Capitulo Siete

2187 Words
Jorge's "Are you packing for a family of five?", kunot noo ako nitong tiningnan. Napahalukipkip ako. It was an exxageration, yes, pero napakarami nitong ipinapasok sa bag nito. Paniguradong mabibigatan itong dalhin iyon. "Sabi mo sa akin isang bag pack, kaya ito" "But I didn't tell you to fill it to the brim. Isang araw lang tayo dun" "Babae ako, Jorge", nimuwestra pa nito ang kamay sa kanya. "May mga kailangan ako na hindi mo maiintindihan" Her she comes again with her never ending bickers. Alam ko naman iyon, pero hindi talaga nito magawang magpatalo sa akin. Hahayaan ko na ito... but not with a tease. "I know", isang matagal na pagtigil bago muling nagsalita. "You have your needs", saad ko sa nanunudyong boses. Hindi ito naimik at bahagyang napahinto bago muling bumalik sa pag-eempake ng hindi man lang ako binabalingan. A grin formed in my face looking at her. Di man ako nito matingnan ng deritso ay kita ko ang pamumula nito. "A-asaan ba kasi iyong insect repellent ko--", lalampasan na sana ako nito ng hawakan ko ang dalawa nitong braso at iniharap sa iniempake nito. "Nasa gilid lang ng bag ang hinahap mo. Masyado kang preoccupied", mahinang bulong ko dito. Niyugyog nito ang mga balikat, kaya natanggal ang mga kamay ko sa pagkakahawak. Sa patuloy nitong pag-eempake ay may kung ano itong napansin sa ilalim ng bag, na bigla nitong hinila dahilan upang tumilapon, ang isang pang-itaas ng isang bikin na ngayon ay nakadantay sa balikat ko. Pigil ko ang sarili na magulat, nagtagis ang aking mga panga. Napahawak lang din ito sa bibig niya. I scoffed saka kinuha iyon gamit ang dalawang daliri. "I told you, no bikinis". Si Kerin ang inutusan kong sundin ang mga ipinapabili nito. Hinablot nito ang kakarampot na telang iton paalis sa aking kamay. "Pwede ba, umalis ka na muna at may ginagawa ako. Nang di-distract ka. Alis!", itinulak ako nito patalikod papunta sa harap ng pintuan. That woman never listens. He really tries to provoke me. Sinabihan ko itong sa lagoon ang punta namin, a private one. I didn't expect her to use that for a swim. Alam kong walang makakakita rito but the fact is we aren't sure. I don't want anyone seeing her like that, if ever, it should only be me, with my own eyes, just mine. "Sir?...", si Kerin iyon. "Did you--", inosenteng natingin ito sa akin. "Never mind. What is it?" "Handa na po ang lahat na ipinahanda ninyo sa pagpunta niyo sa lagoon" "Okay, thank you" "May iba pa ba kayong ipag-uutos?" "Wala na pero...", tinapik ko ang balikat nito. "About Wesley, do something about him. Alam kong asset siya ng Pacific but that lunatic really has a knack of misbehaving and being defiant to instructions" "Makakaasa ho kayo, ako na ang bahala kay Wes, Mr. Desjardin" Sa baba na ako naghintay kay Jacintha. Di naman din ito nagtagal at bumaba na. Pinasadahan ko ito ng tingin. "Bakit?", napatingin ito sa likod niya. "Go back, change your clothes?" "Ha?", tiningnan nito ang sarili. "Ito naman ang sinusuot kapag nagte-trekking ah" "Change your shorts", above her knee iyon pero kita pa rin ang balat nito. Pati ang mga security na anduon ay sa kanya lang ang tingin. I hate that. "Ayoko, ito ang gusto ko. Tinanong ko na rin naman si Kerin, ayos lang ang suot ko. Ngayon kung gusto mong mapaaga ang uwi natin. Magsimula na tayong maglakad", maloko itong nangiti sa akin sabay ikot ng mga mata. The woman just never listens! Jacintha's "Bakit hindi mo sinama ni isa kina Kerin o Niko?", itinatali ko ngayon ang aking buhok. Nasa unahan ko ito at tinatanaw ang daanan namin. Paminsan-minsan rin ay humihinto ito. Kinakabahan ako baka maligaw pa kami. "Medyo malayo, pero hindi masukal ang daanan papunta doon. As long as you won't do anything stupid. We can manage", tinanggal nito ang suot na sun hat at pinahiran ang pawis nito. "Sandali lang...", pagpapatigil ko rito. Kung pwede lang sana matawa ngayon ay natawa na ako sa itsura nito. Pinagpapawisan na kasi ito ilang lakad pa lang ang ginagawa namin. Halatang hindi ito sanay. Kinuha ko ang makapal na bimpo sa aking bag saka lumapit rito. "Tumalikod ka", utos ko. "What for?", naguguluhan nitong tanong. "Basta", agad naman itong natalikod. Nilaguyan ko jg bimpo ang likod nito. "Hindi pwedeng ubohin ang Don, bawal magkasakit. Hindi ka naman sanay, bakit kasi dito mo pa ako dinala. "Dahil alam kong magugustuhan mo. It's my favorite spot" Muli ay nauna na itong maglakad. Gaya ng sabi nito ay hindi ganun ka masukal ng dinaanan namin pero talagang malayo. At may pataas at pababa pang daanan, iyong literal na baba ka sa bato para makadaan ang kailangan namin lampasan. Hingal na ako ng biglang magsalita si Jorge. "Can you smell it?" "The lagoon. Kapag malapit na tayo, lalamig ang paligid at mangangamoy sariwa ang hangin. It's truly fascinating, Jacintha", bahagyang nakataas ang gilid ng mga labi nito. In a way, he is smiling, sabik ito. "Gawin mo iyan palagi", baba na sana ito sa isang bato na anduon ng lingunin ako nito. "What?", hindi nito narinig ang sinabi ko. "Wala!" Nagulat ako sa sinabi ko. Mabuti nalang at di ako nito narinig. Bakit ako natutuwa sa nakangiting Jorge? Ni hindi nga iyon matatawag na ngiti dahil nagpipigil ito. Pero hindi naman kasi talaga maitatangi ng makita kung bahagya itong nangiti ay mas lalong nangibabaw ang pagiging magandang lalaki nito. Muli ay nagulat ako sa isiping iyon. Alam kong magandang lalaki si Jorge pero kahit kailaan ay hindi ko binibigyang pansin iyon. Napapikit nalang ako at niyuyogyog ang aking ulo. "What are you doing?", lumapit ito sa akin at hinawakan ako na dali ko namang inalis sa gulat dahilan upang mawalan ito ng balanse at napakapit sa akin sabay na nadulas papuntang ibaba at nagpagulong gulong hanggang sa tumama kami sa isang malaking kahoy. "Aray ko", daing ko pa. "I told you to not do anything stupid, and still you did, agh!" Masakit ang katawan kaming napabangon. Itinayo ako nito, pinagpag namin ang sarili. Bumungad agad sa amin ang malawak at kulay luntiang tubig. "This is it; Audrey Lagoon", napalingon ako rito. "Its an homage to my Mom. They named it after her" Napakaganda ng lygar. Napapalibutan ito ng mga puno. Matingkad na berde ang klarong-klarong tubig at ng aking hawakan ay napakalamig. Malinis din iyon na tila ba hindi nagagambala ng tao sa labas. Kahit ang mga bato sa gilid ay mas lalong nagpapatingkad sa ganda ng lugar. Wala akong oras na sinayang pa at nagsimula ng maghubad ng matigil ako ng mapagtantong hindi na si Adolf ang kasama ko kundi si Jorge. Siguro nga ay old habits die hard dahil suot ko ngayon ang purple rib high waisted bikini sa ilalim ng damit ko. Nagdadalawang-isip man ay binalewala ko nalang. I love my bikinis. Tinalon ko ang tubig at ng maramdaman ko ang tubig sa buo kong katawan ay tila nawala ang pisikal na pagod na naidulot sa akin ng mga pangyayari nitong nakaraan. Ang lamig ng tubig ay tila gumagaan at pumapawi sa lahat. Kaya nga siguro importante rin ang bakasyon, dahil kahit sa maliliit na sandali gaya nito ay napapawi ang bigat na pasan ko. Pag-ahon ko ay lagaslas ng tubig ang aking narinig. Si Jorge, nakaluhod ito sa isang bato at hinuhugasan ang mukha at binabasa ang buhok. Wala itong pang-itaas. Kita ngayon ang magandang hubog ng katawan nito. Sa isang galaw nito ay nasilayan ko ang abs nito, tumitangkad iyon dahil narin sa halik ng araw sa balat nito. Kung di lang ito Mafia Don ay paniguradong papasa itong modelo. Nilapitan ko ito. "Itong lagoon. Ipinangalan nila sa Mom mo, she must be a good person" "She was splendid. In a way she have lived a beautiful life... Iyon ang sabi ni Grandma Sol" "Kung ayos lang sayo. Pwede mo naman hindi sagutin. Anong nangyari?" "I was young, so young I was merely twelve. My Father died in a car accident and months later Mom died too. She--",hinto ko. "She was assassinated" "Nahuli ba ang mga gumawa", isang iling ang tanging naisagot nito. "Ang pagkawala ng mga magulang ko. Lahat iyon ay dahil sa mundong ginagalawan namin", iniyuko nito ang ulo. "As a child I don't know why. I was in so much pain, I didn't even had the courage to ask nor talk to someone about how I really felt. I was there, accepting the fact, that I cannot turn time and my parents back" "Umiyak ka?" "Hindi ko alam. Di ko na maalala", sandaling namuo sa pagitan namin ang katahimikan. "Kaya naiintindihan kita ng sabihin mong gusto mo nang umalis sa organisasyon" "Jorge--", pagdadalawang isip ko. "Nais mo rin bang--" "Kailangan ako ng Pacific, I have no right to leave. That's not how it works. You had the right whilst I have an obligation", umiling ako. "Ikaw ay ikaw, Jorge. Maaring anak ka ng mga magulang mo at tagapagmana ka ng Pacific pero ikaw ay ikaw", pangangatwiran ko. "May karapatan ka sa kung anong nais mong gawin sa buhay mo" "May karapatan ako, pero hindi sa kalayaan" "Hindi naman kasi dapat ganun iyon" "Life is never fair, Jacintha", hindi na ako naimik. "How about you?", mahinang hinapas nitonang tubig sa direksyon ko. "Kung iisipin ay pareho tayong ulila. Kung di mo rin mamasamain. Anong nangyari sa mga magulang mo?" " Iyong totoo?-- Wala akong maalala" "Memories can be cruel, they're our traumas best friends" Umalis ako sa kinauupuan namin at nagpunta sa tubig. Ramdam kong sumunod ito sa akin. "Jacintha, about the marriage. Ano ang desisyon mo?" "Wala namang mangyayari kong Oo o Hindi mam ang sagot ko di ba? Itatali mo pa rin ako sayo" "Because you belong to me" "I belong to no one" "I am not 'no one' to you, Jacintha", kahit kailan ay maoang-angkin takaga ang lalaking ito. "I already laid all the cards for you. I have been considerate with you but I don't have patience anymore" "So be legally and rightfully mine; because as of the moment you know you have no one but me. So wed me, Mi Hermosa", naghihintay ito ng sagot ko. "I- I will marry you", usal ko. "Pero may mga kondisyon" "Lay it out" "Hindi mo ako lolokohin. Walang ibang babae" "That's a given" "Hindi na ako magtatrabaho sa Pacific. I will work, at hahayaan mo ako sa gusto ko" "That's negotiable" "Non-negotiable! Ayokong manghimasok ka" "Kung iyan ang gusto mo" "At huli, hanggang sa maisipan kong dagdagan ay kilalanin natin ang isa't-isa. Ayokong wala akong alam sa magiging asawa ko" "You already know how grey I am, Hermosa", "Iyon ang ipinapakita mo; ang ibig kong sabihin ay ang ikaw at ang puso mo", hindi ko na tansya at nailapat ko ang aking kamay sa dibdib nito na tatanggalin ko sana kung di nito iyon hinawakan at hinayaan lang nito iyon doon at inismiran ako. "Tú y tu forma de hablar", wika nito sa lenggwaheng kastila. "Ano?", "Nothing. Whatever you like. Now, wear this". Hawak pa rin ang mga aking kamay ay mag ingat nito iyong iniharap sa kanya. Habang ginagawa niya iyon ay sa kanya lang ang tingin ko. Isinuot nito ang singsing sa aking palasingsingan. He was gentle, it was unlikely of him. He is gentle because its me? "Hindi mo iyan pwedeng tanggalin magmula ngayon" Isa iyong gold solitaire emerald cut ring. Napakaganda at simple hindi maalis rito ang aking tingin. Isang singsing sa aking kamay. Galing sa kahulihuliang taong inaasahan kong sa akin magbibigay. "Isang singsing na nagpapaalala sa atin ng kasunduan nating dalawa", sabi ko ng sa singsing nakatuon nang hawakan nito ang aking baba at iniharap sa kanya. Ang mga mata nito ay nagpupungay tila umiitim pang lalo. Kasama ng basang buhok at mukha, mas lalo itong nakaka-intimidate at alam nito iyon. "Yes, a reminder that I will never let you go. Even if you ran away from me again, I will come for you. Even in the highs of Heaven and depths of Hell I will wreck havoc just to find you. Because again, Mi Hermosa, you belong to me", may diin sa huling apat na salitang wika nito. Nag-abot muli ang aming mga mata. Hinawakan ng kamay nito ang aking pisngi. Ang malaya nutong kamay ay hinapit ang aking bewang sa ilalim ng tubig. "In three days time, you will be officially mine", hinapit pa ako nitong malapit, naglapat ang aming mga dibdib, napakapit ako rito. Muli, tensyon; alab ng damdamin. Dama ko ang bawat pagtibok ng puso nito ngayong napakalapit na namin sa isa't-isa at kakaunting saplot lang ang naghihiwalay sa aming dalawa. "Jorge..." "Jacintha..." Tawag na puno ng sabik. Init na pakiramdam sa ilalim ng kay lamig na tubig. Isang tagpong di ko kailanman inasahan. "I will do something now, if you don't like it, you can push me all you want" Idinampi nito ang mga labi sa akin ng may pag-iingat. Hanggang sa lumalim iyon at tanging mga basang labi na ginagaya ang bawat isa sa galaw ang naririnig ko. Hinahalikan ako ng isang Jorge Desjardin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD