Tinanaw ko lang ang mag-iina kong walang tingil sa pag-iyak. Magkakatabi silang nakaupo sa bangko, tabi ng puting kabaong ni Mama na napapalibutan ng puting mga bulaklak at ilaw. Buti nalang andito ang mga kaibigan ko sumusuporta sa amin kundi hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi rin umaalis sa tabi nila ang nurse, dalawang beses na siyang nag-collapsed. Hirap narin niyang pakainin at halos walang tulog. Mugtong-munti ang kanilang mga mata sa labis na pag-iyak. Bukas dadalhin na ito sa bayan kanilang sinilangan para sa isang gabi pang lamay. At sa huling sandaling makikita at makasama ang kanilang mga kamag-anak at kaibigan sa Santa Martà. "Reinette kailangan mong kumain para may lakas ka. Wala ka parin tulog maging ang mga bata nagagaya sayo. Alalahanin mo ang kalagayan ni Reila hindi si

