3

2142 Words
MARIRINIG sa kalye ang tunog na nagmumula sa nakabisekletang nagtitinda ng pandesal. May malakas na boses ding umaalingawngaw sa lugar na iyon na nagsasabi ng “Taho!” Ang mga naka-uniporme para pumasok sa trabaho at eskwela ay nagsimula na ring magsilabasan para pumunta sa terminal ng jeep sa kanto. Malapit nang mag-alas sais ng umaga pero may kadiliman pa rin ang paligid. Nagbukasan na ang mga ilaw sa bawat bahay at ang mga tindahan ay nakabukas na rin para sa mga maagang mamimili. May mga tao ring nasa labas para mag-inat-inat ng katawan. Mayroon din namang mga nagkakape para tumingin sa mga nagdaraan. Sari-saring mga imahe ang makikita sa kalyeng iyon na pinamumugaran ng iba’t ibang klase ng tao. Nariyan ang mga sira-ulo, at ang mga matitino. May mga bata ring nagtatakbuhan na kaagad at naging maingay na nga ang lugar sa pagsisimula ng pagpasok ng liwanag mula sa kalangitan. Mula naman sa isang maliit na boarding house sa lugar na iyon ay humihikab na sumilip sa bintana ang isang lalaking nakasuot ng maluwang na tshirt na itim. Sabog ang buhok nito at makikitang may panis na laway pa ito sa gilid ng labi. Kinusot-kusot nito ang kanyang mata habang tumitingin sa kalsada sa ibaba. Pagkatapos ay kinamot pa niya ang makati niyang bayag at pagkatapos ay inamoy-amoy ang kamay na ginamit dito. “Umaga na naman,” sabi niya sa kanyang sarili at pumunta na siya sa may saksakan kung nasaan ang rice cooker. Mag-isa lang siya rito at kahit na pantatluhan ang kwartong ito na may isang double-deck at isang banig ay wala sa kanyang sumasama dahil sa ayaw sa kanya ng mga boarders na lalaki rito. Nagpakulo siya ng tubig gamit ang rice cooker at naghilamos sandali sa labas. Nakita niyang mga gising na rin ang ibang boarders, pero hindi niya pinansin ang mga ito. Matapos niyang maghilamos ay dumiretso na uli siya sa loob ng kanyang tinutuluyang silid. Kinuha na niya ang kanyang damit mula sa kahon niyang lalagyanan. Magkakape at tinapay lang siya at maliligo bago pumunta sa trabaho niya. Nang makita niyang kumukulo na ang tubig sa rice cooker ay inalis na niya ang pagkakasaksak nito sa kuryente. Kinuha niya ang tasa at nilagyan niya ng tubig. Higit na malaki ang tasang iyon kaysa sa normal na sukat. Tinaktakan niya iyon ng dalawang sachet ng kape at kumuha siya ng dalawang tinapay mula sa kanyang lalagyanang may laman na kung ano-anong pagkaing gaya ng noodles at biscuits. Halos mapaso na ang dila niya nang humigop siya ng kape. Kaso, hindi niya iyon alintana. Mabilis niyang inubos ang kape at ang tinapay. Maya-maya pa ay tumayo na siya. Kinuha na niya ang kanyang malaking towel at ang brief na kanyang susuotin. Kinuha na rin niya ang kanyang tabo na may lamang sabon, shampoo, toothbrush at toothpaste. Lumabas siya ng kanyang silid at paglabas niya ay napansin niyang may isang babaeng boarder ang nakaupo sa lamesang tambayan ng mga nangungupahan dito. Mukhang kagigising lang nito at tahimik na nagkakape habang nakataas ang isang paa sa inuupuan. Komportable ito kahit na maikli ang suot nitong shorts. Makikita ring magulo ang buhok nito at mukhang hindi pa nakakapag-ayos. Dinaanan niya ang harapan ng mesa at pasimple siyang napasulyap dito na kasalukuyang umiinom ng kape. Napalunok siya ng laway nang makitang bumabakat ang tuktok ng dibdib nito sa ilalim ng suot nitong maluwag na brown tshirt. Sa pagdaan nga niya ay kunwari na lang siyang wala siyang nakita. Sino ba naman ang hindi matutuwang makita iyon? Isa ito sa magaganda at sexy na boarders dito. Sa pagkakaalam nga niya ay ito ang madalas na pinag-uusapan ng mga boarders na lalaki rito kapag nag-iinuman. Minsan na rin siyang napapainom at ang madalas niyang naririnig ay binobosohan daw nila ito kapag nagpapalit ng damit. Minsan ay nakikita nga raw nila ito na galing sa banyo na nakatapis lang ng towel na kung saan ay pansin na pansin ang hubog ng katawan nito. Kaso, sa dami ng kwento at yabangang naririnig niya... Hanggang sa pagmamaryang-palad na lang din naman ang magagawa nila sa dalagang ito. Sa pagkakaalam kasi niya ay may boyfriend itong pulis na palaging naghahatid dito kapag umuuwi galing sa school. Nag-aaral pa ito, pero sa tingin niya ay may karanasan na ito sa kama. Minsan na rin kasi niyang nakitang nilalaplap ito ng jowa nito sa loob ng kotse nito. “Tinitingin mo? Manyakis!” bulalas ng dalaga sa kanya at napabilis na lang siya ng lakad papunta sa CR para sa mga borders. Pagdating niya roon ay siya namang pagbukas ng pinto ng banyo. Mula roon ay lumabas ang isang hanggang balikat lang ang buhok na singkit ang mata. Nakatapis lang ito ng towel at mapapansin ang malusog nitong dibdib na nakatutok sa kanya sa paglabas nito. “Ay!” Mabilis na napahinto ito dahil sa pagkabigla nang siya ay nakita. “Hindi mo ba nakitang may tao pa sa loob? Balak mo ba akong bosohan? Bastos ka!” ani nito sa kanya na tinanggap na lang niya. “S-sorry...” wika niya at nakarinig siya ng pagtawa mula sa ilang lalaking boarders na nasa kabilang mesa. “Pasimpleng manyakis ka pa talaga Bornok!” wika ng mga iyon sa kanya. Napatakbo na lang siya papunta sa loob ng banyo. Hindi na rin naman ito bago sa kanya rito sa boarding house. Lagi nga siyang napapagtripan dito. Bukod sa pagiging hindi katangkaran at maraming tigidig sa mukha, isa rin sa pang-asar sa kanya ay ang pangalan niya. Bornok! Isang pangalang nakasulat sa kanyang birth certificate. Hindi niya alam kung bakit sa dinami-rami ng matinong pangalan ay ito pa ang napunta sa kanya. Noon pa man nang nag-aaral siya ay tampulan na siya ng tukso ng mga kaklase niya at hindi niya akalaing hanggang sa pagtanda ay ganoon pa rin ang kanyang mararanasan. Nasanay na nga lang siya sa mga ganitong bagay na nangyari sa kanya. Immune na siya sa pang-aalaska at tinatawanan na lang niya rin ang mga ito. Pagpasok niya sa banyo ay napansin niyang may panty na nakasampay sa kawad na sampayan sa loob. Napalunok siya ng laway at pasimple niya iyong kinuha matapos magpatulo ng tubig sa timba. Pinagmasdan niya iyon habang nasa kanyang palad. Kulay pula ito at hindi siya sigurado kung kanino ito. May apat na babaeng boarders dito sa boarding house at nasisiguro niyang isa sa mga iyon ang nagmamay-ari nito. Hindi rin niya malalaman kung kanino ito dahil mukhang bago ito kumpara sa madalas niyang nakikita rito na mga kupas na ang kulay. Napansin niya ang guhit na mantsa sa gitna noon at hindi na niya napigilan ang kanyang sarili na amuyin ito. Mabilis siyang naghubad ng damit at habang inaamoy iyon ay hinawakan niya ang kanyang tumigas na sandata. Bago siya maligo ay hindi na niya napigilan ang kanyang sarili na mag-maryang-palad. Mabilis niyang nilaro ang kanyang ari kaso, bigla na lang may kumatok nang malakas sa pinto ng CR na naging dahilan upang mataranta siya at mailaglag ang panty sa gitna ng inidoro. “Hoy! Bornok! Akin na nga pala ang panty ko! Nakalimutan kong kunin!” Napangiwi siya nang marinig iyon. “Hoy! Bornok! Iabot mo sa akin ang panty ko. Tangina mo! Baka pinagsasalsalan mo ba iyan?” wika pa ng babae at nagtawanan naman ang mga boarders na nakarinig noon. Dinampot ni Bornok ang panty na nahulog sa gitna ng bowl. Mabuti na lang at malinis ang tubig doon dahil kung hindi ay baka nandiri pa siyang kuhanin iyon. “Ano na Bornok! Tangina mo! Bagong bili ko iyang panty! Iabot mo sa aking hayop ka!” inis ng wika ng babae sa kabila ng pinto at si Bornok ay agad na binuksan nang bahagya ang pinto. Inilabas niya ang kanyang kamay na may hawak sa panty na naramdaman niyang mabilis na kinuha kaagad sa kanya. “Bakit basa ito? Ano’ng ginawa mo rito? Hoy! Sumagot ka!” inis na wika uli ng babae, ito ay ang babaeng huling lumabas ng banyo. Siya ay si Emily, 27 years old at nagtatrabaho sa isang supermarket bilang pushgirl ng isang cosmetic product. “W-wala! Nahulog kasi i-iyan nang abutin ko. S-sorry...” wika ni Bornok na mabilis na hinugasan ang kamay. Lumambot na rin ang kanyang ari dahil sa nangyari kaya hindi na niya ginawa ang kanyang pagsasarili. “Naku Emily, baka t***d iyan ni Bornok!” wika naman ni Carlene, ang babaeng kaninang nakita ni Bornok na nagkakape. Tumawa naman nang malakas ang mga lalaking boarders na nakarinig noon. “Tangina! Yuck!” wika ni Emily na mabilis na pumunta sa hugasan nila ng plato sa labas ng kanilang mga kwarto. Hinugasan niya agad ang kanyang panty at sinabon nang maigi. Mabilis na naligo si Bornok at pagkatapos ay nakayukong lumabas. Hindi na niya pinakinggan ang sinasabi ng mga kapwa niya boarders. Dali-dali na siyang pumasok sa loob ng kanyang kwarto at nag-ayos ng sarili. Humarap siya sa maliit na salamin at doon ay napangiti na lang siya nang makita ang kanyang pagmumukha. “Hay naku Bornok! Kasing pogi mo talaga ang pangalan mo,” natatawa na lang siya habang sinasabi iyon at mabilis niyang sinuklay ang kanyang buhok. Napansin pa nga niyang may nana ang isa niyang taghiyawat sa ilong kaya tiniris niya muna ito. Pumutok iyon at pumuslit ang laman sa salamin. Nagmadali na siyang maglagay ng mga extra na damit sa kanyang bag pack at matapos paliguan ang sarili sa mumurahing cologne ay mabilis siyang lumabas ng kanyang kwarto. Ini-lock niya ang pinto at tumingin siya sa mga borders na kanyang maiiwanan. “Goodmorning guys! Aalis na ako,” masiglang bati ni Bornok at pagkatapos ay kumaripas ito ng lakad papunta sa may kalsada. Hindi na niya pinakinggan o hinintay ang sasabihin sa kanya ng mga kasama niya. Alam na naman niyang pagtatawanan lang siya ng mga ito. Nag-abang na siya ng tricycle para makapunta sa kanyang trabaho. Pagtingin nga niya sa tabi niya ay napansin niyang may nag-aaway na mag-syota. Nakikita niya palaging magkasama ang dalawang ito rito na naglalakad. Mukhang, may morning quarrel ang dalawa kaya hindi na sana niya ito papanoorin. Kaso, sinikmuraan ng lalaki ang babae na naging dahilan para mapatakbo siya palapit dito. “Bakit mo siya sinuntok? Babae siya boss!” wika ni Bornok. Mas nainis naman ang lalaki nang makita ang kanyang pagmumukha. “Tangina! At sino ka para pigilan ako?” Isang malakas na suntok ang tumama sa mukha ni Bornok at dahil hindi naman siya sanay sa basag-ulo ay bumulagta kaagad siya. Halos mahilo siya dahil doon pero napatingin pa nga siya sa babae, hinila na ito ng lalaki at nakita niyang umiiyak ito habang nakahawak sa sikmura. Pinilit niyang tumayo dahil gusto niyang iligtas ang babae. Pakiramdam niya ay humihingi ng saklolo ito sa kanya, kaso, hindi niya iyon magawa. Nakikita niya madalas ang babaeng ito na may lungkot sa mata. Kapag kasama nito ang lalaki ay parang may takot palagi ito. Alam niyang wala siyang karapatang manghimasok dito, pero hindi na niya napigilan ang kanyang sarili kanina dahil sinuntok ito noong lalaki. “M-miss! Hiwalayan mo na ang lalaking iyan!” bulalas ni Bornok at nang marinig iyon ng lalaki ay napahinto ito sa paglalakad. Ang kasama nitong babae ay napayakap na lang sa kasama niya. “H-hon! Huwag mo nang patulan ang isang iyan! Tama na please!” wika ng babae na umiiyak, pero wala siyang nagawa. Paglapit ng lalaki kay Bornok ay binira siya nito ng dalawang malakas na suntok sa mukha. Nagdilim ang paningin ni Bornok matapos iyon. Nawalan siya ng malay at bumulagta sa may kalsada. Ang mga nakakita ay hinayaan lang na umalis ang lalaki na gumawa noon. Habang si Bornok, hinayaan na lang din nilang walang malay. Walang tumulong dito dahil wala silang pakialam sa binata na kilala naman nilang taga-rito. Ilang beses na itong nabubugbog dahil sa pangingialam sa mga magsyotang nag-aaway sa kalye, sa trabaho at minsan sa mga pasyalan. May sandali rin na sinusubukan nitong patahanin ang isang babae dahil broken, kaso ang nagiging ending ay hinahabol siya ng mga tao dahil sumasaklolo ang kanyang nilalapitan sa pag-aakalang siya ay manyakis. Bukod sa pangalan, sa pangit na mukha, may mga bagay pa ang dahilan kung bakit siya pinagtatawanan ng mga tao at ng mga nakakasama niya. Dahil sa pagiging pakialamero, at sa pagiging tanga. Wala siyang kadala-dala, palaging nangyayari ito sa kanya at hindi pa rin siya tumitigil sa ginagawa niyang ito. “Gusto ko lang namang pangitiin ang mga babaeng niloloko ng mga jowa nila. Sinasaktan ng mga partner nila... iniiwanan ng mga boyfriend nila.” “Masama ba iyon?” Akala nga niya ay wala ng matinong mangyayari sa buhay niya nang oras na iyon... hanggang sa makilala niya ang isang babaeng babago sa kanyang tila wala ng kwentang buhay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD