Chapter 7

772 Words
(Tiffany's POV) So iyon nga,nagpumilit si Teejay na maging GWAPONG ALILA KO DAW!(~.~) Psh....Dinadalhan nya ako ng almusal sa kwarto na may kasamang bulaklak at notes...Tapos nagdidilig sya ng mga halaman sa garden. Pagkatapos nun,tutulong na sya kay Manang sa mga gawaing bahay. Buti nga hindi naririndi sa Manang sa kanya eh,paano sobra sa kulit! Pero sa mga ginagawa nyang to para sakin,I find him sweet,kahit na palagi ko syang tinatarayan,hindi parin sya umaalis sa tabi ko. Nakalimutan ko na nga si Spade eh.. And I think.....I like him na... Hmmmm...did I said I like him? Aaaahh!!! Yes! I like him for being my GWAPONG ALILA!!!..(>. *ding dong* *ding dong* "WAIT LANG!!" excited much ang nagdodoorbell? tsk.. Tumayo na ako mula sa pagkakaupo ko sa sofa at pumunta na sa may gate namin.. "Sino po sila?" may isang lalaki kasi na nakatakip ang mukha with matching cap pa sa ulo nya...Tapos nakajacket pa sya...Ano ba to? Nilalamig? Grabe ah,di nya ba alam na nasa Pilipinas sya? tsk... "Ahh,special delivery po para kay Tiffany.." tapos may inabot sya saking box na medyo malaki.. Hmm,special delivery? Kainino naman kaya galing? "Sino raw po nagpadala nito?" kulay black yung balot ng box tapos may red na ribbon sa taas.. "Po? Ahh....ayaw pong pasabi eh...Sige po!!!" sabay alis ni Kuyang naghatid ng regalo na akala mo eh ginaw na ginaw sa panahon dito... Pero parang may kaboses si Kuya eh....hmmm...nevermind na nga lang... Pumasok na ako sa loob dala dala yung box..Nung pagkabukas ko naman... "WOW!!!!" grabe lang....iyan lang ang nasabi ko with matching laki pa ng mga mata.. Weeeehhh!!!! ang ganda kasi ng laman ng box eh....Isang stuffedtoy na luffy tapos meron pang keychain na lock yung design....Ang cute cute talaga!!!! Mahilig kasi ako sa mga animes!!! Di lang halata...^______^V Tapos may nakita pa akong envelope sa loob,kinuha ko naman agad kaso nung bubuksan ko na.. "TIFFANY!!!" Sino pa ba yung baliw na tatawag sakin ng ganyan? Edi si GWAPONG ALILA KO RAW!!! Umupo naman sya sa tabi ko at tiningnan yung Luffy na stuffedtoy.. "Sino nagbigay nito?" akmang hahawakan na nya kaso inagaw ko agad.. "Wag nga! Baka madumi yang kamay mo!!!" "Hmpf...sungit.." Binalik ko naman agad yung envelope sa loob ng box,pati na din yung si Luffy at ang keychain na lock....Tumayo na ako at kinuha yung box.. "Oh,san ka pupunta?" "Pakamatay,sama ka?" tapos naglakad na ako papunta sa kwarto ko.. "Oo,sasama ako.." Napahinto naman ako nun at tumingin sa kanya..."Seryoso ka?" "Yan sinasabi ko sayo eh,magtatanong ka kung gusto kong sumama,nung sumagot naman ako ayaw mong maniwala...tsk.." Bwisit talaga sya nu? Kaya tinarayan ko nalang sya at naglakad ulit papunta sa kwarto ko... Nilapag ko muna sa kama ko yung box.....Saktong sakto naman nung pagkalagay ko sa kama,eh may narinig akong sumigaw... "TIFFANY!!!!!!!!!" Si Rheeyan lang pala....bumaba na din ako at iniwan yung box dun sa kama ko...Nakita ko naman agad si Rheeyan na nandun sa sofa at nanunuod ng Tv....Teka,nasan na si Teejay? Hmpf,,pakielam ko ba dun...tsk "Oh,Rheeyan,umaano ka dito?" Tumingin naman sya sakin na kala mo eh may nasabi akong masama... "Eto naman,matapos kitang tulungang maka-get over dun kay Spade,ganyan lang yung bati mo sakin?" "Ok,ok..sabi ko nga diba?" umupo naman na ako sa tabi nya at nanuod nalang din ng tv... "Hmmm,nga pala,kamusta ka na?" Napatingin naman ako kay Rheeyan nun,seryoso lang yung mukha nya...Hmm,kahit naman lokaret tong pinsan ko na to,nasasandalan ko naman sya sa tuwing may problema ako.. "Hmmm,sa ngayon medyo ayos na.." "Medyo? Bakit medyo palang? Di ba pwedeng ayos ka na talaga?" "Bakit? Agad-agad ba yun? Excited ka? Hello~ Wala pang isang linggo simula nung nag-break kami ni Spade..." tapos binalik ko ulit yung mata ko sa tv "Ok...ok...masyado kang high blood eh.." Pagkatapos nun,nanuod nalang kami parehas,hindi ko nadin tinanong kung nakita nya ba si Teejay dito,baka kasi kapag nalaman nyang hinahanap ko sya,lumaki pa yung ulo. Alam nyo naman yun,may kayabangang taglay,kaya mabuti na rin ang nag-iingat... "Tiffany,Rheeyan,kumain na kayo dito...Tatawagin ko lang yung mommy mo sa kwarto nya.." Tanghali na pala,di namin namalayan...Kaya nauna nang tumayo si Rheeyan at sumunod na din ako... Nung nasa kusina naman kami,naabutan kong nakahinto si Rheeyan habang nakatitig kay... TEEJAY????

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD