"Mommyy!" Muling umalingawngaw ang isang matinis na boses sa katahimikan ng corridor at ilang beses tinawag ni Reila ang ina. Halos matumba si Treyton ng saluhin ang katawan ni Reinette na parang tinibang saging na bumagsak. Bagsak ang mga braso at ulo nito at halos hindi humihinga. "Reinette! Reinette wake up!" Hindi magkandatutong sambit ni Treyton habang inuuga ang katawan ni Reinette. Kaagad din sumaklolo ang nurse at doctor na kausap nila."I'll take her to the ward." Agad din binuhat ni Treyton si Reinette malalaki ang kanyang hakbang papasok sa VIP ward na kanina lang kinuna niya. Inihiga niya ito sa hospital bed. Hindi naman binibitawan ni Reila ang kamay ng ina at maingat na hinahagod ito. Kaagad din sinuri ito ng doctor ng maihiga na ng maayus, maging ang vitals signed nito ki

