32

2488 Words

DAY 6. Pagmulat ng mata ni Bornok ay napaseryoso na lamang siya at napahawak sa kanyang noo. Ang nangyari na panaginip sa kanya ay nakatatak pa rin sa utak niya at ganoon din kung anong itsura ng hubad na katawan ng babaeng nasa ibaba niya. Napahikab na lang siya at napatalukbong ng kumot. Parang nakaramdam siya ng hiya kay Trixie matapos ito. Paano niya ito haharapin? Paano niya ito kakausapin? Ang daming tanong sa utak niya nang oras na iyon, hanggang sa bigla na nga lamang nagbukas ang ilaw sa loob ng kanilang kwarto. Mula nga sa loob ng kumot ay nakita niyang bumangon na si Trixie at kasalukuyan nang umiinom ng tubig. Dito na nga kumabog ang dibdib niya. Parang nawalan siya ng lakas ng loob na bumangon at makita ito. Ipinikit na nga lamang niya ang kanyang mga mata at kunyari ay tulo

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD