SIMULA

1018 Words
Year 2030 Ang gabi ay malalim, ang kalmadong simoy ng hangin ay nagpaparamdam na malapit na ang pasko sa Pilipinas. Masayang umuwi ang mga bata pagkatapos mangaroling. Sabay sabay silang nagsikain ng hapunan at maagang natulog dahil bukas na ang simula ng simbang gabi. Sila ay magpapasalamat muli dahil sila ay nabuhay pa kahit halos kalahati na ng bansa ang namatay dahil sa pandemya dulot ng covid-19. Ang gabi ay payapa at tahimik, walang kamuwang muwang ang mga tao na ito na ang huling gabi na makakaranas sila ng kapayapaan. Isang malakas na pagsabog ang sumira sa kapayapaan ng paligid. Dali daling lumabas ang mga tao sa kanilang mga tahanan, naalimpungatan man ay bakas ang takot sa kung saan man nang galing ang pagsabog na iyon. Ang isang pagsabog ay nasundan ng isa, at isa pa, hanggang sa hindi na mabilang ang mga sumunod pa. Ang mga putok ng baril ay umalingawngaw, na nagdala ng kakaibang takot sa mga tao sa metro manila. May mga lumilipad na helicopter galing sa kung saan, at nagsibabaan ang mga sundalo na laman nito. Napuno ng sigawan ang buong syudad, nabalot ng takot ang lahat. Gyera. Gyera ang nangyayari sa kanilang harapan. Lahat ay hindi handa, ang iba ay nagbalot ng mahahalagang gamit para lumipat sa mas ligtas na lugar, samantala ang iba ay nagtago sa kanilang mga bahay. Dahil sa mga pagsabog at putukan na naganap, ang mga matatayog na building ay nagsiguhuan, ang ilang establisyimento at kabahayan ay nasunog, at ang ilang tao ay namatay dahil sa pagtabon ng mga debris, o kaya ay dahil sa tama ng ligaw na bala. Chaos. Walang may gusto na mangyari ito, lahat ay kakabakasan ng takot. Ang mga bata ay umiiyak, ang mga magulang ay naghahanda samantalang ang iba ay pinapanood lang ang nangyayari, handa kung sakali man sila ay pumanaw na. — Bataan Ang mga doktor at ilang scientist sa Fuego Mental Laboratory ay tutok sa tv. Binabalita dito ang kaguluhan na nagaganap sa metro manila. Ipinalabas dito ang isang balita mula sa isang sikat na tv network sa bansa. "Isang nagbabagang balita mga kabayan, nag mistulang battle ground ang metro manila dahil sa walang patid na pagsabog at putukan. Narito tayo ngayon sa palasyo upang hingiin ang opinyon ng kataas taasang heneral na si General Abeita," ani ng reporter. Kitang kita sa screen ang pakikipagsiksikan dito makalapit lamang sa heneral. "Magandang gabi sa inyong lahat. Sana ay mapayapa pa rin ang gabi ng mga nasa ibang lugar. Ang giyera na nagsisimula ngayon ay ang simula ng WWIII. Ang hidwaan sa pagitan ng America at China at kanilang mga kaalyado, ay nagresulta sa digmaan na ito. Nagpakalat na kami ng aming mga sundalo at kapulisan upang tulungan ang naiipit sa digmaan na ito. Hinihintay lang namin ang anunsyo ng presidente kung kanino kami papanig sa laban na ito. Sana ay mag ingat kayong lah—" Naputol ang panonood nila ng balita ng may sumabog sa may lugar nila. Ang missle ay tumama malapit sa luma at saradong Bataan Nuclear Power Plant, at ang pagsabog na ito ang nagdulot ng pagkalat ng radiation. Radiation na umabot sa malalapit na barangay nito, kasama na ang mental facility na ito. Naalarma ang lahat dahil alam nilang hindi maganda ang magiging epekto nito. Agad silang naghanda bago pa man mag anunsyo ang kanilang head doctor. "Code green! Code green! Ilayo nyo ang mga pasyente natin! Magsuot ng anti rad face mask! Kailangan natin makaalis kaagad! " nagmamadaling utos ng kanilang head doctor. Dali dali naman tumalima ang mga doktor sa utos nito. Nag kanya kanya ang mga ito pagsuot ng anti-rad face mask at ang nakareserbang PPE para sa mga ganitong sakuna. Limitado lamang ang mga ito sapagka't hindi pa sila nakakakuha sa factory kung kaya't tanging ilan sa mga opisyales, nurse, doctor at scientist lamang ang nakinabang dito. Hindi na nabigyan ang kanilang mga pasyente dahil na rin sa dami ng bilang ng mga ito kung kaya't ang mga ito ay tuluyan ng naapektuhan ng matinding radiation na kumakalat sa kanila. Ang kanilang mga pasyente na may 'Cotard's Syndrome' , o mas kilala bilang 'Walking Dead Syndrome' ay nagpakita ng mas malalang senyales ng kanilang sakit. Kung noon ay nasa isip lamang ng mga ito na sila ay mga zombie, ang radiation na umabot sa kanila ay naging dahilan upang mag mutate ang mga ito. Naging mas agresibo ito, at inatake lahat ng nasa landas nila. Nagsitakbuhan ang mga doktor palayo sa mga ito, ngunit ang mga minalas na naabutan ng mga pasyenteng inaaral nila ay hindi na umabot. Ang mga ito ay pinagkakalmot ng kanilang mga dating pasyente. Tila nababaliw ang mga ito sa pagiging agresibo sapagka't ang iba rito ay naging cannibal na kinakain ang laman loob ng napatay nila. Halos masuka ang ilan sa mga nakasaksi niyon, at ang iba ay di na napigilan at tuluyan ng bumaliktad ang sikmura sa lapag. Napuno ng panaghoy ang lugar, kanya kanyang tago upang hindi maabutan ng mga lumalalang tao na ito. Ang ilan ay agad tinungo ang parking kung saan nakaparada ang isang service van. Sa bilang nila ay tiyak na hindi sila kakasya. Nagsimula na ring lumabas ang kanilang mga nabaliw na pasyente kung kaya't napilitan silang labanan ito. Patayan kung p*****n dahil base sa nakita nila kanina, hindi magdadalawang isip ang mga ito na tapusin rin sila. Ang mga maswerteng scientist at ilang doktor na nakaligtas sa sigalot na ito ay dali daling tumakas sakay ng kanilang pribadong service van. "Doc Martin, ano na pong mangyayari? Masyadong na expose ang mga pasyente natin sa radiation mula sa planta. Ano na ang mangyayari sa mga naiwan natin na doctor?" kinakabahang tanong ni Aaliyah, isang student nurse na nag o OJT sa kanila. Ilang buwan na lang at graduate na ito sa kursong nursing at magte take ng board exam upang maging lisensyadong nurse ngunit sa nangyayari ngayon, tiyak nyang malabong mangyari ito. "Hindi ko alam, sana ay walang malala na epekto ito sa kanila kundi ang pagiging agresibo lamang." "Sana nga iyon lang..." bulong nito sa sarili bago sila mabagsakan ng mga nahuhulog na debris.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD