Today isn't the ordinary day with Kris. He's not even wearing a coat or a button up polo. He's just with his usual Plains and jeans. Well, whatever with his clothes. Lahat naman kasi ng isuot niya ay babagay sa kaniya. Gwapo parin at lilingunin parin siya ng mga babae, hindi ko naman sila masisisi. Nasa kaniya naman na lahat ng dapat hanggaan. Ngumiti siya ng makita ako. Naglakad siya palapit sa akin at kinuha ang bag ko. Hinayaan ko lang siya dahil pagdating sa mga bagay na ganito paniguradong ipipilit niya ang gusto. Sling bag lang naman iyon. Tinanggal niya ang suot niyang cup at basta nalang sinuot sa akin bago hinawakan ang kamay ko at pinagbuksan ng upuan sa sasakyan niya. Hindi ko alam kung bakit ang hilig niyang pinapahawak, isinusuot o pinapagamit ang mga gamit niya sa akin. Min

