Chapyer 4- "IKAW NA NAMAN?"

761 Words
(Tiffany's POV) "Tiffany tapos ka na?" "Opo!!!" Sinuot ko nalang yung bracelet kong kulay red at kinuha ang gitara ko.... Binuksan ko na yung pinto at naabutan si mommy na nakaupo dun sa sofa.... "Tara na po mommy...." "Teka,bakit may dala kang gitara?" "Ah....wala lang po...baka-----------" "Iwanan mo yan.." sabi ni mommy habang inaayos yung make-up nya... "Pero mom---------" Tumingin sakin si mommy ng masama....Oh well,kapag ganyan ang mukha nya,hindi ko alam kung bakit nagiging mabait ako bigla.... Nilapag ko na yung gitara ko sa sofa at nagsimulang lumabas ng bahay sabay sakay sa sasakyan... Sumunod narin si mommy at sya yung magdadrive... Habang nasa byahe,,... "Tiffany naman kasi,party yung pupuntahan natin tapos magdadala ka ng gitara? Wish mo lang kung maririnig mo yung tutugtugin mo din..." "Whatever mom....." sabay nag make-face ako at tumingin sa bintana..... Nung nakarating na kami sa party na sinasabi ni mommy,pinauna ko muna syang bumaba bago ako. Aba,malay ko ba kung san ako pupunta dyan. "Let's go." yaya sakin ni mommy. Marami na ring tao nung nakarating kami. Hanggang sa huminto kami sa isang lamesa na puro mga ka-edaran ni mommy. "Eto ba yung anak mo Melissa? Aba'y kagandang bata pala.." sabi ng babaeng naka white na dress....Siguro isa to sa mga kaklase ni mommy. "Syempre no!!! Mana mana lang yan.." Tapos nagtawanan sila...Psh,kaya ayokong sumasama sa mga ganto eh.Wala naman akong ka-edad...Yung ibang mga dinala nilang anak mga 20 plus na...Malamang may mga asawa na rin sila... Hinila naman ako ni mommy sa isang table malapit sa swimming pool..... "Kristine!!!!" "Oh Melissa!!! Ikaw na pala yan.....Kanina ka pa namin hinihintay.." Umupo na kami dun ni mommy...... Bale parang nasa isang bahay lang kami pero sobrang laki...Puro white and pink yung mga designs...... Nilibot ko naman yung paningin ko..Puro mga nagsasayawan lang...Tapos meron ding maliit na stage sa gilid......Sa gitna naman,may swimming pool na maliit.. Hayyy....Gusto ko nang umuwi..... "Mommy,punta lang po ako ng banyo.." "O sige.." Tumayo na ako at iniwan ko sila doong nag-uusap..... Habang naglalakad ako,napag-isip isip ko na hindi ko pala alam yung banyo dito.... Kaya ang ginawa ko,lumapit ako doon sa isang lalaking nakaupo sa gilid ng swimming pool.... "Ah,...excuse me,pwedeng magtanong?" Pagkaharap nung lalaki..... "IKAW NA NAMAN?!" Halos malaglag si Teejay sa swimming pool nung sumigaw ako....Mukhang konti lang ang nakarinig dala narin siguro ng malakas na tugtog.... "A-anong ginagawa mo dito Tiffany?" Tumayo naman sya habang pinapagpag yung pantalon nya.. "Ako dapat ang nagtatanong sayo nyan....Anong ginagawa mo dito?" Baka naman kaklase ng mommy ko yung mommy nya,o kaya naman yung daddy nya... "Tiffany,bahay namin to..." Halos malaglag ang panga ko sa sinabi nya.....Bahay nila to? As in???? "B-bahay n-nyo to?" Tumango naman sya... "Sabi kasi ni mama kanina,tumawag daw yung kaklase nya na dito nalang ganapin yung party....Kasi aalis daw yung asawa nun,at ihahatid lang nya....Kaya baka walang mag-asikaso.....Kaya tingnan mo ngayon,parang walang kadesign design yung party,minadali lang kasi.." "Ah,Teejay.." Hindi ko na kayang pigilin to.....>.. "Bakit?" "S-san yung banyo nyo?" Nakita ko namang ngumiti si Teejay sakin...."Akala ko pa naman magtatapat ka na ng pag-ibig mo sakin,banyo lang pala ang hinahanap mo....Tara,ituturo ko sayo..." Ang kapal talaga ng mukha neto.... Nauna na syang naglakad at ako naman eh sumusunod lang sa kanya....Pumasok na kami dun sa bahay nila at wala namang tao,puro katulong lang...Halos lahat kasi ng bisita nandun sa labas.... "Lumiko ka lang dyan sa kaliwa,tapos makikita mo agad yung banyo.." "Sige,salamat.." Naglakad na nga ako dun sa direksyon na tinuro nya.....At nakita ko naman agad yung banyo....Grabe,nakakahiyang umihi dito.....Ang bango bango tsaka sobrang ganda.....Pero dahil nga ihing-ihi na ako,kakapalan ko na yung mukha ko... Pagkatapos kong ilabas lahat ng sama ng loob ko,nag-ayos muna ako ng kaunti....Nagpulbos at nag-lipgloss....sabay labas.. "AY SUSMARYOSEP KA!!! Ano ba naman Teejay? Umaano ka ba dyan?" Paano naman kasi,saktong saktong pagbukas ko ng pinto,mukha nya agad yung nakita ko... "Wala,hinihintay lang kita....Tara na.." Tapos umalis ulit sya..... "Teka lang,pupunta na kasi ako kela mommy eh...." Huminto naman sya at tiningnan ako... "^___________^ Kaya nga ihahatid na kita diba?" Sa katunayan nyan,kinikilabutan ako sa tuwing nakikita ko syang ngumingiti ng ganyan......
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD