito na ubod ng dami. Pero atleast, may nakilala na kong bagong survivors. Si Benj saka yung idiot na si Logan, at yung hindi ko pa kilala na na save namin kanina. Kasalukuyan kong ginagamot ang sugat nya. Napalitan na rin ni Logan ang damit nito galing sa damitan dito. Buti na lang at nagkasya. Dadampian ko sana ulit ang gilid ng labi nito ng bigla itong magmulat ng mata. Pareho kaming nagkagulatan at hindi makapag salita. Ako ang unang nakabawi at agad na nagsalita. "Mabuti naman at okay ka na. Kung nahuli kami ng dating baka zombie ka na rin ha ha," naiilang na sabi ko rito. Katahimikan. Nakapalibot na kaming tatlo sa kanya ng magsimula syang magsalita. "T-Thank you for s-saving me. I wouldn't make it without you guys," nanghihinang sabi nito. Isa-isa nya kaming tiningnan ng madapo ang tingin nya kay Benj. Waring nagulat sya ngunit panandali lamang iyon. Nagulat ang lahat ng padabog na tumayo si Benj at dinuro ito. "Sino ka ha? Bakit nasa mansion ka ng mga Beauford na yon? May kinalaman ka ba sa kanila? Alam mo ba kung nasaan yung Don at ang anak nya ha? Ano sagot? Ikaw ba yon?!" nagagalit na tanong nito. Tila kalmado lamang ang lalaki habang umaayos ng upo. "Hindi ko sila kilala. Ako si Kiel, Kiel Ferida. Kukuha lang sana ako ng mga gamit sa mansion na yun kaso ay sinugod ako ng maraming zombies," kalmadong sagot nito. "E bakit nagulat ka ng makita mo ko? Ipaliwanag mo yon," medyo nahimasmasan ng tanong ni Benj. "Nagulat lang ako, mukha kasing ikaw ang pinaka bata dito sa mga kasama mo. Ang bata mo pa para makipag p*****n sa mga zombie dito," sagot nito. "Wala ka bang mas matandang kapatid na dapat tumutulong sayo? Kagaya ng kuya?" nananantyang dugtong pa nito. Sinusuri kung ano man ang magiging reaksyon ng kaharap. Hindi na napigilan ni Benj ang pagwawala. Bayolente nitong sinipa ano man ang nasa paligid nya. Dali-dali naman itong inawat ni Logan at pilit na pinaupo. Doon ito tuluyang humagulgol ng iyak. "Ang mga Beauford! Mga walanghiya sila! Maayos ang pamumuhay namin ng Kuya Benjo ko kahit mahirap lang kami, pero anong ginawa nila ha?! Lalo na ng lintik na Don Beauford na yan! Pagkatapos silang pagsilbihan ng kuya ko, anong ginanti nila?! Pinapatay nya sa anak na tinawag nyang Zeke!" histerikal na sigaw nito. "Dinig na dinig ko ang usapan nila kung paano sya papatayin! Kitang kita ko kung paanong tutukan nung hayop na Zeke na yon ng baril sa ulo ang kuya Benjo ko! Hinding hindi ako titigil hangga't hindi ko sila napagbabayad!" at tuluyan na itong humagulgol pa lalo ng pag iyak. Inaalo naman sya ni Logan, na mukhang naiiyak na rin sa sinapit ng kaibigan. Ngayon lang namin ito nalaman kahit ilang oras na kaming magkakasama. Kaya pala... Kaya pala pinilit nito na sa mansion ng Beauford manguha ng gamit na di hamak na malayo sa bahay nila Logan sa Quezon. Na kahit ang daming hotels at malls na mananakawan namin sa malapit ay pinilit nya pa rin na doon kami sa may Rodriguez na ilang kilometro ang layo. Kaya pala nagalit ito ng susuko na sana kami pagpasok doon sa gate, kaya inakyat nya na lang ito. Kaya rin pala parang aligaga sya kanina dahil may hinahanap sya doon. Kaya pala... Ngayon naiintindihan ko na. Lahat kami ay may kanya kanyang kwento bago pa man kami magkakilala. Sabagay, pangalan nga lang ang alam namin sa isa't isa. Maski apilyido o ano man ay wala kaming kaalam alam. Pagkalipas ng halos sampung minuto ay tumigil na rin si Benj sa pag iyak. Sisinghot singhot na lamang ito. Walang nagtangka na magsalita ni isa sa amin. Tila nagpapakiramdaman kung sinong mauunang magsalita. Wala pa rin sanang magsasalita, kung hindi lang tumunog ng malakas ang tyan ko. "Sorry, my bad. Kanina pa tayo hindi kumakain hindi ba?" sabi ko sabay peace sign sa kanila. Natawa na lang sila ng sunod sunod na tumunog ang mga sikmura namin. "Tara kain na tayo, mukhang may gas at bigas pa dito. Maluto man lang mga delatang nakuha natin," ani Benj at tumalikod na. Nakakailang hakbang pa lang ito ng lumingon sya kay Kiel "Sorry kuya, napagbintangan pa kita. Malaki lang talaga galit ko sa mga Beauford na yon," tumango lamang si Kiel at malungkot na tiningnan ang naglalakad palayo na si Benj. May ibinulong pa ito sa sarili na hindi ko na narinig. "Kiel bro, I saw a 'poso' nearby. Help me grab those pail and water container over there. Let's fill up that big container so we can all wash ourselves up," sabi ng intsik. Tumango lamang si Kiel at sumunod na rin sa utos nito. Mag-isa lamang ako sa sala, kaya naisipan kong pasukin ang kwarto at maghanap ng kung ano man roon. Pagbukas ko pa lamang ng unang kwarto ay tumambad na sa akin ang maliit na kutson. Iginala ko ang paningin sa mga pictures sa pader at natigil ako sa isang frame na nakaakit ng interes ko. Isa itong picture ng nurse na nakangiti. Pero hindi ito ang nakaakit ng pansin ko, kung hindi ang background nito. Ang Fuego Mental Laboratory Ang lugar kung saan nagsimula ang mga zombies na ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD