K A B A N A T A 43 PART TWO Don Miguel “HERE, drink this…” Pilit ang ngiting inabot ko ang binigay na tsaa ni Ashton. “Thanks…pasensya na din sa inarte ko kanina.” Tinabihan niya ako sa sofa at tiningala niya ang kuwartong kinaroroonan ng anak namin na si Ashriel. It’s been an hour nang makabalik kami at hanggang ngayon ay natutulog pa si Ash. “No, you don’t have to be sorry, Meredith. You’re a mother…I should have known better.” Sumandal ako sa balikat ni Ashton matapos kong higupin ang tinimpla niyang tsaa para sa akin. “Masaya dumating sa buhay ko si Ashriel pero minsan naisip ko kung iba kaya ang naging magulang niya, magkakasakit din kaya siya? Siguro kung iba ang naging ina niya, baka hindi siya nabulag, baka hindi niya kailangan mahirapan sa paulit-ulit na sakit niya.” “Don’

