"What?" Halos mapasigaw si Treyton sa gulat ng biglang bumukas ang pinto ng kanilang ward. Inaalo niya si Reinette para matulog ito. Agad napabangon si Reinette ng marinig ang boses ni Levy. Ang inaantok kung diwa ay biglang naglaho ng marinig ang boses ni Levy, para akung binuhusan ng malamig na tubig sa ulo. "Gising na po si Reid, dumaraing siya sa sakit ng kanyang mga tuhod." Hindi magkandatutong wika ni Levy hindi ko alam kung excited ba siya o natatakot. Halos magkandarapa ako sa pagtakbo patungo sa intensive care unit. Nakaalalay lang sa akin si Treyton kasunod namin ang kanyang secretary na itunurin na namin kapamilya. Mabait siya at laging nakasuporta sa amin lalong-lalo na kay Reila, kasundo niya ito. Ang pagkakagulo ng mga nurse at Doctor sa loob ng intensive care unit ang nag

