Huminga ako ng malalim ngunit kahit anong ulit ko ay hindi parin kumakalma ang buong sistema ko. Ang lakas lakas parin ng t***k ng puso ko na para bang hinahabol ng kung ano. Today is Kris and Toffers birthday. May birthday party na inihanda ang mga magulang niya sa kaniya, kaniya lang dahil hindi pa naman umuuwi si Toffer. Kinakabahan ako dahil hindi naman ito ang usual birthday party niya na ginaganap taon taon. Sa pagkakaalala ko sa sinabi niya, pamilya at mga business partners lang nila ang imbitado. Hinawakan ni Kris ang kamay ko at dinala sa mga labi niya. "Relax. Mukhang mas kinakabahan ka pa ngayon kaysa noong nakilala mo ang buong angkan ko" kumento niya. "Sigurado ka bang isasama mo ako? Pwede pa namang magbago ang isip mo. Hindi naman ako magagalit..." "No. Hindi magbabago a

