I busied myself. I study too much. I spend all of my time reading and reading until I don't know. Sinadya kong iwasan siya. Kapag nasa kwarto ko siya ay pinipilit kong ibaling ang atensiyon ko sa iba kahit na sobrang hirap dahil pakiramdam ko ay inaakit niya akong tignan siya. Simula talaga ng kumanta siya sa orphanage ay marami na ang nagbago. "Busy ka parin?" hindi ko siya tinapunan ng tingin ngunit sigurado akong nakanguso na naman ito. "You keep on reading and reading and reading. Atasha kasi!" I bit my lower lip and refrained myself from looking at him. Itinuon ko ang aking pansin sa libro pero mukhang wala iyong sense dahil kanina ko pang paulit ulit na binabasa ang pahina ngunit hindi ko na ito maintindihan. "May ginawa ba akong mali? Sige na, hindi na kita titignan nang ganun. P

