Habang nasa Davao abala naman si Rupert na bumisita sa kanyang mga kamag-anak at kaibigan, isang taong mahigit din kasi na hindi siya nakauwi sa kanyang magulang. Minsang kumakain sila ng hapunan nabanggit ng mama ni Rupert na bumalik na ng Pilipinas si Mabel ang kanyang kababata na naninirahan sa Australia.
"Rupert alam mo ba anak," sabi ng mama nia. Ang ganda at seksi ngayon ni Mabel nagbalik na sila ng Pilipinas ng kanyang pamilya. Minsan nga nagkasalubong kami ay hinahanap ka. Nasabi ko na nasa Maynila ka at doon nag aaral. Talaga ma? Namis ko din yong kababata kong iyon halos 2 dekada pala kaming hindi nagkita at walang kumustahan man lang.
Lumipas ang mga ilang araw, natapos na din ang mga pagbisita sa mga kamag anak at mga kaibigan itong si Rupert. . .
habang nagpapaantok sa kanyang kwarto mga 9:00 ng gabi ay biglang naalala ni Rupert si Chona. Kumusta na kaya yong crush ko? at palihim siyang napangiti na dala ang alaala noong sila ay nag aaral sa Maynila. Sana magkaroon na ako ng lakas ng loob na magtapat ng nararamdaman ko pagbalik ko ng Maynila, yan ang usal ng mapaglarong utak ni Rupert.. . Bakit kasi napaka torpe ko pagdating sa kanya baka mamaya magka boyfriend na siya doon sa kanila. Hayyyy! wag naman sana. Patuloy niyang imahenasyon na gusto na niyang bumilis ang araw para magkita na ulit silang dalawa ni Chona. Malayo kasi silang dalawa Luzon si Chona at sa Mindanao naman si Rupert at kahit gustuhin niyang dumalaw doon araw-araw ay hindi pwede dahil malayo at wala pa siyang sariling income para sa panggastos na pamasahe niya if ever na gusto talaga niyang lumuwas ng Maynila.
Napasarap pala ang tulog niya kagabi.
Tok .. tok .. tok! ginigising siya ng katok ng kanyang bunsong kapatid na lalaki din, na si Mike. Kuya Rupert tawag nito at sabay katok sa pintuan ng kwarto niya. Highschool naman ito at sa Davao nag aaral kasama ang parents nila. Mag aalas otso na pala ng umaga, ay hindi pa siya nagising kayat kinatok na siya. Kumain ka na daw kuya sabi ni mama, iyon ang bungad ng kanyang kapatid pagbukas niya ng pinto. Sige Mike, susunod na ako, sabi ni Rupert.
Paglabas niya ng kuwarto dumiretso siya sa kusina para kumain ng almusal. Tapos ng kumain silang lahat maliban sa kanya dahil late siyang nagising sa sobrang imahenasyon kay Chona kagabi. Pag upo niya sa dining may pagkain na natatakpan. Binuksan niya yon at nakita niyang may fried rice, itlog, longganisa at adobong manok. Kumain siyang mag isa sa mesa. Maya-maya ay lumapit ang kanyang mama at sinabi na tumawag si Mabel kaninang maaga at hinahanap siya. Bakit daw po ma? Tanong ni Rupert. Pupunta daw siya dito mamaya at may sasabihin sayo. Nasabi kasi niya na pupunta daw siya ng boracay at walang makasama baka daw pwede mo siyang samahan.
Napaisip si Rupert.... "bakit ako?"
Pagkatapos kumain ni Rupert lumabas siya ng bahay at naglakad-lakad sa kanilang bakuran, marami kasi siyang nakain at ayaw niyang magkaroon ng bilbil. Maya-maya
biglang tumunog ang kanilang doorbell. Lumabas siya at sinilip kong sino iyon. Isang babae na sakto ang taas mga 5'2, maputi, kulay brown ang buhok, maganda, seksi at lalo pang naging kaakit akit sa kanyang paningin dahil sa suot niyang maikling short at naka spaghetti strap na pang itaas at hapit sa kanyang katawan. Teka? ... baka ito si Mabel ang kwento ng kanyang mama na pupunta sa bahay nila.
Apat na taon noon si Mabel ng umalis sila ng Pilipinas at doon nagpasya ang mga mga magulang niya na manirahan ng Australia. Pinadala kasi ng pinagtatrabahuhan niyang company ang father niya kaya kinailangan nilang sumama. Magkaibigan ang kanilang mga parents kaya magkababata silang dalawa. 24 years na sila ngayon kayat dalawang dekada silang hindi nagkita ni Mabel.
Hi! bati ng babae kay Rupert.
Hi! din, ikaw ba... .. si .. ..M...ma .. .. Mabel? na parang nag aalangan na tanong ni Rupert.
Oo, hmmm.. ikaw ba si Rupert?
Yap! pasok ka para doon natin ituloy ang kwentuhan sa loob ng bahay.
Ma..ma....mama andito na po si Mabel sigaw ni Rupert sa mama niya.
Naghanda naman ng juice ang mama ni Rupert at prutas para sa kanilang dalawa.
Thank you tita, sabi ni Mabel.
"Dalagang-dalaga ka na" Bel yn ang tawag ng mama ni Rupert kay Mabel.
At ang ganda pa niya mama, di po ba? banat ni Rupert.
Oo anak, laki kasi sa ibang bansa kaya lalong gumanda.
Salamat po sa papuri, masyadong ninyong pinapataba ang puso ko. hehehe. at ngumiti siya. Diyan muna kayong dalawa at ako'y marami pang gagawin, paalam ng mama ni Rupert.
Sige po tita, ani Mabel.
Kumusta ka na Mabel? ani Rupert
Ito okey naman nakabalik na ulit ng Pilipinas, tinapos ko lang ang course kong Accountacy sa University of Sydney. After noon nagpasya na ang parents ko na dito na ulit manirahan sa Davao.
ikaw naman musta Rupert? Hanggang ngayon nag aaral pa pero malapit na ding maka graduate. Sa Manila ako nag aaral para maging abogado, sa University of Sto. Tomas.
Rupert kaya ako nagpunta dito dahil gusto kong pumunta ng boracay next week. Yayayain sana kita kasi wala akong kasama, ayaw kasi mag travel ng parents ko madali na daw kasi silang mapagod, kaya naisip ko na ikaw na lang isama ko.
Ha! bat ako Mabel? Bakit hindi ang boyfriend mo? sabi ni Rupert.
Hay naku! kung alam mo lang ang nangyari sa amin. Ayaw niya kasi akong payagan na umuwi ng Pilipinas kaya ayon, di kami nag uusap nasa Australia kasi siya. Tinatawagan ko ayaw naman sumagot. Ayaw naman niyang sumama dito sa Pilipinas so... wala hanggang doon na lang siguro kami.
Sorry! sa pagtatanong, sabi ni Rupert. Sumakit tuloy ang puso mo.. .. hahaha..
Wow naman! Sige asarin mo pa ako, pag ako makaganti sayo, mata mo lang ang walang latay... pang aasar naman ni Mabel.
Sasama ka ba o Hindi? usisa ulit ni Mabel na tunong pinipilit siya.
Siyempre mahihindian ba kita eh, lakas mo sa akin. Baka mamaya banatan mo na naman ako, alam mo kasi di kita papatulan sa pang aasar mo.
Good! ani Mabel. hahaha.. hahaha. basta next week ha? Go tayo ng boracay, May 17, 8:00 ng umaga ang plane tiket na kukunin ko.
Yes madam! sagot ni Rupert na nang aasar din. Pagkatapos ng usapan ay umuwi na si Mabel sa bahay nila.
Dumating ang May 17, alas kwatro pa lang ay gising na si Rupert para ihanda ang mga dadalhing gamit sa pagpunta nila ni Mabel sa Boracay. Malayo ang Boracay sa Davao, mga dalawang oras na mahigit, or almost 3 hours din sa sobrang layo ng byahe sa eroplano.
Biglang nag ring ang kanyang cellphone,
ring. .ring. anghang? Sa puntong iyon hindi sumagot si Mabel halatang nainis kay Rupert. Tumayo ito, sabay sabi... salamat sa pang a. .ring, pagtingin ni Rupert si Mabel ang tumatawag.
Hello Mabel! sagot ni Rupert pagkahawak ng cellphone.
Rupert, nakapag handa ka na ba? sagot niya kay Mabel.
Aalis tau ng alas singko para hindi tayo mahuli sa flight ng alas otso, okey?
Yes madam! hahaha, ani Rupert. Ako na ang tatawag ng taxi Mabel tapos susunduin kita dyan para deritso na tayo ng airport.
Sige Rupert! hihintayin kita dito sa bahay.
Sinundo na ni Rupert si Mabel sa kanilang bahay at dumiretso na sila sa airport papunta ng Boracay. Six ng umaga nasa airport na sila at waiting na lang na sumakay ng eroplano, eight ng umaga ang flight nila. Parehas siguro tayong di nakapag almusal ano Mabel? sabi ni Rupert.
Oo pero hindi naman ako nagugutom dahil siguro sa excited ang makating ng Boracay.
Halika na punta na tayo ng eroplano, yaya ni Mabel kay Rupert.
Huwag mo akong iwan Mabel baka mawala ako, hahaha .. biro ni Rupert.
Habang nasa eroplano napaidlip si Mabel, habang si Rupert naman ay nagbasa na magazine. Sa tagal ng byahe medyo napaidlip din siya at ng magising ay malapit na silang bumaba ng Caticlan airport. Napasulyap si Rupert kay Mabel, tahimik ito at parang malayo ang iniisip na parang naluha ang mga mata. Hindi iyon pinansin ni Rupert, inisip niya na baka kakagising lang din ni Mabel kaya medyo malamlam ang mga mata. Pagbaba ng eroplano, may sumundo sa kanilang tourist van para dalhin sila sa bangka papunta sa isla ng Boracay. Bitbit ni Rupert ang kanilang bag at inalalayan niyang makasakay ng bangka si Mabel. First time niyang mahawakan ang kamay nito, malambot ang sarap hawakan ng matagal at pisil pisilin, nasa mapaglarong utak ni Rupert.
Pagdating nila sa isla, napamangha sila sa ganda ng Boracay. Yong white sand na napapanood nila ay tunay na nilang naapakan at nahahawakan. Dumiretso muna sila sa hotel para maayos ang mga dala nila. Rupert hanapin natin ang room 41, kasi doon ako mag stay, sabi ni Mabel. Ikaw naman ay sa room 42, magkatabi lang tayo. Pagkahanap nila ng kanilang mga room, nagkanya-kanya muna silang dalawa. Bago pumasok ng room..... ....
Hindi pa tayo kumain ng breakfast at lunch Mabel, I'm sure gutom na rin ang mga alaga mo sa tiyan. hahaha, pang asar na naman ni Rupert. Ayusin muna natin ang ating mga dala saka tayo bababa ulit para kumain, sagot ni Mabel. Okey sige bye, see you later!
ani Rupert.
After 30 minutes lumabas na ng room si Rupert, nakatayo siya sa tapat ng pintuan ni Mabel at hinihintay niya itong lumabas. Pagka bukas ng pinto ni Mabel, nangiti si Rupert sabay sabi, ... " sa wakas lumabas din ng lungga ang aking hinihintay". Lika na Rupert at gutom na ako. Nag order sila ng mga foods, kanin, inihaw na isda at baboy, sinigang, crabs, hipon, prutas at softdrinks. Dami naman nyan Mabel, ani Rupert. Almusal, tanghalian at hapunan na natin yan Rupert, sabay tawa. hahaha.. Sabagay kasi hapon na at malapit ng gumabi. Malapit na silang matapos kumain, ng biglang maisipan ni Rupert na asarin na naman si Mabel. Hindi kasi mahilig sa maanghang na food si Mabel kaya't naisip niya na lagyan ng sili ang inihaw na baboy at isinubo iyon kay Mabel. Dahil sa sobrang anghang napaluha ito at biglang nainis kay Rupert. Alam mo di nakakatuwa ang ginawa mo, pasigaw na sabi ni Mabel kay Rupert. Sorry Mabel napasobra ba ang asar ha! birthday na birthday ko napaganda ng gift mong ito sa akin. Umalis ito at naglakad sa baybayin ng Boracay. Natulala si Rupert, di siya nakakibo.