Capitulo Diecinueve

2645 Words
Jacintha's "Please take these vitamins and rest. Nasa first trimester ka pa lang ng pagbubuntis mo. I heard you've been through a lot, these will help your body and the baby" Nakatutula kung saan, naririnig ko ang payo ng doktor. Habang nakaupo sa gitna ng kama. May benda at sugat sa mukha. Hindi ko alam kung saan ako dinala ni Scarlett, kung bakit, pero higit sa lahat ay nakumpirma ko na ang matagal ko nang hinala. Alam kong nakailang PT ako pero di pa rin ako naniwala dahil di ko nagawang magpa check-up pero ngayon ay totoo nga; buntis ako. Hinawakan ko ang aking tiyan at dinama ang maliit na umbok na inakala ko noong nanaba lang ako. Kasalanan ko ito, madalas kong nakakalimutan i-take ang pills na bigay ng doktor. "I will leave you be", sa dalawang araw na narito ako ay wala akong kinakausap. Nibuka ng bibig ay di ko magawa. Masyadong maraming nangyari. Hindi ko alam kong saan ako magsisimula at ngayon ay nalaman ko pang may nabubuong buhay sa loob ko. I feel numb, hindi ko mapigilan at natatakot akong maapektuhan ang bata ngunit wala akong magawa. Bigla ay tumulo ang aking luha at tuluyan nang naiyak. "I'm sorry. Hindi ko nailigtas si Suzzane" Presko pa rin sa akin ang mga salitang iyon. Namulat ako ng walang kinilalang ama, at ngayong kilala ko na siya ay binawi lang din ito ng ganun nalang. Ang dami kong katanungan pero hindi na nito iyon masasagot. Nasa ganuong sitwasyon ako ng maramdaman kong lumundo ang kama at hinawakan ng kung sino ang aking kamay at iyon ay si Felixto. "Wag mong pagurin ang sarili mo sa pag-iyak. Hindi makakabuti sa iyo iyan at sa bata", Agad kung winaksi ng kamay nito. "Wala kang karapatan. Kalaban ka at may kailangan ka sa Pacific" asik ko rito. "Maaring wala akong karapatan sa tagal na rin ng panahon pero nagkakamali ka dahil hindi ako kalaban at oo may kailangan ako ngunit hindi sa Pacific", lumamlam ang ekspresyon nito at hinawakan ang aking pisngi. "Ikaw Jacintha, ikaw ang kailangan ko. Ang nag-iisa kong Apo" Sabay ng pagkasabi nito ay siyang pagtulo ng aking luha at higit ng aking hininga. "Hindi, ang Mama' ko lang ang pamilya ko" "Alam kong magulo pa sa iyo ang lahat at nanghihina ka pa. Take time to recover first at sasabihin ko sayo ang lahat lahat mula umpisa", hinawakan nito ang kamay ko. "Mahirap para sayo ang malamang si Cillian ang ama mo, alam ko, kahit ako ay kamakailan lang nalaman iyon but the man did everything to keep you safe at buhay niya ang naging kapalit. It cannot be helped, patawad, apo ko-" "Tumigil ka!", napayuko ko sabay pikit. "Naiintindihan ko, take your time", hindi ko ito hinarap at narinig nalang na nagsara ang pinto at muli ay naiwan akong mag-isa. Apo ako ni Felixto Ravino. Ang Sovereign Supreme. Isa na namang posibleng katotohanan sa pagkatao ko ang nalaman ko ngayon. Hanggang kailan ba matatapos ito, pagod na ako, ang puso ko. Aking niyakap ng sarili na para bang niyayakap ang anak ko dahil sa oras na ito ay may maliit na taong nabubuhay sa loob ko, at siya lang ngayon ang meron ako at di ako kayang saktan. ~~ Lima Anim Pito Ganun na siguro ako katagal na namamalagi sa kamay ng Sovereign, ni Felixto. Marami na rin akong nalaman. Nasa mansion ako nito, sa isang isla. Kahit saan ako mapatingin ay puno ng security. Kahit pa lumabas ako at maglakad-lakad ay may mga security na sa bawat lakad ko ay may dalawang nakabantay lang sa aking likod, limang metro ang layo. Walang-wala ang security ng Pacific. Ngayon ay nasa baybayin ako, dapit hapon na. Mula nang makarating ako rito ay panay akong naglalakad sa may dalampasigan ng mimsan ay nakapaa habang ninanamnam ang masarap na simoy ng hanging nilalaro ang buhok ko at suot na bestida. Tumigil ako, napatingin sa kaliwang balikat. Pinakikiramdaman itong kanina pa nakasunod sa akin. "Pwede ka nang lumabas, mag-usap tayo, handa na ako", sa tingin ko ay handa na ako sa mga sasabihin ni Felixto. Hinarap ko ito, nakapaa rin siya ngayon at nakaangat pa ang pantalon nito abot tuhod. Ningitian ako nito ng malawak, tinango ko lang siya at itinuro ang isang natumbang puno ng niyog. Wala kasing ibang mauupuan kundi iyon lang. "Saan ba ako magsisimula?" "Sa pinaka umpisa, lahat lahat" "Suzanne, ang Mama' mo, kahit kailan, we never see eye to eye. Lumaki siya ng hindi kami naging malapit. It worsen when her mother, your grandma died. But she adores her older brother kaya ng mamatay ang panganay ko, di na nalunasan ang sa pagitan naming dalawa. We were both depressed at nagpakain kami sa nararamdaman namin" "Anong nangyari?" "Ambushed, namamayagpag ang Sovereign, natural lang na may mga magtangka to do damage and unfortunately, it was your Uncle" Malalim na hininga ang nilabas nito bago muking nagpatuloy. "We have each other not for support but to constantly blame. Lalo na ako, isang Mafia, I know the consequences. Mula nun di na kami nagkaroon ng tsansa. Ayaw niyang pamunuan ang Pacific. Panay namin iyong pinag-aawayan. Hanggang sa minsan ko siyang napilit na dumayo sa isang charity event, nakilala niya doon si Audrey Desjardin" "Ang Mama' ni Jorge?" "Oo, pinanganak na rin si Jorge nun. I didn't know what but they clicked, as friends, sabi niya ay they share the same value na hindi ko kailanman maiintindihan. Kahit na ganun, it actually made me be happy for her, inaantabayanan na niya ang mga event na maaring dumalo si Audrey, umaalis rin sila hanggang...", ibinaling nito sa akin ang tingin. "Nalaman ko na lang na buntis siya, ayaw niyang sabihin kung sino ang Ama. Kaya nagalit ako, at ikinulong ko siya sa bahay ng ilang buwan. Matitiis ko lahat ng ginagawa niyang pag-iwas pero hindi ang magiging Apo ko, hindi ikaw, kaya nagawa ko iyon sa kanya ngunit di pa rin siya umamin. Hanggang sa tumakas siya at di ko na mahanap" "Saan siya nagpunta?" "Kay Audrey, she was protecting your Mom, at alam nitong si Cillian ang ama ng pinagbubuntis niya", Maaring sa pagiging malapit nina Audrey at ng Mama' nagkakilala sila ni Cillian. "Alam ba niya? n-ni Cillian?", "Ang sabi niya sa akin ay hindi. Itinago ng mga ito ang lahat dahil nais nilang malayo sa buhay na mayroon sila" "Paano, paanong nawala ang Mama'?" "Taon ang lumipas, Jacintha. Hinayaan ko na kayo ng Mama' mo, ayoko nang ipilit sa kanya ang ayaw niya. Hanggang isang araw ay tumawag siya sa mansyon, nais niya akong makita kasama ka, we set date pero hindi siya nakapunta. I tracked her down pero wala na, she was killed the same day as Audrey's" Napalunok nalang ako sa mga sunid-sunod nitong rebelasyon. "Kinuha ko ang katawan niya at inilibing along with her brother. Hinanap kita pero walang nakitang bakas mo. I didn't even know if I was finding a boy or a girl. Gulong-gulo ako, di ko alam saan magsisimula. Napabayaan ko ang Sovereign, it was barely functioning, iba iba ang nagdadala na tinatraydor rin naman ako" "Kapatid ko ba si Scarlett?" "Hindi. Ampon ko siya, the same day your mother passed. She help me keep the Sovereign afloat, matalinong babae. She is not what you think she is. At higit sa lahat, she helped me find you" "Paano niyo ako nahanap?" "Nagkaroon kami ng lead last year, ng nagsimulang alamin ni Jorge ang katotohanan. He has been for years but someone is holding her back; si Cillian" "Bakit?" Hinawakan ko na ang balikat nito. "Kung malalaman ni Jorge and lahat, masasagot ang mga katanungan natin kaya ba--" "Dahil sayo, Jacintha!", napatigil kaming dalawa. "The past doesn't matter to him anymore because he has you to protect in his present. Kung malaman ni Soledad ang ginagawa ni Jorge kahit siya ay manganganib. Pino-protektahan niya kayong dalawa" Hindi ko mailabas sa aking bibig ang kahit anong salita, pero pinilit ko. "Di mo tinggal ang mga mata mo sa mga Desjardin", sabi ko nalang. "Hindi; because they are the root cause of my pain" "Si Scarlett ang nagsuggest na maaring nasa poder ka nila, and we knew Desjardin's have orphan's and then we found you. Ang panahon ng pagpasok mo sa Pacific ay tugma. And for the first time, I see a glimpse of hope that maybe it could be you" "Ang sabi mo ay hindi alam ni Cillian na buntis ang Mama' sa akin, kung ganun, paano niya ako nailigtas" "He said that the moment he saw you for the first time that day he knew. Ang sabi nito sa akin ay sinubukan niyang paki-usapan si Soledad dahil nagkakalamat ang relasyon nilang dalawa ni Audrey. Hindi niya akalaing itinatago niya si Suzanne. Akala niya ay iniwan siya nitong tuluyan dahil sa ayaw ni Soledad kay Suzanne para sa kanya" Inabot nito ang dalawa kong kamay dahilan para mapaharap ako rito. "Pareho kami ng pagkakamali ni Cillian, hinayaan namin si Suzanne. Kung wala si Audrey ay...", naitakip nito ang mga kamay sa mukha. "Walang ginawa si Cillian", anas ko. "Huli na nang malaman niya, she already died. Nais niyang mapanagot ang may sala, si Soledad, pero paano ka?" "Alam niyang makapangyarihan si Soledad at isang hamak na ampon lamang siya. So he decided to protect you instead" "At pinaniwalaan mo talaga lahat iyon?" "Lumapit siya sa akin, Jacintha. Natatakot siyang sa nangyayari at malaman ni Soledad ang tunay mong pagkatao dahil pinakasalan mo si Jorge. He was kneeling while walking towards me, crying for help, to make my grandchild, his supposed daughter safe. Kahit alam niya kung anong maari kong gawin sa kanya ay nagpatuloy pa rin siya", napatigil itong bahagya bago muling napatuloy. "Nabuhay siya matapos ang lahat para masiguro ang kaligtasan mo, para lang sayo, Jacintha. I cannot discredit the man kahit na kinamumuhian ko siya sa nangyari sa anak ko" "Paanong nangyari iyon sa Mama' at kay Audrey?", pag-iiba ko nalang. "They both wanted out...", napahawak ako sa kinauupuan namin na nakatingin rito. "Sabi ko sayo, they share the same values. Nasa plano nilang umalis, at ang Don ng Pacific noon, ang Ama ni Jorge ay kinokonsidera ang ideya dahil sa mahal nito ang asawa pero hindi iyon hinayaan ni Soledad. Unang nawala ang Don, sumunod ang dalawa; they were assassinated by Soledad, Jacintha" "Lahat ng iyan, ay katotohanan ni Cillian?", umiling ito. "I conducted my own investigation at napagtanto at napagtagpi-tagpi ko na hindi ito nagsisinungaling; Soledad was selfish enough to plan a demise for his only son and his wife at nang malamang maaring maging witness ang Mama' mo ay isinunod niya ito. I also had you and Cillian's DNA test result. You are his and Suzzane's child" Wala akong masabi, pakiramdam ko ay isa nalang akong blankong canvas na pilit inaabsorba ang lahat ng pwedeng iguhit na senaryo sa kanya. Dahil nangyari na ang mga nangyari at wala na akong magagawa. "Gusto kong mag-isip-isip. Bigyan mo ako ng ilang linggo, sana ay hindi ako mahanap ni Jorge... Lolo" "If that is what you want" ~~ Tinupad ni Felixto, ng Lolo ang hiling ko, sa loob ng ilang linggo ay hindi nito hinayaang mahanap ako ni Jorge. Tinulungan ako nitong makita ang Lola ni Rhea; isa pala itong kasambahay noon na nag-alaga sa amin ng Mama'. Ito ang may gawa ng mga charms na nasa mga ala-ala ko, at nang mawala ang Mama' ko at si Audrey ay pinatahimik ito ni Soledad. Sa loob ng mga linggong iyon ay wala akong ginawa kundi ang mag-isip. habang ang bata sa loob ko ay patuloy sa paglaki. I'm almost in my third month of pregnancy, hindi nga lang gaano kahalata ang umbok ng tiyan ko at mabuti iyon. Nasa baybayin ako, dapit hapon at nakatunghay lang sa palubog na araw. Handa na ako, ilang minuto lang ay siguradong paparating na siya. Matapos ito, maayos na ang lahat, ngunit may mga pusong maaring masaktan. Nakaupo ako ngayon sa swing hanggang sa makarinig nalang ako ng tunog ng isang helicopter, dalawa iyon. Isa isang lumabas ang mga taong unipormado ng Pacific, at huli ay si Jorge na aakalain mo ay sasabak sa gyera. Naka vest ito at may dalang malaking baril, handa siya at ang mga tauhan nito. Patingin tingin ito sa paligid at di naman ito nabigo nga makita ako saka ito sumenyas sa mga tauhan at natigil. Tumayo ako at naglakad ng dahan dahan papalapit sa kanya. Hindi inaalis ang tingin, mas lalong tumubo ang bigote nito, nangingitim rin ang ilalalim ng kanyang mga mata at halatang nangayayat ang mukha at katawan. Ang dating Jacintha ay tatakbuhin ang Jorge sa aking harapan ngunit hindi, hindi sa ngayon. Hinawakan ko ang dalawang singsing sa aking kamay, iniikot-ikot iyon, hinahanda. Tumigil ako sa harap nito, ilang dipa ang layo sa kanya saka nito ibinaba ang baril na hawak at inisang hakbang lang iyon at mahigpit akong niyakap. "Mi Hermosa, Mi Vida, Jacintha, you are well. Hindi mo alam kung gaano ako ka nag-alala sa iyo", ginantihan ko ang yakap nito saka muling humiwalay. Ibinaba nito ang kamay sa mga kamay ko bago nito iniikot ng tingin sa paligid. "Let us go" hihilahin sana nito paalis ang aking kamay ngunit kinuba ko iyon pabalik. "I will stay, Jorge. Hindi ako sasama", iniangat ko ang kamay at ibinigay rito ang mga singsing. Naguguluhan ay hindi nito iyon kinuha kaya dahan-dahan ko iyon ibinaba sa buhangin at idinanatay sa may bato. "Nakapasok ka dahil hinayaan ka nila; sa utos ko. Wag kayong magkakamali dahil hindi iyon magiging maganda. Surrounded ang area, maa-ambush kayo sa isang pitik lang ng kamay ko", napakurap-kurap itong di makapaniwala sa sinasabi ko. "Gusto kong maging pinal ang lahat sa ating dalawa dahil nakapagdesisyon na ako" "Alam kong galit kasa akin pero magpapaliwanang ako. I have answers this time Jacintha the right answers that--" Inilabas ko rito ang hawak kong isang voice recorder, boses mismo ni Cillian na ibinigay sa akin ng Lolo matapos ang aming usapan upang maging klaro ang lahat sa akin. Humingi ako ng kopya upang ibigay kay Jorge, it's the least I can do. "Pakinggan mo iyan, at masasagot niyan lahat ng mga katanungan mo dahil nasagot niyan ang akin", nagaatubili man ay kinuha naman nito iyon. "I'm sorry for your Mom, but I'm much sorry for mine. Sa loob ng ilang linggo akong narito ay nakapagdesisyon na ako Jorge. Tapusin na natin ang lahat", humakbang ito. "Why? We've been through everything but why now?" "Dahil sa hindi ikaw ang kailangan ko. Masyadong maraming nangyari, pinaglaruan mo ako, ginamit, niloko" "Jacintha, I told you --" "Ito! ayoko ng ganito. Ayokong araw-araw na matakot na baka may itinatago ka na naman sa akin, na baka niloloko mo na naman ako. Ayoko, gusto ko ng katahimikan. Pagod na ako sa magulong buhay nating dalawa" "But you are with child! My child!" "Nawala siya sa akin, Jorge!", pinipigil ko ang aking luha. Kailangan ko ang sarili ko ngayon para sa bata Jorge at hindi ikaw. Maaring sa taon na lilipas ay maipapakilala ko siya sayo pero hindi ngayon; patawad. "N-no, it can't be..." "Umalis ka na", tinalikuran ko agad ito at naglakad na paalis at nang malapit na ako sa mansyon ay tanaw ko na ang Lolo na nas balcony, nangiti ako rito ng dalawang mga kamay ang yumakap sa akin sa likod. "Anong..." "Just this once, don't, push me", hindi ako nagsalita ng kunin nito ang kamay ko at iginaya iyon malapit sa aking puso. Dama ko ang mainit nitong hininga sa aking leeg. Nagtataas-babang pareho ang aming mga dibdib. Is it what I think it is? The Desjardin Promise. "I love you, Jacintha. I will grant you what you want but I'll promise to take back what's rightfully mine", at bago pa man ako makalingon rito ay tuluyan na itong nawala sa aking likuran.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD